CHAPTER 11: APPROVAL

210 8 0
                                    

Sa paglabas ko ng room, nabigla ako sa taong bigla nalang yumuko sa harapan ko. Savannah...

"Narinig ko ang lahat. Maraming salamat, Arisa"

Itinaas ko ang papel "H'wag ka muna magpasalamat. Hindi pa tayo sure kung papayagan ako ni Ms. Eden"

Napansin ko ang pagkabigla niya, at hindi ako maaaring magkamali sa pangambang nararamdaman ko mula sa kanya.

"H'wag kang mag-alala, walang choice si Ms. Eden kung hindi ang pumayag" sa pag-angat ng ulo niya, siyang pagkakita ko ng mga ngiti niya.

"Ano ba kasing ginagawa nila Auntie at kailangan maihatid si Scarlet sa Zaviri?" singit ni Alceaus na lumitaw na sumunod sa'kin.

"Ang Mansion sa Zaviri at dito sa Capital, parehas mayroong sikretong kwarto na iisa ang susi. Sa kwartong 'to nanduon ang kayamanan ng mga Everson. At ang nag-iisang susi na makakapagbukas ng dalawang kwarto, ay nasa kamay ni Scarlet" tumigil siya sandali at nagpatuloy rin "Target ng mga bandits ang Mansion dito sa Capital, hindi lang ang mga kayamanan namin ang mawawala kung pababayaan nalang namin ito. Nakiusap ako na lisanin nila Mama ang Mansion sa Zaviri para hindi na sila mapahamak, pero napakalaking kapangyarihan ng Everson ang mawawala kung hindi nila mabubuksan ang kwarto. Pero dahil ang target nila ay ang Mansion dito sa Capital dahil bukod sa mas malapit itong puntahan, ay madali rin silang makakalusot sa main gate. Kaya naman, ito lang ang naiisip naming paraan. Papupuntahin ko si Scarlet sa Zaviri, kasama nila Mama at Papa ay makakatakas sila ng sama-sama kasama ang yaman ng Everson. Nakiusap ako na hindi makakalabas ang information about sa mission na 'to para maging ligtas ang paglalakbay niya, ganun din ang tumatakbo sa isipan ng mga magulang ko bago nila ipadala ang mission mula sa Zaviri"

"Sabihin mo sa'kin ang ibang details habang naglalakad tayo" sabi ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa office ni Ms. Eden.

"Sino ang kasama ngayon ni Scarlet sa Mansion?" tanong ko.

"Tanging ang Mayordoma"

"Ilang taon na ba ang Mayordoma niyo?" tanong ni Alceaus.

"She's 71 years old now"

"Paano niyo nalaman na target ang Mansion?" tanong ko pa.

"Ang dami ng nawawalang mga alahas sa Mansion. And with the used of Pigeon, nag-iwan sila ng message, Next time, wala na kaming ititira kahit ang mga buhay, ang sabi sa sulat"

"Pero bakit ang Everson?" tanong ni Alceaus.

"Dahil nanalo ng napakalaking halaga ng mga magulang ko sa sugal sa Zaviri. Sa sobrang laki ng halaga, nakadagdag ito sa yaman ng Everson. At nakarating kaagad ito dito sa Capital"

Kumatok muna kami sa pinto pagkadating namin sa office atsaka pumasok na kami.

"Ms. Eden, need ko po ng approval niyo about sa urgent mission" bungad ko.

Napansin ko na ang dami niyang paper works na nasa table niya, pero binitawan niya ang pen na hawak niya at sumandal siya sa inuupuan niya.

"Hindi pwede" seryosong sagot niya na ikinabigla ng dalawa sa likod ko. Expected ko na 'to, lalo ngayon na wala si Eleanor.

"B-bakit po? M-malakas po si Arisa, Ms. Eden. Naniniwala po ako na kaya niyang mafulfill ang mission na 'to" tanong ni Savannah.

"Kahit gaano pa kalakas si Arisa, isa ka paring baguhan sa paggamit ng Mahika at isa ka paring baguhan sa lugar sa labas ng Levaris"

The Incomplete RemainingDonde viven las historias. Descúbrelo ahora