CHAPTER 24: MEDUSA VS ARISA

155 7 0
                                    

MEDUSA'S POV

"Walang dudang ikaw ang tumapos ng buhay ng kapatid ko. Kung balak mo akong isunod, wala ka sa teritoryo mo"

"Wala rin kayo sa teritoryo niyo ng paslangin niyo ang pamilya ko" Napatingin ako sa paghawi niya ng Spear na hawak niya paharap sa'kin.

Sa isang pagpikit ko lang, nahati niya ang daan ilang inch lang ang layo sa'kin.

Isang maling galaw ko lang, maaaring buhay ko ang maging kabayaran.

Minaliit namin ang mga Vanir, hindi ko inaakalang may matitira sa kanila. Pero bakit iba ang mga matang mayroon siya?

"Baka nakakalimutan mong hindi kami ang pumatay sa pamilya mo" hindi siya nabigla sa sinabi ko.

"H'wag kang mag-alala, Medusa. Isusunod ko ang mga mortal pagkatapos kong bawiin ang Vanaheim sa inyo"

Nagsimula siyang maglakad papalapit sa'kin. Lumitaw ang espada sa kamay ko. "Hahaha! Anong mapapala mo sa Vanaheim kung ikaw lang ang natitirang Vanir?"

"Kaysa naman mga Gorgons ang naninirahan, hindi ba?" at naglaho siya.

Bigla siyang lumitaw sa harap ko. Kaagad kong binlock ang Spear niya, sa lakas ng impact, nasira ang lupain sa likuran ko.

Nakaramdam ako ng Mahika sa likuran ko, sa paglingon ko dalawang pana na kaagad ang sumalubong sa'kin. Tinulak ko ang Spear niya kasabay ng pag-ikot ko para ibloack ang isang pana at ang nagawa ko nalang ay umiwas sa pangalawang pana. Pero dahil sa sobrang bilis nito, nagalusan ako sa braso ko.

Nabigla ako sa napakainit na bagay na humawi sa likuran ko. Tsk! Ang bilis niya!

Kaagad ako tumalon palayo sa kanya pero lumitaw siya kaagad sa likuran ko. Binlock ko ang Spear niya gamit ang espada ko.

"Petrification" unti-unting nagbato ang hawak niyang Spear kaya naman nilagyan ko na ng pwersa ang hawak kong espada para itulak siya.

Sa pagkawasak ng Spear niya, target ko na ang dibdib niya nang maglaho siya.

Naramdaman ko ang Mahika niya hindi kalayuan sa'kin sa likod ko, pero apat na arrow ang sumalubong sa'kin.

"Petrification" mabilis kong sabi para gawing bato ang mga arrow na nakadikit na sa balat ko at kung nahuli pa ako ng kaunti... patusok na 'to sa katawan ko.

"Hahaha! Hindi kami ang kalaban mo dito, Freyja" may ngiti ko siyang hinarap. Lumitaw naman ang Spear niya.

"Hahaha! Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi kami ang umubos ng lahi ng mga Vanir? Kami ang kakampi mo dito, Freyja. Kalaban rin namin ang mga mortal, ang mga mortal na pinagsamantalahan ang kabutihan ng mga Vanir"

Hinarap niya sa'kin ang tusok ng Spear niya. "Baka nakakalimutan mo rin na kayo ang punot-dulo ng lahat? At ilang beses ko rin bang sasabihin sa'yo na isusunod ko ang Midgard matapos kong bawiin ang akin?"

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko "Bakit hindi mo unahin ng bagay na kinuha sa'yo ng mga mortal?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nabuhay ka ng ilang taon bilang isang mortal na walang ala-ala bilang isang Vanir?" at nagbago ang expression ng mukha niya na inaasahan ko na.

"Hahaha! Tama! Dahil matapos ang giyera, kinuha nila mula sa'yo ang mga ala-ala mo bilang isang Vanir"

Bigla siyang lumitaw siya sa harap ko at duon ko naramdaman ang talim ng Spear niya na bumaon sa dibdib ko.

"Sabihin mo sa'kin ang nalalaman mo!"

