CHAPTER 15: MISSION (PART 4)

173 9 0
                                    

ELEANOR'S POV

"Ms. Eden, bakit hinayaan niyo pong umalis si Arisa? Alam niyo po kung gaano kadelikado para sa kanya ang pumunta sa Zaviri" bungad ko pagpasok ko sa office.

"Gusto niya ng kumawala sa selda, Eleanor" seryosong sagot niya.

"Pero Ms. Eden - -"

"Natatakot ka ba na hindi siya bumalik sa'yo?"

Umiling ako "Mas natatakot akong wala siyang balikan"

"H'wag kang mag-alala, binigyan ko ng mission si Alceaus about sa paghahanap ng hideout ng mga bandits na may target sa mga Everson"

Yumuko ako "Salamat po, Ms. Eden"

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad palabas ng office.

Hindi ako dumiretso sa room ko kung hindi ay lumabas ulit ako ng Salalicia para pumunta sa lugar na pinakiusapan sa'kin ni Arisa.

ARISA'S POV

"Pagkatapos ko pong ihatid si Scarlet, babalikan ko po ang kabayo" sabi ko kay Manong. Kanina pa daw siya nandito at nag-aalala na nga daw sa'min.

Tumango siya "Naiintindihan ko po, Ms. Arisa. Mag-iingat po kayo sa pag-lalakbay"

"Salamat po" at nagsimula na kaming sumakay sa lantsa.

Pagkasakay namin sa napakalaking lantsa ay dumiretso kami sa isang room na para sa'min.

"Arisa" mahinang pagtawag ni Scarlet pagkaupo niya sa kama niya.

"Hmm?"

"Wala ba silang tiwala kay Savannah?"

Nilingon ko siya "Sila?"

"Ang mga magulang namin" hininto ko ang ginagawa ko at umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya "Paano mo nasabi?"

"Kung nagtitiwala sila, bakit hindi nila hinayaan si Savannah na protektahan nalang ako? Kapatid ako ni Savannah, kaya bakit mas pinili nila na maglakbay ako ng napakalayo? Hindi ba nila naisip na mas nasa panganib ako?"

"Para sa unang tanong mo, isa lang ang naiisip kong dahilan. Sa tingin ko, hindi ang mga magulang mo ang nagdesisyon na maglakbay ka papunta sa Zaviri"

Nilingon niya ako ng puno ng pagkabigla "Tama, si Savannah ang nagplano ng lahat"

Duon na nagsimula ang pagtulo ng luha niya "P-pero bakit?..."

Umiwas ako ng tingin sa kanya "Dahil wala siyang tiwala sa lakas na mayroon siya, kahit sa totoo lang.. napakalakas niya. Natatakot siya na hindi ka niya maprotektahan, ganun ka kahalaga sa kanya, Scarlet. Ganun siya katakot na mawala ka sa kanya kaya pinili niya ang desisyon na 'to"

Hindi siya nakapagsalita kaya lumapit ako sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha niya, "At para sa huling tanong, kahit gaano pa kapanganib ang paglalakbay mo... alam niya 'yon, kaya nandito ako"

Niyakap ko siya at mas lalo siyang humagulgol sa pag-iyak. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng paghawak niya sa'kin.

Nagkamali ako... dahil katulad ko nga ang batang 'to. Mahina ang loob ko katulad ni Scarlet.

Hindi kinalaunan ay iniwan ko si Scarlet sa kwarto niya. Lumabas ako at sumalubong sa'kin ang napakalamig na hangin.

"Hindi na ako magugulat kung isang araw, makikilala si Scarlet na isang napakalakas na Pledger"

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now