CHAPTER 22: THE LAST MESSAGE

145 6 0
                                    

ARISA'S POV

Nagsimulang maglakad si Eleanor papalapit kay Stheno, sa paghakbang niya, siyang pagpatak ng luha ko "Bakit kailangan mong isakripisyo ang buhay mo sa mga katulad nila? Sila ang pumatay sa mga magulang ko! Sila ang naging dahilan kung bakit wala akong pamilyang natira! Kaya bakit, Eleanor?!"

"Dahil parte sila ng pangarap ko para sa'yo, Arisa" at nagsimula na siyang sumugod kay Stheno.

Hindi ko ma explain kung ano 'tong kirot na nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko.

Lahat ng ataki niya, lahat 'to nabablock ng walang kahirap-hirap ni Stheno. Sa pagtama ng espada nila, siyang pag hawi kaagad ni Stheno ng espada niya sa magkabilang beywang ni Eleanor dahilan para mapaupo siya.

"Eleanor! Tama na please!"

"Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan niyong dalawa, pero gusto ko lang malaman kung paano mo nagawang mabuhay sa kabila ng pagkamatay ng katawan mo? Nag susuot ka ng maskara para hindi makilala ang mukha mo, but unfortunately ako ang nakalaban mo, ako na mismong pumatay sa'yo noon" tanong ni Stheno habag papalapit siya kay Eleanor na sugatan.

"Mahalaga pa ba 'yon?" at mabilis niyang tinusok ang espada niya sa tiyan ni Stheno. Sumuka ng dugo si Stheno kaya kaagad niyang binunot ang espada ni Eleanor na nasa dibdib niya "K-kung iyan ang gusto mo, okay fine, pagbibigyan kita. Pero tandaan mo, matagal ng naghihintay ang bangkay mo" at kaagad hinawi ni Stheno ang espada niya sa dibdib ni Eleanor.

Binatak ni Adler si Eleanor pahugot sa espadang nakatusok sa kanya habang sinipa naman ni Alceaus si Stheno. Kaagad silang tumalon papunta sa harap ko.

"Fairies Sacred Art, Restoration!" sabi ni Elvira at paunti-unting naghiheal ang sugat ni Eleanor.

"Ms. Eden, hindi ko gustong sirain ang celebration ng birthday mo pero... hindi na ako makapaghintay"

Lumaki ang mga ngiti ni Stheno habang si Ms. Eden ay puno ng takot ang mga mata "Hindi niyo ba ako tatanungin kung bakit nandito ako? 'yun ay ang gusto ko lang sunduin ang isang kaluluwang pilit na tumatakas sa kamatayan" at sa mabilis siyang kumilos.

Nakikita ko ang galaw niya. Nakikita ko ang pagbabago ng paghawak niya sa espada niya habang mabilis niyang tinatahak niya ang lugar ni Eleanor na sa sobrang bilis, hindi sapat ang normal na vision ng mga mortal para makita 'to, pero ako, bilang isang Vanir, nakikita ng dalawang mata ko 'to na tila bumabagal ang oras... pero kahit na nakikita ko 'to ayaw gumalaw ng mga kamay ko... ayaw sumunod ng katawan ko. At ang hindi ko mapigilan, ay ang pagtulo ng luha ko hanggang sa lumitaw sa harap ni Eleanor si Stheno, at ang tulis ng espada na hawak ni Stheno ay makikitang tagos sa likod ni Eleanor.

"Eleanor!!!!!" pilit kong sinusuntok ang barrier na pumipigil sa'kin pero walang epekto. Tumilampon din si Alceaus at Adler maging si Elvira dahil sa Aura ni Stheno.

"Eleanor" seryosong pagtawag ni Stheno "Bago ko tapusin ang buhay mo sa pangalawang pagkakataon, gusto kong malaman kung tama ba ang hinala ko"

Nilingon ako ni Stheno "Ang babaeng pilit na pinoprotektahan mo nuon at ang babaeng pilit mong pinoprotektahan mo ngayon ay iisa ba? Siya ba si Freyja, ang isa sa mga anak ni Njord?"

Ngumiti si Eleanor, "T-tandaan mo, a-ang buhay na pinoprotektahan ko ang siyang tatapos sa kasamaan niyo" salitang lalong nagpatulo ng luha ko.

Napayuko ako at wala sa isip ko ang pagbagal ng oras sa paligid ko.

"Agni"

Lumitaw siya sa harap ko. Nakaupo siya sa lumulutang na Spear habang ang buong paligid ay napakatahimik.

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now