CHAPTER 26: Decision

130 6 0
                                    

ALCEAUS POV

Tumigil si Adler?...

"Elvira, anong ginagawa ni Adler?" tanong ko habang tumatakbo ako.

"H-Hindi ko alam pero, parang may mali. Wala din akong maramdaman na Mahika malapit sa kanya"

"Kung hindi pa siya nagbibigay ng signal, sa tingin ko okay lang ang lahat"

Tumango si Elvira "Bilisan na na'tin ang paghahanap"

"Mga Pledger!" sigaw ng isang tauhan nila Medusa na nasa kanan namin.

shit, simula na!

"Alceaus, h'wag kang gagawa ng malaking gulo na magpapabulabog sa mundo ng Hellheim" ngumisi siya "Leave it to me"

"Fairies Art, Nature" sa pagdaan ng hangin, kakaibang amoy ang naamoy ko at bigla nalang nagsibagsakan ang mga kalaban.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo, "Anong ginawa mo sa kanila?"

"Nature ang isa sa mga nagpapakalma sa mga tao. Well, its just a pleasure for them. So much pleasure na makakapagpatulog sa kanila"

Ngumisi siya, "Sa mga tauhan lang ng mga Gorgons 'to gagana at hindi 'to gagana mismo sa mga Gorgons. Tandaan mo, Alceaus, sa oras na may makaharap tayong Gorgons iwasan na'tin"

"Paano kung hawak ng Gorgons na'yon si Arisa?"

"Akala ko ba naintindihan mo ang sinabi ni Adler?" sa paglingon ko sa kanya, makikita ang inis sa mukha niya "Ang usapan pag nahanap si Arisa, magbibigay na ng signal, diba?"

"So anong gagawin natin dun sa Gorgons na kasama ni Arisa?"

"Wala kasi kayong ginawa kung hindi pagtalunan si Arisa hindi niyo tuloy naisip 'yung mga possibilities...!"

"Bakit parang kasalanan ko pa" mahinang sabi ko.

Dahil nawala ang focus ko, nabigla ako sa lalaking bumungad sa kanan ko at wala sa isip ko na sikmurain siya gamit ang espada ko.

"Bakit parang galit na galit ka ata, Alceaus?" nang-aasar na sabi ni Elvira habang may mga mapang-inis siyang ngiti "So kung sino ang unang makakita kay Arisa siyang magmamay-ari ng puso niya?" dugtong pa nito.

"Nang-iinis ka ba talaga?"

"Uy~ napipikon na siya"

Dumiretso ako ng tingin habang tumatakbo "Sa akin lang di baleng sino ang maunang makakita sa'min ni Adler kay Arisa, ang mahalaga ligtas si Arisa"

"So nagpaparaya ka na?" paninimula nanaman niya.

"Hindi sa nagpaparaya, okay na ako sa nakikita ko siyang masaya"

"Hmm~" at salamat dahil nanahimik na siya.

Habang takbo kami ng takbo sa hallway, napansin ko ang isang pintuan at sa side nito ay pader na napakalaki ng sira. Huminto kami at mula sa pader na sira ay pumasok kami.

Duon tumambad sa'min ang napakaraming statwa.

Napansin kong napatigil si Elvira, sa paglingon ko sa kanya duon ko napansin ang luhang pumapatak sa mga mata niya "A-ang mga Vanir at mga Sylph"

Pinat ko ang ulo niya, "Matapos ang laban na 'to, naniniwala ako na mabibigyan ng maayos na libing ang mga Vanir at Sylph"

Pinunasan niya ang mga luha niya at tumango. Nagsimula kaming lumakad, "Wala ang mga Core ng mga Vanir na nandito. Wala din dito ang katawan ni Njord, ang ama ni Arisa. Expected ko ng wala dito ang katawan ni Nerthus na Ina naman ni Arisa dahil namatay siya bago ang giyera, tanging katawan lang ng kapatid niya ang nandito, ang katawan ni Frey, kasama pa ng ilang normal na Vanir" sabi niya.

The Incomplete RemainingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora