CHAPTER 04: DECISIONS

281 14 0
                                    

"Rudra" mahinang sambit ni Eleanor at gamit ang hangin ay may unti-unting nabuong bow sa kamay niya.

Rudra... base sa naaalala ko, isa sa mga Wind God ang nagngangalang Rudra.

Ang panang may napakatalim na dulo ay nakatutok sa lalaking nasa harapan namin "Dito mo ba talaga gustong mamatay, Mr. Bluestein?" dugtong ni Eleanor na ikinabigla ko.

Hinawakan ko sa braso si Eleanor dahilan para lingunin niya ako "A-anong ibig sabihin nito, Eleanor? Isa ka talagang Pledger? Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoo?"

"Dahil ayaw ko na maranasan mo ang mga hirap na nararanasan ko" hindi ko maipinta ang malulungkot na tingin ni Eleanor.

"Haha! Nakalimutan mo na ba na nanumpa ang lahat ng tao na walang sino man ang tatanda sa mundo na 'to ng hindi nagiging isang Pledger?" napalingon kami ni Eleanor kay Mr. Bluestein kung tawagin nila at ikinabigla ko ang mabilis na pagtama ng arrow ilang inch ang layo mula sa paa niya "Manahimik ka, Mr. Bluestein kung ayaw mong tuluyang mawala ang natitirang paggalang ko sayo"

Tumawa ulit siya "Hahah, in the first place you've never showed any respect towards me so ano pa ba ang gusto mong i-expect ko?"

"H'wag mong idamay dito si Arisa. Lumaki siya dito sa Levaris at wala siyang alam tungkol sa labas nito"

"Eleanor, matututunan niya rin ang lahat sa Salalicia. Hindi mo maaaring takasan ang kapalaran ng isang tao"

Dahan-dahan kong tinulak ang kamay ni Eleanor pababa hanggang sa nagalaho ang bow na hawak niya "Hindi ko maiintindihan ang bawat action mo kung hindi ko makikita kung anong klaseng mundo mayroon sa labas ng Levaris. Gusto kong maintindihan ko ang mundong kinatatayuan mo, Eleanor at hindi ko maiintindihan 'yon kung mananatili ako sa napakaliit na mundong pinili mo para sa'kin" at ngumiti ako.

Ngumiti siya at niyakap ako "Naiintindihan kita, Arisa... pero hindi ang mundong kinagagalawan ko ang mundong dapat na matapakan mo. Vanish" may napakakapal na hangin ang bigla nalang bumalot sa'min.

Sa muling pagdilat ng mga mata ko, nasa ibang lugar na kami. Sa harapan namin ay may maliit na ilog habang sa likuran ay may maliit na kubo.

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Eleanor na nasa tabi ko "Lugar kung saan hindi matutunton ng kahit sino"

Nagsimula siyang maglakad papasok sa kubo, kaya naman sinundan ko siya kaagad "Hanggang kailan mo ba ako gustong ikulong?..!"

"Lahat ng ginagawa ko--" putol ko.

"Para sa sarili mo ang lahat! Hindi mo hiningi ang opinion ko kung gusto kong magkulong sa Mansion! Hindi mo ako tinanong kung nakakahinga pa ba ako, kung gusto ko bang makita ang napakagandang lugar na makikita sa labas ng Levaris"

Hinawakan ko ang kamay niya, siya na halos hindi na makaikimik ay nagluluha na ang kanyang mga mata "Eleanor, please hindi ito yung gusto ko para satin. Gusto ko na lagi tayong magkasama--" putol niya sakin.

"Sobrang dilim ng mundong ginagalawan ko, at ikaw nalang ang natitirang liwanag ko. Kaya please, natatakot ako na baka malayo ka sa'kin"

Ngumiti ako at niyakap ko siya "Hindi ako aalis sa tabi mo"

Naramdaman ko ang pagkabigla niya pero bigla kong naramdaman ang biglang pagyakap niya.

"Hmm? So anong decision mo, Ms. Arisa Ricafrente?" paglitaw sa pintuan nung guy kanina.

Kaagad kumalas sa pagkakayakap si Eleanor at lumitaw ang bow sa kamay niya pero dahan-dahan kong ibinaba ang braso niya gamit ang kanang kamay ko "Kapag ba sumama ako hindi mo na kailangang saktan si Eleanor?"

