CHAPTER 31: FREYJA'S ANSWERS

113 6 0
                                    

"Dalawang puso ngayon ang tumitibok sa dibdib ni Venice. At ang puso na 'yon ay magkadugtong na ngayon. Kaya sa oras na mawala ang isa, titigil narin sa pagtibok ang totoong puso niya"

"Ito ang dahilan kung bakit hindi stable sa paghawak ng Mahika si Venice, dahil ang 90% na hawak niyang core, 5% lang ang nacocontrol niya"
Dugtong pa ni Ms. Eden at seryoso akong tinignan, "Anong desisyon mo, Arisa?"

Lahat sila naghihintay sa sagot na hindi ko alam kung saan ko makukuha.

Tumayo si Ms. Eden at humarap sa napakalaking salamin kung saan tanaw ang labas, "Tutuparin mo na ba ang huling habilin ng ama mo kapalit ng buhay ng anak ko?"

"Wala po bang ibang paraan para mailigtas ang buhay ni Venice?" tanong ko.

Umiling si Ms. Eden, "So far, wala pa kaming naiisip na paraan"

"Ms. Eden, maaari niyo po ba akong bigyan ng oras?"

Ngumiti si Ms. Eden. "Maghihintay ako sa sagot mo"

"Salamat po"

Sa paglabas namin ng office halo-halong emotion ang nararamdaman ko. Iniisip ko kung kaya ko ba talagang tuparin ang huling habilin ng Ama ko kapalit ng buhay ng isang Mortal?

"Arisa, okay ka lang?" sabay na tanong ni Alceaus at Adler na nagpabigla sa'kin at nagkatinginan naman silang dalawa.

Tumango ako, "O-okay lang ako pero--"

"Pero?" sabay pa ulit na tanong nila at halos magsabong na silang dalawa. "Napapaisip ako kung kaya ba ng konsensya ko na kuhanin ang buhay ni Venice"

"Sang-ayon si Ms. Eden at kung sang-ayon karin, si Venice parin ang magdedesisyon" sabi ni Alceaus at tumango ako.

Narinig namin ang pagbuntong hininga ni Adler, "Hindi ko inaasahan na si Venice ang kasagutan sa lahat ng tanong na nasa isip natin. Haha, kaya ang laki nalang ng galit niya kay Arisa"

Nilingon ko si Adler, "Ikaw ba naman mamatay ang kapatid mo ng dahil sa'kin, hindi ka ba magagalit?"

Ngumiti siya, "Kung para sa'yo naman mamatay maiintindihan ko. At ang isa pa, wala akong kapatid, haha"

"Balita ko nawalan na daw kayo ng pwesto?" tanong ni Alceaus.

"Anong pwesto?" tanong ko naman.

"Ah~ 'Yung pagiging Echelons" dumiretso ng tingin si Adler "Sa tingin ko nakita na nila ang limit ng Salalicia. Ever since na mabuo ang Salalicia, never pang umataki ulit ang mga Gorgons, kaya naman never pang nakaharap ng mga Pledger ang mga Gorgons at never pa silang nakaranas ng actual battle wherein anytime maaari silang mamatay, not even all the Captains. Hanggang sa dumating ka, Arisa at dumating ang mga Gorgons"

"Kung ganon, ano pang purpose ng mga Core sa katawan nila?" tanong ni Adler.

"Sa tingin ko, ito na ang huling laban ng mga mortal" boses ni Elvira na nagpatigil sa'min sandali.

"Nakasunod ka pala sa'min, hindi ka man lang nagsasalita" sabi ni Alceaus.

Nagpout siya, "Kanina pa ako naghahanap ng right timing para sumingit"

"Elvira, anong ibig sabihin mo na huling laban na ng mga Mortal?" tanong ni Adler.

"Pakiramdam ko lang"

Huminga ako ng malalim, "Sa tingin ko, sa oras na matapos ang laban na 'to... panahon na para mapahinga ang Ina ko" at ngumiti ako "Kahit matagal na siyang patay, patuloy parin siyang lumalaban"

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now