CHAPTER 05: SALALICIA

260 12 0
                                    

ARISA'S POV

Sa sobrang haba ng biyahe ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. At ang nag paggising lang sa'kin ay ang maingay na paligid. Sa pagtanaw ko sa bintana ng karwahe na sinasakyan ko ay nabigla ako dahil sa napakasayang paligid. Sa sobrang daming tao ay hindi ko na alam kung ano ang unang titignan at papakinggan ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Eleanor sa pagkakahawak niya sa kamay ko dahilan para lingunin ko siya "May problema ba, Eleanor?"

Pero ngumiti lang siya at tumingin sa bintana sa tabi niya "Tandaan mo, Arisa, at h'wag na h'wag mo 'tong kakalimutan, sa oras na tumapak ka sa Salalicia, kalaban mo ang lahat ng Pledger. Dahil hindi lahat ng pumapasok sa Salalicia ay naninilbihan sa Capital sa kadahilanang wala na silang ibang choice kung hindi maging isang Pledger, dahil ang ibang Pledger... ay naging isang Pledger dahil sa isang rason"

"Eleanor..."

"Hm?"

Umiling ako at ibinalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana.

Ikaw Eleanor, bakit ka naging isang Pledger? Ano ang dahilan ng paglabas mo ng Levaris?

"Nandito na tayo..." mahinang sabi niya at hindi nagtagal ay huminto na ang karwahe na sinasakyan namin.

Sa paglabas ko, nanduon ang lalaki na ang tagal ko ng kasama ay hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan. Inalalayan niya ako sa pagbaba ko sa karwahe.

"Thanks" at sunod niyang inalalayan si Eleanor.

Sa pagbaba ko, pagbungad sa'kin ng isang napakataas na gate. Kaagad namang duon dumiretso si Mr. Bluestein at lumapit sa isang babae na nakatayo sa labas ng gate. Matapos niyang mag vow ay umalis na siya. Ganun din ang guy na di ko pa alam ang pangalan.

"Welcome sa Salalicia, Ms. Arisa" bungad sa'kin ng isang napaka gandang babae na kanina lang ay kausap ni Mr. Bluestein.

Dahil sa pagtataka, nabigla nalang ako nang hawakan ni Eleanor ang kamay ko at dahan-dahan kaming naglakad papalapit sa kanya.

"Ms. Eden, si Arisa po. Arisa si Ms. Eden ang Chairwoman ng Salalicia"  pagpapakilala ni Eleanor.

Ngumiti si Ms. Eden at inabot ang kamay niya na kaagad ko namang inabot at nagshake hands kami "Magandang araw po"

"Magandang araw, Ms. Arisa. Napagod ba kayo sa biyahe?"

Umiling ako "Nakakawala po ng pagod ang napakagandang view na nakikita namin"

Mas lumaki ang ngiti niya "Mabuti kung ganuon. Tara, sumunod kayo sa'kin"

Tumango lang kami at napansin ko na hindi parin binibitawan ni Eleanor ang kamay ko kahit nakapasok na kami sa gate.

Sa loob, napakaraming bintana at napakaingay ng paligid. May mga naririnig akong mga boses na nagtatawanan mula sa loob nito.

"Nabuo ang Salalicia, sampong taon na ang nakakaraan" sambit ni Ms. Eden habang naglalakad kami.

Sampong taon, walong taong gulang palang ako...

"Iyon rin po ba ang araw kung kailan namatay ang mga Vanir?" tanong ko at napansin ko ang ngiti niya.

Tumango siya "Nabuo ang Salalicia isang linggo lang matapos ang giyera gamit ang Mahika"

"Giyera po ng mga Gorgons at Vanir?" at tumango ulit siya.

"Kasama po bang naninirahan ng mga mortal ang mga Vanir?" huminto siya sa paglalakad at humarap sa'min.

"Bakit mo natanong?"

The Incomplete RemainingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon