CHAPTER 37: HIS PAST

106 6 0
                                    

ARISA'S POV

"Nung unang beses na umataki si Euryale at Stheno sa Salalicia, bakit mo ako niligtas?" tanong ko na halatang hindi niya inaasahan.

FLASHBACK

"Tama, isa akong Gorgon. Ako si Euryale"

Napatingin ako sa kanya ng puno ng pagtataka. Ang mga mata na 'to, saan ko 'to nakita? Ang mga boses na 'to, saan ko 'to narinig? At ang Mahika na 'to.... saan ko 'to naramdaman?

Nagulat ako sa kamay na tumakip sa dalawang mata ko. "Baliw! H'wag mo silang tignan sa mata!" Adler?!

"Alceaus! Tatakas tayo! Wala tayong laban sa Gorgon! Lalo na isa sa mga magkakapatid!" at sa isang pagpikit napunta kami sa isang lugar na napakaraming tao. Pero ang mga tao na 'yon ay hindi makagalaw.

END OF FLASHBACK

"Haha! Parte lahat ng plano ko. Makausap ka at kunin ang tiwala mo, lahat 'yon plano ko"

Napansin ko ang biglang pagbabago ng aura niya, aurang hindi siya lalaban sa mga oras na 'to, "Hahaha! Lahat umaayon sa plano ko. Matapos kong makuha ang tiwala mo at maging ang mga tiwala ng mga taong nasa paligid mo, sinubukan kitang tulungan na maibalik sa'yo ang mga ala-ala mo"

"Kung ganuon, kung una palang ganito na intention mo - - bakit hindi mo na ako tinuluyan unang araw palang na maglaban tayo?"

Mas lumaki ang mga ngiti niya, "Hahaha! Dahil hindi ka pa isang ganap na Vanir nung mga oras na 'yon. Hindi lalabas ang Core mo kung hindi ka mananatiling buhay at kapag nangyari 'yon hindi namin masasabing wala ng Vanir ang nabubuhay sa mundo"

"Kung kinasusuklaman mo ang mga Vanir, bakit may Vanir na nabubuhay sa puso mo ngayon?" tanong ko na ikinabigla niya.

"HAHAHA! Di mo ba ako naiintindihan? Ang lahat ng ginawa ko-- ang lahat ng mga sakripisyo ko at ang lahat ng paghihirap ko--- lahat ng 'yon para ay para lang mapatay ka"

"May dalawa pa akong tanong bago tayo magsimula" at bakas ang pagtataka niya.

"Bakit mo kinasusuklaman ang mga Vanir? Bakit mo nagawang pagtaksilan ang mga magulang ko na ang tanging nais lang ay protektahan kayo?"

"P-protektahan? HAHAHAH! Nagpapatawa ka ba?" sa pagtawa niya duon ko napansin ang pagluluha ng mga mata niya. "Hindi 'to parte ng ala-ala mo kaya paniguradong hindi mo ito alam. Isang taon matapos akong ipanganak, naganap ang unang giyera... pero ang giyera na 'to, mga Vanir laban sa mga Mortal"

Dahil sa pagkabigla, napaatras ako ng kaunti. "Tama ka, ang mga may kapangyarihan laban sa aming mga Mortal na walang kalaban-laban"

Itinaas niya ang bow niya at hindi niya ako binigyan ng isang segundo bago niya bitawan ang arrow niya na mabilis na lumipas papunta sa'kin, pero tumigil ito midway dahil sa Mahika ko.

"Kaya ba nagpakaalipin ka sa mga Gorgons?"

"Ang mga Vanir ang pumatay sa mga magulang ko! At si Euryale ang umampon at nagpalaki sa'kin!"

"Pinalaki para maging ano? Para maging isang mamamatay tao?"

Sa pagtulo ng luha niya, kaagad niya 'tong pinunasan at tumawa, "Kayo bang mga Vanir, pinalaki ba kayo para lang pumatay ng mga taong walang kalaban laban?!"

Umabante ako dahilan para itaas niya ang bow niya at itutok ito sa'kin kaya naman huminto ako "Adler, hindi mo lang maamin sa sarili mo na katulad mo ako" at duon na pumatak ang luha niya.

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now