CHAPTER 18: MISSION (PART 7)

165 9 0
                                    

ALCEAUS'S POV

"Arisa! Arisa!" Boses ni Scarlet ang naririnig namin habang tumatakbo kami papasok sa Mansion.

"Si Scarlet!" sabi ni Elvira at nagmadali na kami.

Sa pagbukas namin ng pintuan, sa itaas namin nakita ang isang batang babae na umiiyak habang hawak ang isang katawan.

Kaagad akong tumakbo paakyat ng hagdan habang lumipad paitaas si Elvira.

"A-Arisa!" sigaw niya at kaagad siyang lumapit dito.

Ang nadatnan ko ay ang duguang katawan ni Arisa. "A-anong nangyari sa kanya?" nilapitan ko siya.

"K-Kwarto! Kailangang maihiga siya para magamot ko ang sugat niya" sabi ni Elvira.

Kaagad kong binuhat si Arisa at tumayo si Scarlet at kaagad niyang binuksan ang isang pinto hindi kalayuan.

Hiniga ko si Arisa sa kama, lumapit naman kaagad si Elvira "Fairies Secret Sacred Art, Salvation" sa isang iglap nagsarado ang sugat ni Arisa.

"M-Mawawala na siya sa... panganib.... Pahinga nalang ang ... kailangan" sabi ni Elvira at bigla nalang siyang bumagsak sa dibdib ni Arisa.

"E-Elvira...!" kaagad siyang binuhat ni Scarlet at kaagad inihiga sa isang sofa.

"Ano ang nangyari dito, Scarlet?" tanong ko dahil halos hindi na makilala ang Mansion dahil sa matinding sira nito.

"Alam ko namang alam mo na ang buong kwento. H'wag ako, Alceaus Villan" at binasangutan niya ako ng mukha.

"Umalis ka na muna sa harapan ko, papalitan ko ng damit si Arisa..!"

Napabuntong hininga ako at napakamot nalang ako ng ulo, "Okay, okay. Magpapadala nalang din ako ng sulat sa Salalicia" at nagsimula na akong maglakad palabas ng kwarto.

Paglabas ko, since halos wasak na ang kalahating Mansion na halatang si Arisa ang may kagagawan eh kitang-kita na ang malinis na kalangitan.

Sinundan ko ng tingin ang ibon sa pagdapo niya sa sirang pader. Itinaas ko ang kamay ko at lumipad padapo 'yung ibon.

Inilagay ko ang isang papel sa paa nito. "Pakidala kay Ms. Eden"

"Alceaus" pagtawag ni Ms. Everson.

Sa paglingon ko, si Ms. Everson na may dalang tray kaya kinuha ko ito "Ako na po ang magdadala"

Hinayaan niya na ako ang magbitbit "Salamat. Para sa inyo 'yan nila Scarlet. Mabuti at natira ang kusina, wala ding mga kasambahay kaya ako na ang naghanda"

Kumatok ako sa kwarto at pinagbuksan naman kami ni Scarlet at napalitan narin ang suot ni Arisa "Woah, bilib din ako sa skills mo at mabilis mong napalitan ng damit si Arisa" sabi ko at inilapag ko ang tray sa table.

Inabot ko naman yung isang bowl kay Scarlet. "Thanks" at kinuha ko na rin ang akin.

"Nasan po si Papa, Mama?" tanong ni Scarlet at parang nahihiya pa siyang magtanong.

"Pinaiimbistigahan ang nangyari. By the way, Scarlet, wala ka namang sugat? Okay ka lang ba?"

Ibinababa ni Scarlet 'yung bowl at napaiwas ng tingin, "B-bakit niyo naman natanong....?"

"Ako ang ina mo, Scarlet. Kaya hayaan mong mag-alala ako sa'yo"

Napansin ko ang pag-iwas ng tingin at ang pamumula ng mata niya kaya naman pinat ko ang ulo niya "Hahaha! Sanay ng magtampo ang pinakabunso bunso ng Everson"

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon