CHAPTER 23: FREYJA

153 7 0
                                    

ALCEAUS POV

Napuno ng katahimikan ang lahat, hanggang sa igalaw na ni Arisa ang kamay niya "Ninth Gods of Wind, Boreas" sa isang iglap may mistulang napakalakas na hangin ang dumaan papunta kay Stheno, hindi ito visible sa mga mata namin sa sobrang bilis at narinig nalang namin ang impact na parang may bulalakaw na tumama sa likuran ni Stheno na halos hindi na nakagalaw sa kinatatayuan niya. At kung titignan, may hiwa si Stheno sa pisngi niya.

"Ah, hindi ko natamaan ang target. Mukhang lumalabo na nga ang mata ko" at muling itinaas ni Arisa ang kamay niya.

Ang tinawag niyang pangalan, Boreas, ang god of wind! At ang Bow na lumitaw sa kamay niya, walang dudang pang Wind Element.

"Stheno, may isang segundo ka para iwasan 'to" at binitawan niya ang string na hawak niya, sa isang iglap naputol ang kamay ni Stheno. Bumagsak ang kamay niyang may hawak ng espada.

Wala akong makita sa mga mata ni Arisa kung hindi ang galit.

Arisa...

"Kasunod naman ang dalawang paa mo, Stheno" bago pa makapagreact si Stheno, muling dumaan ang napakalakas na hangin na pumutol sa mga paa ni Stheno dahilan para bumagsak siya.

Sobrang bilis ng arrow nito... Kahit mismo ang mga mata ko ay hindi ito makita.

"P-pagbabayaran mo 'to, Arisa!!!!!!" sigaw ni Stheno na pilit tumatayo.

Kailangan kong pigilan si Arisa.... hindi si Arisa ang nasa harapan namin! Pero... Ayaw gumalaw ng katawan ko.

Napansin namin ang unti-unting pagbabalot ng bato ang lupa malapit kay Arisa. Nagigi itong bato, tinutok ni Arisa ang Bow sa lupang nasa harap niya at hindi siya nagdalawang isip na bitawan ang string. At biglang winasak ng hangin ang bato na gustong bumalot sa katawan ni Arisa.  "Kasunod naman ang puso mo, Stheno" sunod niyang sabi na parang walang nangyari sa kanya at naglaho ang Bow sa kamay niya.

Itinaas ni Arisa ang kanang kamay niya, at mula sa itaas hinawi ng isang napakalaking nag-aapoy na Spear ang kalangitan. "Third God of Fire,
Hephaestus"

Hindi na maipinta ang mukha ni Stheno. Wala na siyang mga paa para makatayo.

"Itigil mo na 'to, Arisa!" sigaw ni Ms. Eden at nagsimula siyang maglakad papalapit kay Arisa na napahinto sandali pero kaagad niyang nilingon si Ms. Eden, sa paghawi ng kamay niya siyang paglipad ng nag-aapoy na mga arrow sa harapan ni Ms. Eden na humarang sa harap niya "Manahimik ka. Wala kang karapan para diktahan ako"

"Arisa! Makinig ka! Hindi ito ang gusto ni Eleanor!" pamimilit ni Ms. Eden at bigla napaatras si Ms. Eden nang lumaki ang mga apoy sa mga arrow.

"Wala kayong pakialam! H'wag niyo akong diktahan! Dahil sa inyo namatay ang mga kaibigan ko at namatay ang pamilya ko kaya wala kayong karapatan para diktahan ako!"

"H-Haha! Masyado kang mabait.... nagpauto ka sa mga Mortal na pumatay sa mga Vanir. Kapag binigyan mo pa ako ng chance na mabuhay, ako ang kauna-unahang tatapos.. sa buhay mo" pilit na sabi ni Stheno kahit hinang hina na siya.

"Manahimik ka! Manahimik ka! Manahimik ka!!" sigaw ni Arisa at sunod sunod ang pagbagsak ng mga nagliliyab na arrow sa buong paligid.

"Pare-parehas kayo! Pareparehas kayo! Kayo ang pumatay sa pamilya ko! Pagbabayaran niyong lahat 'to!" dumapo ang napakatalim na tingin niya kay Stheno.

Sa biglang pagbaba niya ng kamay niya, siyang mabilis na pagbagsak ng Spear kay Stheno. Napansin ko pa ang ngiti ni Stheno na para bang handa niya ng tanggapin ang pagkatalo niya.