Pero nangiti siya "Haha, baka ako pa nga ang masaktan, Ms. Arisa"

Mabilis kong hinawakan ang bow at arrow na hawak ni Eleanor kahit nanduon parin ang mga kamay niya at mabilis itong itinapat kay Mr. Bluestein "Hindi ako nakikipagbiruan"

Bakas ang pagbabago sa expression ng mukha niya at itinaas ang dalawang kamay niya "Suko na ako, okay? Hindi na ako makikipaglaban kay Eleanor sa oras na sumama ka sa'min sa Salalicia. Mapaparusahan ng Council si Eleanor---" at binatak ko ulit ang arrow na hawak ko at nagpatuloy siya sa pagsasalita "E-expected na 'yon since lumabag siya sa law. Pero h'wag kang mag-alala, dahil masususpend lang siya ng ilang araw depends sa mapapag-usapan sa Council"

Binitawan ko ang bow na hawak ni Eleanor "Sa oras na malaman kong nasaktan si Eleanor o kahit na nakakita ako kahit isang galos sa katawan ni Eleanor-- Ako mismo ang magpapabagsak ng Salalicia"

At sa oras na 'yon, ang hangin lang ang nagsisilbing ingay sa paligid habang ang mga seryoso kong tingin ay nakadapo direkta sa mga mata ng lalaking nasa harapan ko.

---

"Hindi na ba magbabago ang isip mo, Arisa?" tanong ni Eleanor habang nakatanaw sa bintana, habang tinatanaw ang isang karwahe na nagdala dito kay Mr. Bluestein.

Isinarado ko ang napakalaking bag na puno ng gamit na nasa bed ko "Kapag nagpatuloy tayo sa pagtakas, ikaw rin ang mapapahamak"

Nilingon niya ako "Hindi mo ako dapat alalahanin, Arisa"

Napansin ko na mahinahon na ang boses niya kaya ngumiti ako "At isa pa, wala akong paki-alam kung gaano kadilim ang mundong sinasabi mong ginagalawan mo, sapat na sa'king kasama kita"

Hindi nag tagal nagsimula narin kaming bumayahe palabas ng Levaris. Kahit wala akong idea kung anong lugar ang Salalicia, hindi ako makaramdam ng takot dahil sa napaka gandang paligid at sa napakagandang paligid na 'to, kasama ko si Eleanor.

EDEN' S POV

"Anong iniisip ni Eleanor at nilihim niya ang tungkol sa kapatid niya?!" tanong ng Captain ng Wind Pledgers.

"Bakit sa amin mo tinatanong 'yan, hindi ba't ikaw ang may hawak sa kanya?" tanong ng Captain ng Fire Pledgers.

"In any minutes ay darating na dito ang batang dapat ay Third Year na pero papasok parin ng First Year, ano po ang balak niyo Ms. Eden" tanong ng Captain ng Earth Pledgers.

"3 weeks of suspension of using Core ang ihahatol kay Eleanor Ricafrente, iyon ang nakasulat sa school handbook" sagot ng Captain ng Water Pledgers.

"And about kay Arisa Ricafrente, I think it is okay na ipasok siya directly sa Third Year" bakas ang pagkabigla sa mga mukha nila.

"Madaling makacope-up si Arisa Ricafrente, based sa sinabi sa'kin ni Eleanor. Kung magkakaroon man ng problema about her knowledge being a Pledger, that's the day na magtetake tayo ng action. And lastly, may pakiusap si Eleanor sa'tin, ang Third Year student from section C ay ililipat sa section A wherein nanduon si Arisa Ricafrente. Well, take this as a request from me. Gusto ko ring may maggaguide kay Arisa aside sa kapatid niya" dugtong ko at wala naman hindi sumang-ayon.

"Let's call it a day and ako na ang bahala sa new student" at nagvow sila bago lumabas ng kwarto.

Sa paglabas nila siyang paglitaw ng isang babae "Mamamatay na ba ako?" mahinang tanong niya kasabay ng pag-ikot ng chair ko paharap sa napakalaking salamin na tanaw ang loob ng Salalicia.

"Hindi ko alam. Wala akong alam sa magaganap sa hinaharap"

"Hindi ako papayag na kuhanin nila ang buhay ko"

Hindi ko siya magawang lingunin at tanging narinig ko nalang ay ang pagtakbo niya.

Hindi ko natupad ang pangako ko .... minsan nalang siyang humiling sa'kin, hindi ko pa natupad.

Sorry Eleanor.. kung hindi ko napigilan ang mga bagay na 'to.... hindi ko rin gusto na mawalay sa'yo pero ito ang tadhana na mayroon tayo.

To be Continue...

The Incomplete RemainingDove le storie prendono vita. Scoprilo ora