CHAPTER 34: REMINISCENCE (PART 2)

102 6 0
                                    

"Nasa tabi mo lang kami palagi...." nanghihinang sabi ni Frey bago siya tuluyang bunagsak sa mga kamay ko.

Dahil sa kapabayaan ko, namatay ang kapatid ko...

Dahil sa puno ako ng pagkabigla, bago ko pa puntahan ang katawan niyang nanghihina na, may isang kamay ang bumatak sa'kin.

"Kailangan nating tumakas" sabi ni Eleanor at hinagis niya ang mga buhangin na hawak niya sa mga mata ni Euryale dahilan para mapaatras siya.

Idinaan ako ni Eleanor sa likuran at binatak niya ako palayo habang ang naiiwang bakas ko ay ang mga luha ko. At habang papalayo kami ng papalayo sa mga ingay,

"E-Eleanor, s-si Frey! Pinatay nila si Frey!"

Hindi niya ako sinasagot pero pahigpit ng pahigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Sa huling paghakbang ko, hindi ako nagpahatak dahilan para huminto siya. "Bakit ba hindi ka magtiwala sa'kin?! Pinatay niya ang taong mahalaga sa'kin! Kailangan ko siyang ipaghiganti!" bago pa man ako makaalis ay hinawakan niya ang braso ko.

"Kapag lumabas ka paniguradong ikaw ang isusunod nila! Namatay siya ng pinoprotektahan ka. Namatay siya para protektahan ang hinaharap na mayroon ka!"

"Pero kaya ko bang harapin ang hinaharap na 'yon na imbis na sila ang kasama ko-- na imbis na sila ang nabubuhay sa mundo na 'to ay ang mga halimaw na mismong pumatay sa kanila ang nabubuhay sa mundo na ginagalawan natin?! Hindi ko kayang mabuhay sa mundo na nakikita ko ang mga halimaw na pumaslang sa mga mahal ko!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ilabas ang tunay na nararamdaman ko.

Sa pagluwag ng hawak niya, siyang pagtakbo ko "Hindi mo ako mapipigilan! Kailangan kong bumalik!"

Wala akong natanggap na sagot sa kanya at naramdaman ko nalang na sinusundan niya ako. "Bakit ba kailangan mo akong sundan hanggang dito?" at nilingon ko siya.

"Hindi kita mapoprotektahan kung wala ka sa tabi ko"

"Malaki na ako! Kaya ko ng protektahan ang sarili ko" sa pagtakbo ko, siyang pagbungad sa'kin ng napakaraming tao. Ang lapag na puno ng mga walang buhay na katawan at ang lapag na halos mabalot ng dugo.

Napatingin ako sa babaeng bigla nalang lumitaw sa harapan ko. May malalaki siyang ngiti, sa paglitaw ng espada niya siyang paglitaw ni Eleanor sa harap ko at pilit na pinipigilan ang espada gamit lang ang isang bow na kaagad nasira dahil gawa ito sa normal na kahoy. Mula sa kanang balikat niya at hanggang sa dibdib niya, duon nahati at bumaon ang espada "T-tandaan mo, a-ang buhay na pinoprotektahan ko ang siyang tatapos sa kasamaan niyo" at buong pwersang sinuntok ni Eleanor sa tiyan si Stheno dahilan para tumilampon ito.

Binatak niya ang espadang nasa dibdib niya at hinarap ako. Hinaplos niya ang pisngi ko kahit na may bahid ng dugo ang mga palad niya. "Masaya akong mamatay ng pinoprotektahan ka. M-Masaya ako na nadugtungan ko ang buhay mo. P-pakiusap, h'wag mo akong kakalimutan k-kahit na w-wala na ako sa tabi mo" hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya at siya na inabot ang mukha ko para haplusin ito.

"Hindi! Walang dapat kalimutan dahil mananatili ka sa tabi ko. Mabubuhay ka, Eleanor. Mabubuhay ka" naramdaman ko ang panghihina niya "H-hindi! Hindi mo ako pwedeng iwan! Nangako ka sa'kin! Nangako ka sakin na hindi mo ako iiwan!"hindi ko mapigilan ang mga luha ko na patuloy sa pagpatak, pero patuloy din si Eleanor sa pagpunas nito.

"Sorry, sana mapatawad mo ako ... dahil iiwanan kita.." isang ngiti ang ipinakita niya sa'kin kasabay ng pagbagsak ng kamay niya. "Nauubos na ang lakas ko... pero kailangan kitang protektahan. T-Tandaan mo, mabuhay ka dahil sa pangarap mo... hindi para sa paghihiganti"

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now