CHAPTER 32: BETRAYAL

109 7 0
                                    

ADLER'S POV

FLASHBACK

Kung hindi ako nagkakamali ito ang lugar na 'yon.

Dahan-dahan kong binusak ang pintuan. Pero napatigil ako ng bumungad sa'kin ang isang babaeng nakaupo sa isang upuan.

Euryale..

"Oh, parang nakakita ka ng multo"

Tumayo siya, "Alam kong nandito kayo para kay Arisa. Haha, ang swerte niyo dahil nasa Vanaheim si Medusa"

"Ito ba ang mission niyo?" at sa likod niya, nanduon ang walang malay na katawan ni Arisa na puno ng sugat kabilang ang napakalalim na sugat nito sa dibdib niya at ang dalawang kamay at paa niya ay nakatali ng kadena.

Wala akong maramdaman na Mahika mula sa kanya.

"H'wag kang mag-alala. Hindi simpleng sugat ang papatay sa kanya"

Umupo ulit siya sa upuan. Sa pagdapo ng tingin ko sa mga mata niya, siyang pagkaramdam ko ng napakatalim na tingin mula sa kanya "Tandaan mo, sa mundong 'to ako lang ang dapat na nagtataglay ng malakas na Mahika"

Ano ng gagawin mo ngayon, Adler. Tawagin ko ba si Alceaus?

Ang sagot sa tanong ko ay nakadepende sa taong nasa harapan ko.

Pero ang ikinabigla ko ay nang humagis ang katawan sa'kin ni Arisa. Sa muling pagdapo ng tingin ko kay Euryale, kamao niya na ang sumalubong sa'kin. Sa lakas ng pwersa, nasira ang pader sa likuran ko.

Sinecure ko naman si Arisa na wala paring malay. "Umalis ka na sa harapan ko. Hindi ako pumapatay ng mga taong walang kalaban-laban, hihintayin ko ang araw na ako mismo ang pupuntahan niya"

Anong ibig mong iparating, Euryale.

Sinubukan kong tumayo, "Hindi pa ito ang oras para mamatay ang Vanir na hawak mo. Sa oras na mamatay siya ngayon, hindi lilitaw ang Core na bubuo sa kanya"

Nilingon niya ako ng may napakalaking ngiti, "Sa oras na malaman mo kung nasaan ang Core, wasakin mo at isunod mo ang Vanir na nasa kamay mo. Hindi dapat ito makuha ni Medusa, at walang dapat na nabubuhay na mas malakas kaysa sa'kin"

"Bakit hindi niyo nalang kuhanin ang Core ni Arisa at gamitin ito?"

Pansin ko na natawa siya, "Haha! Wala akong balak itira sa mga Vanir kaya bakit ako mag-iiwan ng isang bagay na magpapa-alala sa kanila?"

Tinalikuran niya ako at umupo ulit siya, "Sapat na ang mga sugat mo sa katawan para masabi nilang naglaban ka. Ngayon umalis ka na sa harapan ko bago pa magduda ang mga kasamahan mo"

"Masusunod"

END OF FLASHBACK

Lahat ay tumatakbo ayon sa plano namin ni Euryale.

Ngayon naghiwa-hiwalay na kami, sa paraang ito kung ako ang unang makakakita kay Venice mapapatay ko siya ng walang kahirap-hirap kasabay ng pagkawasak ng Core na pagmamay-ari ni Arisa.

Pero kung sinuswerte ka nga naman. Magkasama na ang dalawa, "First Gate, Lightning Arrow" and

Bingo! Saktong sakto ang arrow ko sa Core nilang dalawa.

"Mission accomplished" hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan na nasasaktan sila.

"A-anong ibig sabihin nito..... A-Adler?" nanghihinang tanong ni Arisa at hindi siya makagalaw dahil isang maling galaw niya lang, buhay nila ni Venice ang nakasalalay.

