24 Actions

8 1 0
                                    

Kiran Lin

"Kiran, magbubukas na kami." lapit sa akin ni Dyen habang tinatapos ko ang paglinis sa reading corner. Tumango ako at binilisan ang paga-arrange ng mga libro.

Tatlong araw na ang lumipas at hindi parin siya bumabalik. Sa tatlong araw na iyon ay pinagpatuloy ko ang pagpapaturo sa paggawa ng Latte.

Nabasa niya na kaya yung mga librong hinatid ko? Baka kulang pa yung dinala ko, mabilis pa naman siyang magbasa.

"Good morning maam." ngiti ko sa unang customer na kakapasok lang. Siniko ako ni Mikaela at bumulong, "May-ari yan." saka bumungisngis.

Takte, kasalanan ko bang hindi parin nasabi sa akin ni Iza ang tungkol sa cafe? Magtatanong na talaga ako mamaya.

"Sorry po ma'am." yumuko ako at ngumiti naman siya.

Tinawag ni Dyen sina Iza at Kyer saka nila sinalubong ang may-ari ng café. Akala ko ay magiging pormal ang batian nila sa isa't isa ngunit parang matagal na magkakaibigan lang sila kung magturingan.

"Hanna! You're back! Sorry nga pala sa oven. Pinalitan ko na kahapon. Sayang rin ang isang araw na hindi nagbukas ang café." anito at yumakap sa kaibigan.

"It's fine. Nga pala, thank you sa pagh-handle kay Yivie. Don't worry, ok na siya. Pinagpapahinga ko lang pero ayun, nagbabasa ulit." sabi niya naman. Magkaano-ano sila ni Yivie? Wait, ibig sabihin kamag-anak ni Yivie ang nagmamay-ari ng cafe? Nanay niya ba ito?

"I'm sorry Hanna, dahil sa nangyari. As much as possible, we tried to keep her away from fire." pagpaumanhin ni Kyer. Ngumiti lang si 'Hanna' at sinabihan sila na sa susunod ay mag-ingat sa paggamit ng oven.

Bigla ring dumating si manager Bliss at mukha akong nakasaksi ng isang reunion. Magkakaibigan nga silang apat.

Nagsidatingan ang mga customers kaya naputol ang kamustahan nila.

Bumalik na rin ako sa trabaho. Medyo nasanay na ako sa pagod lalo na tuwing schedule ng banda katulad ngayon. Dumadagsa ang mga customers.

Pabalik-balik ako sa kusina at sa labas para magserve.

"Kiran, pakihatid ito sa table ni Yivie." tawag ni Dyen nang medyo humupa na ang pagdating ng mga tao.

Table ni Yivie? Akala ko ay nagpapahinga pa siya?

Tinaggap ko ang coffee saka dumiretso sa reading corner.

Nanghinayang ako nang makita ang may-ari ng cafe na nakaupo sa mat habang naka-krus ang mga paa at nags-scroll sa tablet niya.

"Enjoy your coffee ma'am." paglapag ko sa kape niya. Huminto siya sa ginagawa at tinignan ako sa mata. "You're Kiran, right?" tanong niya.

Nakaramdam naman ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.

"Opo. Bakit po?" Nalaman niya ba na madalas akong makatulog noong baguhan palang ako?

"You are probably Henri Lin's son." it was a statement. Paano niya nakilala si Dad?

Traces of anxiety can be seen on my face. I don't know her, but she knows me. Of course, I'll be anxious if I should tell her or not.

She smiled reassuringly. "I'm Hanna Castañeda, Yivie's aunt." She's her aunt? But she looks so young. Kasing edad niya ata sina Kyer at Iza.

"Ah, by the way. I know your father. He's my mentor at the culinary school."

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now