CHAPTER 25: S-RANK MISSION

151 6 0
                                    

EDEN'S POV

Wala akong magawa kung hindi ang titigan ang napakadilim na kalangitan.

"Anong balak mo, Mama?"

Hindi ko siya matignan. Wala akong lakas na tignan siya. "Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin"

"Namatay si Eleanor, Ma! Umayos nga po kayo! Namatay nanaman sa pangalawang pagkakataon ang kapatid ko dahil kay Arisa! Kung hindi po kayo gagawa ng action ngayon, mauulit ang nakaraan!"

Nararamdaman ko na ang naghahalong galit at lungkot sa boses niya "Kung kayang mamatay ni Eleanor para kay Arisa--- ako hindi! Dahil ayaw ko na mapalayo sa inyo at ayaw ko na nakikita kayo sa gantong kalayagan niyo"

"Bago pa lang matayo ang Salalicia napaghandaan na ni Eleanor ang tadhana niyang mamatay sa pangalawang pagkakataon. Ito ang panghabang buhay na Mission natin bilang mga mortal na tagahalili ng mga Vanir" hindi siya umimik dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ko "Gampanan mo ang huling Mission na binigay sa'yo ni Frey" dugtong ko.

"Napaghandaan niyo narin ba ang paglaho ko, Mama?"

Tumango ako.

"Hindi ko sasayangin ang buhay ko, Mama. Hindi ko itutulad ang kapalaran ko sa kapatid ko! Hinding hindi ko isasakripisyo ang buhay ko para kay Arisa!" at naglaho ang presensya niya.

Eleanor... anak, gabayan mo si Arisa.

Sa pagpatak ng luha ko, siyang pagkatok ng isang tao sa pintuan.

Duon pumasok si Savannah kasama si Scarlet at Alceaus habang lumilipad naman si Elvira sa side ni Alceaus. "Ms. Eden, totoo po ba na sumugod mag-isa si Arisa sa Hellheim?" tanong agad ni Savannah.

Nilingon ko si Alceaus "Ms. Eden, kung kanina po ay nararamdaman natin ang Mahika ni Arisa, ngayon po ay wala na tayong maramdaman kahit gaano kaliit na Mahika mula sa kanya"

"Ms. Eden, bihag po ni Medusa si Arisa" biglang sulpot ni Adler na hinahabol pa ang hininga niya.

"Savannah! Iligtas natin si Arisa..!" at nagsimula ng umiyak si Scarlet na pilit na pinapatahan ngayon ni Savannah.

"Ms. Eden, mukhang nakita na po ni Arisa ang mga batong katawan ng mga Vanir at lalo ang katawang bato ni Ms. Eleanor" dugtong ni Adler.

"Kapag hindi pa po tayo gumawa ng action baka kung ano po gawin nila kay Arisa" dugtong ni Alceaus.

"Kung binihag ni Medusa si Arisa, hindi niya 'to sasaktan" sagot ko at tinalikuran ko sila.

"Anong binabalak ni Medusa...?" tanong ni Savannah sa sarili niya.

"Sa tingin ko, balak ni Medusa na pabagsakin ang Midgard sa paraan nating mga mortal" sagot ko.

"Sa paraan ng mga mortal?" tanong pa ni Savannah.

"Isa lang ang paraan niya para gamitin si Arisa, 'yun ay ang gamitin ang Core ni Arisa para makagamit siya ng napakalakas na Mahika"

"Pero Ms. Eden, sa oras na mawala sa katawan ni Arisa ang Core niya... mamamatay siya!" sabi ni Alceaus.

"Kung ganon po ang balak ni Medusa, ano pa po ang hinihintay niya?" tanong naman ni Adler.

"Dahil hindi kumpleto ang Mahika ni Arisa" sagot ko na ikinabigla nila "Kasama ng pagkuha ng mga ala-ala ni Arisa ay ang kalahating Mahika niya"

"Kung ganuon po, nasan po ang mga ala-ala at Mahika ni Arisa?" tanong pa ni Adler.

"H'wag kayong mag-alala. Nasa mabuting kamay ang lahat" hinarap ko sila "Kaya magiging ligtas si Arisa hanggat hindi kompleto ang ala-ala niya at ang Mahika niya"

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now