CHAPTER 20: UNINVITED VISITOR

170 9 0
                                    

Umupo kami sa isang table, at ang grabe lang. Sobrang laki pala ng grand hall ng Salalicia. Hindi ko inaakalang ganto kayaman si Ms. Eden.

"Ang ganda ng entrance mo kanina ah? Daig mo bida" sabi ni Venice pagkadaan niya sa table namin.

Nag cross feet ako at hinawi ko sa taenga ko ang buhok ko kasunod ang pagsmile ko, "Oh, nandito ka pala. Hindi kita napansin"

At inirapan niya nalang ako bago siya nagpatuloy sa paglalakad.

Napabuntong hininga ako at ibinalik ko sa normal ang posture ko. "Bakit ba ang laki ng galit sa'kin ng babaeng 'yon"

Inabot sa'kin ni Adler ang isang glass of red wine ganun kay Alceaus na kaagad niya namang tinikman. "Ganun talaga kapag kulang sa aruga"

"Ito naman ang little wine para sa munting fairy god mother ni Arisa" at inabot ni Adler ang isang napakaliit na glass of wine kay Elvira na parang ginawa talaga para sa kanya.

Bago pa namin matikman ang tila napakamahal na red wine ay biglang namatay ang ilaw. Haha, by the way, ito na si Ms. Eden" dugtong ni Alceaus.

Sa pagpatay ng ilaw, siyang pagfocus ng isang ilaw kay Ms. Eden na may suot na isang simple gold dress. Sa likod niya nakasunod si Eleanor na nakasuot din ng simple gold dress na nalaman kaagad ang lugar namin at nag smile siya.

"I welcome all of you for celebrating my birthday. I hope there would be more opportunities para magkasama-sama tayo ng ganito. Please enjoy the food and let's the party begin" sabi ni Ms. Eden pagkarating niya sa gitna.

Itinaas niya ang glass of wine niya na sinundan din namin at sabay-sabay na uminom. Pero grabe, mapapamura ka nalang sa kakaibang aroma na dala ng wine.

Umupo sa balikat ko si Elvira habang ineenjoy niya ang snacks niya, "Adler, matandang dalaga ba si Ms. Eden?" tanong niya na ikinabigla namin dahil sa napakaseryosong mukha niya.

"Sa pagkakaalam ko may dalawa siyang anak" sagot ni Adler.

"Oooh, bago lang sa'kin 'to" amazed na amazed na sabi ni Alceaus.

"Dito din nag-aaral?" tanong ko naman kasabay ng pagsubo ko ng pagkain.

Mukhang napapaisip naman itong si Adler, "May bali-balitang matagal ng patay ang isa sa mga anak niya habang parang pinaghahandaan niya ang pagkamatay ng isa pa niyang anak. Ah..! One time nakita ko siyang may dalang dalawang bouquet sa pagpasok niya sa cemetery"

Pinaghahandaan?

Dahil duon medyo nabalik ako sa mga senses ko "Okay lang bang pinag-uusapan natin ng napakalungkot na ala-ala si Ms. Eden sa mismong kaarawan niya at sa mismong party niya?"

"Pero nasan ang asawa niya?" tanong pa ni Alceaus kaya sinipa ko ng sakto lang naman 'yung paa niya sa ilalim ng table.

"A-araay~ curious lang naman eh. Syempre paano magkakaanak si Ms. Eden kung wala siyang asawa hindi ba? So asan 'yung asawa niya?"

"Nasaan nga ba?" tanong pa ni Elvira na hanggang ngayon ay nasa balikat ko parin.

Napabuntong hininga ako at tinignan nalang din si Adler para hintayin ang sagot, "Sa pagkakaalam ko, isa ang asawa at anak niya sa mga namatay nuong giyera"

"Giyera. So sino ang pumatay sa kanila? Hindi ba, base sa mga libro namagitan ang mga mortal sa laban?" dugtong na tanong ni Alceaus.

Nilingon ko si Ms. Eden na nagsasaya kasama ang ilang mga instructors "Paano kung ang Vanir mismo ang naging dahilan ng pagkamatay ng anak ni Ms. Eden?" mahinang tanong ko.

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now