"Ha-Haha! B-bakit hindi mo itanong 'yan sa mga mortal na pinagkatiwalaan mo?" hinatak ko ang mukha niya at tinignan ko siya sa mga mata niya, "Petrification"

Hinawakan ko ang Spear niya at sinipa ko siya para maalis ang Spear na nakabaon sa dibdib ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at binalot 'to ng bato.

Nang tignan ko siya, nabigla ako dahil hindi gumana ang Mahika ko sa kanya. A-anong nangyari?! Bakit ayaw gumana ng Mahika ko sa kanya? Katulad kanina, ang Spear lang niya ang nabalot ng bato.

Anong ginawa ng mga Mortal sa kanya?

"Base sa sinabi sa'kin, itinago ka raw ng isang mortal? Hahaha! Sa tingin mo bakit?"

"Tinago ako ni Eleanor para pro--" putol ko sa kanya.

"Protektahan?! HAHAHAH! Nagpapatawa ka ba? Kung pinoprotektahan ka nila, bakit kailangan pa nilang kuhanin ang mga ala-ala mo? At ang isa pa, bakit ang mga Pledger mismo ang nagtatago sa'yo? At ang pinakamahalaga sa lahat, bakit patuloy parin nilang ginagamit ang mga Fragments ng Core na puso mismo ng Nerthus na sariling Ina mo?"

Naglakad ako papalapit sa kanya. Base sa expression ng mukhang mayroon siya ngayon, masyado siyang nabigla sa sinabi ko kaya ito na ang chance ko.

"Alam mo ang tungkol sa pagpapahiram ni Njord ng puso ni Nerthus sa mga mortal, hindi ba? Ang panandaliang pagpapahiram, ginawa nilang panghabang buhay. At sa tingin mo, nasaan kaya ang puso ni Njord at ang puso ng kapatid mo na si Frey?"

Mas lumapit pa ako sa kanya, at duon ko mas lalong nakita ang hindi na niya maipintang mukha maging ang panggagalaiti ng mga kamay niya habang hawak niya ang Spear niya.

"Hindi lang mga ala-ala ng pamilya mo ang kinuha nila sa'yo kung hindi pati ang mga puso nila, Freyja" bulong ko sa taenga niya.

Hinanda ko ang espada ko na kaagad kong sinasaksak mula sa likuran niya. Hindi siya nagreact, kahit isang sigaw wala akong narinig sa kanya. Na para bang wala siyang naramdaman.

Binuhos ko lahat ng pwersa ko sa mga paa ko at sinipa ko siya. Sa paglapit ko sa kanya, binatak ko ang buhok niya at sinama siya sa paglaho ko. Pagkarating namin sa isang lugar, sinipa ko siya at tumama siya isang pader.

Sa pagkawasak ng pader, siyang paglapit ko sa kanya. Hinatak ko ang buhok niya paitaas, "Ito ang mga katawan na pinagkaitan nila ng puso at ala-ala sa'yo, Freyja" at hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ko ang pagkabigla niya nang makita niya ang napakaraming batong statwa sa harapan niya.

Kusang tumutulo ang mga luha niya at unti-unting humihina ang Mahika na nagmumula sa kanya.

"Medusa" pagtawag ni Euryale. "Paralysis Venom" at bumagsak ang katawan ni Freyja.

"Anong balak mong gawin sa kanya, Medusa?"

"Itali mo ang mga kamay niya. At ikulong mo siya sa isang silyadong kwarto. Babalik lang ang tunay na lakas niya sa oras na bumalik ang ala-alang nawala sa kanya, dahil ang ala-alang kinuha sa kanya ay parte ng buong lakas niya"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kukunin natin ang ala-alang kinuha sa kanya at ibabalik natin ito kay Freyja" halatang nabigla si Euryale.

"A-Anong binabalak mo, Medusa?"

"Kapag bumalik ang buong lakas ni Freyja, ako ang gagamit ng Core niya para pabagsakin ang Midgard"

Sa oras na makuha ko ang Core ni Freyja, wala ng makakapigil sa'kin sa pagsakop ng tatlong mundo.

To be Continue...

The Incomplete RemainingOnde histórias criam vida. Descubra agora