Hinubad ko ang polo na suot ko para ipakita ang peklat na likha mismo ng Ama ni Arisa, "Napakatagal kong hinintay ang oras na tuluyan kang magiging isang Vanir. Oras na para patayin ko ang nakatakas na Vanir mula sa kamatayan na dala ko"

Naramdaman ko ang presensya ni Alceaus at ni Elvira at lumitaw sila sa likuran nila Arisa. Nakakatuwa ang mga mukhang mayroon sila ngayon lalo ang expression ng mukha ngayon ni Alceaus "Anong ibig sabihin nito, Adler?!"

"Tapos na ang mission ko" at nilingon ko sila Alceaus "Tapos na ang laban ng mga Vanir--- I mean ng Vanir. Sa susunod na giyera, maghanda na kayo, Mortal" at may ngiti ko silang iniwan.

Oras na para bumalik ako sa Hellheim. Para pagsilbihan si Euryale.

ARISA'S POV

Dahil sa panghihina, hindi ko na nagawang pigilan si Adler.

Kaagad namang lumapit sila Alceaus "Fairies Sacred Art, Restoration..!"

Niyakap ko ng mahigpit si Vanice dahilan para mas lalong bumaon sa dibdib ko ang pana.

"Venice, nagtitiwala ka ba sa'kin?" mahinang tanong ko sa kanya.

Nangiti ako nang maramdaman ko ang pagtango niya. "Salamat"

Dahil sa lapit ng dibdib niya sa'kin, alam kong magkakonekta ngayon ang Core ko na nasa dibdib ni Venice at ang Core na nasa dibdib ko ngayon dahil sa arrow ni Adler.

Pakinggan mo ang boses ko, pakiramdaman mo ang presensya ko at magbalikloob ka sa'kin.

"Time Control" mahinang sabi ko at hindi naman ako nabigo dahil ang nirelease kong kulay ng Aura ay kulay asul. "Cessation"

At isang ngiti ang lumitaw sa bibig ko ng mapansin ko na huminto ang oras sa paligid ko maliban sa'kin. "Space Manipulation, Creation"

Ang asul kong Aura, naging pula. Sa muling pagdilat ng mga mata ko, nasa kakaibang lugar na kami.

Wala narin sa dibdib namin ang arrow. At sa harapan ko, nakangiti si Venice habang hawak ang isang crystal.

"Oras na para ibalik ko ang dapat na sa'yo"

Nangiti ako at lumapit sa kanya, sa pagdampi ng balat ko sa crystal siyang paglaho nito.

Napansin ko ang paunti-unting paglaho ng katawan niya. Pero habang naglalaho ang katawan niya, tumutulo ang luha niya habang may isang ngiti sa labi niya.

"Tapos na ang role ko, Freyja"

Hinaplos ko ang pisngi niya at umiling ako, "Wala na si Eleanor, wala na ang kanang kamay ko... maaari mo bang ipagpatuloy ang nasimulan ni Eleanor?"

Napansin ko ang pagkabigla niya at mas lalong tumulo ang mga luha niya kasabay ng paghawak niya sa kamay ko na nasa pisngi niya. "P-pero maglalaho na ako, Freyja"

"Hindi kita hahayaang maglaho"

At ito rin ang sa tingin kong gustong iparating sa'kin ni Ms. Eden,

FLASHBACK

"Si Venice ang nakakatandang kapatid ni Eleanor. At iba ang sitwasyon ni Venice kay Eleanor. Dahil nakaligtas si Venice sa giyera hindi katulad ni Eleanor na namatay"

END OF FLASHBACK

"Hindi ko hahayaan na pati ikaw maglaho"

Nakita ko ang ngiti niya bago ko siya yakapin. "Salamat..... Freyja" at naglaho siya sa mga kamay ko.

Pinunasan ko ang luha ko at hindi ko napigilan ang ngiti na lumitaw sa labi ko.

"Oras na para harapin ko naman ang nakaraan ko. Handa na akong makilala ka, Eleanor"

To be Continue...

The Incomplete RemainingWhere stories live. Discover now