CHAPTER 07: STHENO AND EURYALE

222 12 0
                                    

ARISA'S POV

"Masaya akong mamatay ng pinoprotektahan ka. M-Masaya ako na nadugtungan ko ang buhay mo. P-pakiusap, h'wag mo akong kakalimutan k-kahit na w-wala na ako sa tabi mo" isang pangyayari nanaman ang nakita ko. Hindi ako nagkakamali na boses 'to ni Eleanor..! H-hinding hindi ako pwedeng magkamali sa init ng katawan na nararamdaman ko habang hawak ko ang katawan niya. Ito ang katawan na hawak ko sa panaginip ko.

Ang mga nakita ko, parte ba 'to ng hinaharap?... Saan? Kailan? Saang parte 'to ng hinaharap?

Nawala 'yon sa isip ko matapos akong makaramdam ng napakadilim na aura. "A-Arisa? M-may problema ba?" tanong ni Alceaus.

A-ano 'tong nararamdaman ko? Sobrang dilim nito. M-mga naghalo-halong negative emotions ang nararamdaman ko mula dito.

Sa isang segundo nagdilim ang paligid. A-aura?...

Nagulat ako sa pagpunta ni Alceaus sa harapan ko. "A-anong nangyayari.. ?." tanong ko.

"H-hindi ko rin alam"

Ano 'tong kakaibang nararamdaman ko mula sa Aura na 'to. Napakafamiliar nito sa'kin... P-parte ba 'to ng mga panaginip ko? Saang parte ng panaginip ko?

"Emergency Alert! Lahat ng Pledger ay pumunta sa Arena! Mga Echelon siguraduhing walang masasaktan!" boses ng isang babae mula sa isang speaker.

"E-Echelon?" tanong ko.

"Ang mga may rank na Pledger. Nakaharap mo ang isa kanina, ang Rank 11, Adler Anderson" sagot ni Alcaeus "Kailangan na nating pumunta sa Arena, Arisa" dugtong niya.

Handa na niya akong hatakin nang pinigilan ko siya "Wait! Si.. Si Eleanor! Kailangan natin siyang puntahan!"

"H'wag kayong mag-alala, nakakasiguro ako na ligtas siya"

Eleanor! Please, maging ligtas ka!

ELEANOR'S POV

Matapos kong marinig ang announcement, kaagad akong tumakbo papunta sa Arena. Duon ko nadatnan ang napakaraming estudyante. Pero sa napakaraming estudyante na nandito, wala sa bilang nila si Arisa!

"B-bakit ngayon pa! Bakit ngayon pa kailangang umataki ang mga Gorgons!" sigaw ng isang Pledger.

Inaamin ko. Wala ni isang Pledger ang naririto na may experienced sa pakikipaglaban sa mga Gorgons. Tsk! Bakit kailangang ngayon pa ako masuspended!

"Ms. Eleanor!" sigaw ng isang babae. Isa sa mga Echelons, si Jas, ang Rank 3.

"Ms. Eleanor, s-sa lakas ng Mahika na 'to.... walang makakatalo sa Gorgons na 'to. Anong balak niyo, Ms. Eleanor?" dugtong niya pagkaalapit niya sa'kin.

"Sa totoo lang, hindi ko na mapigilan ang nginig ng kamay ko, Ms. Eleanor. Sa tagal kong pagiging Pledger, ngayon lang ako naka-encounter ng ganito kalakas na Mahika" paglitaw pa ng isang lalaking Pledger, si Jin ang Rank 2.

"Ito na ba angkatapusan?" si Joe, ang Rank 4 kasama si Zen, ang Rank 5.

"More like Earth Element ang hawak nila dahil nagiging bato ang kung sino man ang tumingin sa kanila. Ang tagal ng nareresearch about sa kanila, pero since ang tagal na simula nung matapos ang war.. wala ng makuhang information mula sa kanila" sagot ko.

Arisa... Nasan ka!

"Ito na sila!.." sabi ni Ms. Eden kasama ang ilang instructors at Captains at sa pagkasabi niyang 'to, siyang pagyanig ng lupa kasabay ng isang pagsabog sa harapan namin. Hindi.... Walang sumabog, nagmistula lang ito na parang sumabog dahil sa biglang pagbagsak nila.

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon