CHAPTER 13: MISSION (PART 2)

169 8 0
                                    

Lumingon lingon ako sa paligid, wala si Eleanor.

"Ms. Arisa, base po sa hangin na 'to, papunta po 'to sa North. Kung hindi po tayo magmamadali, panigurado pong maabutan tayo" sabi ni Manong.

Tumango ako, "Bilisan na po natin"

Kung lahat ng Echelons ay kasama niya, naniniwala ako na magiging okay lang ang lahat.

May Mission ako ngayon, kailangan ko ring protektahan si Scarlet.

"Anong nangyayari, Arisa?" tanong ni Scarlet.

"Wala kang dapat ipag-alala, Ms. Scarlet"

"Huh?!" at ito nanaman siya, lalong nagagalit sa'kin.

"Bilisan na po natin" sabi ko kay Manong at mas binilisan niya pa ang pagpapa-andar.

Inalis ko ang tingin ko sa napakalaking ipo-ipo, pero sa pagkaalis ko ng tingin ko, siyang pagkarinig ko ng boses.

"Bakit natira pa ako?! Bakit nakaligtas pa ako?! Bakit kailangan kong makita ang pagkawala ng mga taong mahal ko?!"

Hindi lang ang mga sigaw niya ang naririnig ko, kung hindi pati ang pagpatak ng mga luha niya.

Tanging nagpagising sa'kin ay ang paglakas ng hangin sa paligid.

"Oy Arisa! Ano ba talaga ang nangyayari?!"

"Isa lang po ang mapapayo ko, Ms. Scarlet, 'yun ay humawak kayo ng mahigpit" at tinignan ko si Manong "Manong, mas bilisan pa po natin"

At kung ano ang ibinilis ng pagpapaandar niya kanina ay siyang mas lalo nitong pagbilis.

"Oy Arisa! Hindi na nakakatuwa!" sigaw ni Scarlet at narinig ko na binuksan niya ang bintana ng karwahe. Lumitaw ang Spear ko at gamit ang kabilang dulong walang talim ay pinukpok ko siya sa ulo pagkasilip niya "Isarado mo ang bintana! H'wag kang lalabas!"

"Hindi mo ako kailangan saktan!" at hawak-hawak niya ang ulo niyang pinukpok ko kasabay ng paglaho ng spear ko "Isarado mo ang bintana at humawak kang mabuti!"

"Kuya, wala po bang ibang daan sa kaliwa?" tanong ko.

"W-wala pong ligtas na daan, Ms. Arisa" halatang puno na pangamba ni Manong.

Tumingin ako sa kaliwa, hindi ko alam pero puro puno ang nakikita ko, hanggang sa malayo... puro puno.

"Manong sanay naman po kayong sumakay ng kabayo, hindi po ba?" tanong ko pa.

Tumango siya, "Iiwan po natin ang karwahe, dadaan po tayo sa gubat"

Halatang nabigla siya sa sinabi ko. Tumayo ako at humawak ako sa bubungan ng karwahe at kumatok ako sa pinto "Ms. Scarlet, buksan niyo po 'to"

"Ang akala ko ba ay h'wag akong lalabas?!" bungad niya pagkabukas ng pinto, at nakacross arm pa ang mga kamay niya.

Napabuntong hininga ako at binuhat ko siya sa beywang. Hindi naman siya ganun kabigat kaya hindi ako nahirapan "Basta sumunod ka nalang!" at dahan-dahan ko siyang dinala sa harap.

Inupo ko siya sa isang kabayo, "A-anong binabalak mo?! Hindi ako sanay sumakay ng kabayo!"

"H'wag kang mag-alala, pinag-aralan ko na kanina" Umunpo ako sa likuran niya, kasabay ng pagtanggal ko sa isang taling konektado sa karwahe, "Kayo na po ang bahala"

Tumango si Manong at dahan-dahan naring sumakay sa isang kabayo at tuluyan ng inalis ang tali na kumokunekta sa mga kabayo.

Kinuha ko ang tali na nasa kabayo, well di ko alam ang tawag dito dahil hindi ko natutunan.

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now