Prologue

62.7K 1K 82
                                    

Prologue
Knights 5: Master of Deception

•••

Nanghihinang napaupo ang dalaga sa swivel chair nito. Pagod na pagod na siya sa mga pang-iinsulto ng mga katrabaho.

Hindi naman siya makapagreklamo dahil mas malakas ang mga ito sa kaniya, mas mataas, at may kapangyarihan para alilain siya.

"Hindi ko alam kung bakit hinahayaan mong ganiyanin ka, Astreille." Napalingon siya sa kaibigan.

"J-Jezreel," nauutal niyang sabi.

"You are beautiful, Astreille, sinasayang mo ang ganda mong 'yan sa pagpapaalipin sa mga hayop na 'yan," patukoy ng kaibigan sa mga katrabaho niya.

"I l-love my job, Jezreel." Yumuko siya matapos sabihin 'yon.

"Ano? Anong mahal mo rito? Yung mga pag-aalipusta nila sa 'yo? My God, Astreille, mag-quit ka na ngayon pa lang," galit na sabi ni Jezreel sa kaniya.

Umiling-iling siya. "I can't, Jez, ayokong umalis," naiiyak na turan niya.

Hindi makapaniwalang nilingon siya ng kaibigan.

"You're unbelievable, kung hindi lang kita kaibigan ay ako pa mismo ang magtatanggal sa 'yo sa puwesto."

"Pero Jez, alam mo namang kailangan ko 'tong trabaho na 'to 'di ba? Bukod sa masaya ako sa ginagawa ko, kailangan ko rin mapagtapos sila Marie," naiiyak na turan niya rito.

"Then continue writing," saad ng kaibigan.

"Pinagpapatuloy ko naman talaga, Jez," sagot niya.

"Hindi ka pa ba kumikita roon? You published your story as a book already, makuntento ka na lang doon," nag-aalalang wika ni Jezreel.

"Hindi pa naman book, Jez, e. Paid story pa lang. Atsaka, hindi naman sapat 'yon, Jez, mas malaki yung kinikita ko dito," tugon niya.

Napabuntong hininga na lang si Jezreel sa tabi. Kilalang-kilala niya si Astreille, hindi ito makikinig sa kaniya.

"Ang sabihin mo, hindi mo lang maiwan itong trabaho mo dahil inaabangan mo pa rin yung pinuno natin. Astreille, stop fantasizing over our leader, masyado siyang mataas para sa 'yo. Masyado siyang mapanganib."

Astreille sighed in frustration, "I just admire him for his hardworks. Hindi ko siya crush. Alam mo namang sa iisang manunulat lang ako loyal hindi ba?"

Jezreel rolled her eyes.

"You always fall in creepy guys, Astreille."

•••

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now