Sa sobrang lakas ng impact, tumilampon ang mga bagay sa paligid miski ang ilang malalapit na Pledger.

Nang matapos ang napakabigat na pressure sa paligid, duon namin nakita ang isang Spear at ni isang bakas ng katawan ni Stheno ay hindi makita.

Napuno ng katahimikan sa paligid at ang nagsimula ng ingay ay ang unang paghakbang ni Arisa papalapit sa Spear na nakatusok sa sahig.

Hinatak niya ang Spear niya. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad papunta sa katawan ni Eleanor.

Umupo siya at muling sinapo ang katawan ni Ms. Eleanor. "H'wag ka ng mag-alala, Eleanor. Ako na ang bahala kay Euryale at kay Medusa, ipaghihiganti kita" napakalambig na boses na sabi ni Arisa at duon namin napansin ang luhang pumatak sa wala ng buhay na katawan ni Eleanor.

Maya-maya, nagliwanag ang katawan ni Eleanor. Sa pagdaan ng napakalamig na hangin, siyang unti-unting paglaho ng katawan ni Eleanor.

"Sa oras na may mangialam sa inyo, isusunod ko ang Midgard matapos kong pabagsakin ang Hellheim" seryosong sabi ni Arisa.

"Arisa--" kalmadong pagtawag ni Ms. Eden na pinutol kaagad ni Arisa "Hindi ako si Arisa"

"Makinig ka sa'kin. Hindi gusto ni Eleanor na pumunta ka sa Hellheim dahil dito. Kailangan kitang kausapin, Arisa"

Hinawi ni Arisa patalikod ang Spear at naglabas 'to  ng napakalakas na hangin.

"Tapos na 'ko sa pagbe-brainwash niyo" at sa isang iglap naglaho si Arisa.

Sa pag-alis niya siyang pagbagsak ni Ms. Eden, "Eleanor... anak ko... " mahinang sambit niya at nakita ko ang pagbagsak ng luha niya sa lupa.

Arisa....

MEDUSA'S POV

"Hmm" tanging tunog na lumabas sa bibig ko matapos kong makaramdam ng napakalakas na Mahika mula sa Midgard.

Hindi dapat umaabot hanggang dito ang isang Mahika mula sa Midgard, at ang isa pa.... hindi ako nagkakamali sa Mahika na 'to, isang Mahika ng isang Vanir.

"Euryale, nasaan si Stheno?"

"Nasa Midgard, Medusa"

"Tsk. Ang babaeng 'yon. Sunduin mo siya sa Midgard!" nagulat kaming dalawa sa pagcrack ng trono ni Stheno.

"M-Medusa, n-nawasak ang trono ni Stheno. M-may pumatay sa kanya... "

Sino ang nakatalo kay Stheno?... Isang Vanir?! Wala ng Vanir ang dapat na nabubuhay, kaya ano 'tong Mahika na nararamdaman ko sa Midgard.

Nawala ako sa pag-iisip na 'yon matapos kong maramdaman ang pagtapak ng isang taong may dalang napakalakas na Mahika dito sa Hellheim.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad "Saan ka pupunta, Medusa?...!"

"Sa natitirang Vanir na pumatay kay Stheno"

Kaagad kong hinahanap ang exact position at naglaho. Sa muling pagdilat ko, bumungad sa'kin ang isang Spear kaya napatalon ako palayo. Kung medyo late pa ang reaction ko, paniguradong malalim na ang sugat ko ngayon sa dibdib ko.

Pero nalaman niya na kaagad kung saan ako magpapakita.... walang dudang isa siyang Vanir dahil sa napakalakas na sense niya.

Nilingon ko ang paligid kung saan napakaraming bangkay ng mga tauhan namin. Seryoso ka ba, halos nasa limang daan ang bilang ng kinalaban mo.. pero parang hindi ka pa pinagpawisan sa ginawa mo.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya.

Sa pagdapo ng tingin niya sa mga mata ko, duon ko naramdaman ang talim ng titig niya. "Ako si Freyja, ang natitirang Vanir"

Katulad ng nasa isip ko, isa nga siyang Vanir. Paano siya nakaligtas?

Paano nagawang makaligtas ng isa sa mga anak ni Njord?

To be Continue...

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now