02 The Start of Something

40 7 8
                                        

Kiran Lin

I'm in a big trouble.

I followed her when she and her boyfriend left the café.

Sh*t.

Now where am I? Bakit ko ba sila sinusundan?

Kiran, umayos ka. What's the point of following them if they only look like a cliche couple who's totally inlove with each other?

Oh, papunta sila sa restaurant na pagmamay-ari ni tito William. I don't know, but I just followed them inside and even sat on the nearest table. Yes, I am being stupid and foolish. I can even hear them. And I don't even feel the urge to go out and go back home.

I AM BEING SUCH A CREEP, I KNOW!

"Love, may sasabihin sana ako." i suddenly feel like there's something going on. Lalake ako putsa bakit ba ako nakikinig sa usapang mag-jowa? At bakit pakiramdam ko maghihiwalay 'tong dalawa? Tsk, nababakla na ba ako? Putek.

Umorder na ako ng makakain at dahil si tito William nga ang may-ari, nakalibre pa ako ng umagahan. Hindi na rin masama ang maospital, bumabait ang mga tao.

Habang naghihintay ng order ay patago akong nakinig sa usapan nilang dalawa.

Naunang dumating ang order nila kaya hindi sila masyadong naguusap.

Ano ka ngayon kiran? May napala ka ba? Eh wala nga yata silang balak mag-usap.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang order ko ngunit hindi parin sila nagsasalita.

Tsk, bakit nga ba ulit ako nandito?

"I'm going abroad." napatigil ako sa pagsubo nang biglang magsalita ang lalake na nasa likuran ko lang. Naintriga ako sa usapan nila kaya medyo lumapit ako ng kaunti. Tangina nababakla nanaman ako. Pero bahala na mukhang may patutunguhan naman ang usapan nila.

Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita ang babae. "Why?", ito lang ang sagot niya. "Love, listen first. Sabi ni manager ay mayroong gustong magsponsor sa banda namin at gusto kaming ipanlaban sa ibang bansa. Hindi ko matanggihan kasi lahat sila ay gustong pumayag." paliwanag ng lalaki.

Banda? Iyong sa cafe? Isa siya sa mga tumugtog?

"Love?" tawag ng lalaki nang hindi kumibo ang babae. Tss. Inubos ko na ang pagkain ko dahil wala rin namang sumunod na usapan sa kanila at isang napakahabang katahimikan lang ang namuo.

Tinawag ko na ang waiter at sinabihan ito na ibigay ang pasasalamat ko kay tito William. Tumayo na ako at handa na para umalis ngunit nabigla ako sa narinig.

"Let's break up." ani ng babae.

Putek, bakit ngayon ka pa nagsalita gayong tapos na akong kumain?! At tang*na tama yata ang naramdaman ko kanina?!

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now