10 Her

10 2 0
                                    

Kiran Lin

Marami-rami rin ang dumayo sa café nang magbukas ito. Ngunit hindi naman tulad kahapon na halos di maitsura ang kitchen dahil sa dami ng order.

Dumating rin ang bagong banda dahil schedule nila ngayong araw. Sabi ng mga kasamahan ko na magaling rin daw itong bandang ito kaya sigurado silang magugustuhan ito ng mga bago at regular na customer.

Matapos ang ilang oras na pabalik-balik sa kusina at sa labas upang mag-serve ay pinagpahinga muna ako nila Iza. Umupo ako sa couch na nasa loob ng locker room at napasandal sa head rest.

It's almost late in the afternoon kaya hindi na masyadong busy ang café. Si Mikaela muna ang pumalit sa akin. Pumikit ako ng ilang minuto dahil sa biglang pagpitik ng sakit sa ulo ko.

Napamulat ako dahil sa ingay.

"Good job guys. May niluto akong cake, kumain muna tayo." narinig ko ang boses ni Iza. Nasa tabi lang ng kitchen ang locker room kaya rinig na rinig ito.

Oh shit, what time is it? Pumikit lang naman ako.

"Tatawagin ko lang si Kiran." ngayon naman ay si Yivie ang nagsasalita.

Man, I screwed up. Nalukot ang mukha ko dahil sa pagkakaalam na posibleng masesante ako dahil sa pag tulog ko.

But I didn't mean to- I just wanted to close my eyes. Tangina.

"Oh, gising ka na pala. Tara kain tayo." I looked at her and she chuckled. "Come on, masasanay ka rin. Don't worry they won't fire you. Ganiyan rin sila noon. Besides, you probably just dozed off." she grabbed my hand and pulled me to stand up.

Hindi na ako nagmatigas at pinabayaan siyang hilahin ako.

"How's your first official day, Kiran?" tanong ni Kyer habang sumusubo ng cake. I put my hand on my nape pero agad din iyong tinanggal.

"It's great." ngumiti nalang ako nang abutan ako ng cake ni Dyen. "That's good. Masasanay ka rin, just keep it up."

Nakatayo silang lahat sa gilid ng kitchen counter at nagsimulang magusap tungkol sa mga bagay-bagay.

"Ah, kamusta ang bago mong libro, Yivie?" tanong ni Mikaela.

All eyes are now on Yivie na hindi pa nanguya ang pagkain dahil sa pagkabigla. After swallowing her food, she answered, "It's great. Actually they're releasing additional copies." Ininom niya ang Latte na nasa tabi ng platito niya habang ang iba naman ay napatango.

"Nga pala, Kiran. You probably know by now. Yivie is an author. A famous one, actually."

I stayed silent while drinking my coffee na kasama sa inabot ni Dyen kanina while they continued talking about her great books.

Finding Me In YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin