20 Tokneneng

15 2 0
                                    

Kiran Lin

Sinapawan ko ng hoodie ang itim kong t-shirt at nagpaalam kay Dad na lalabas muna. Hapon na at hindi ko alam kung bakit, pero hinahanap ko ang streetfood. Kaya ngayon ay papunta ako sa lugar na tinuro ni Yivie.

Nang makarating ako ay sinipat ko muna kung ano ang masarap kainin. Nakita ko ang kwek-kwek stall na binilhan namin dati at doon dumiretso.

"Mag-isa ka lang ba, iho?" tanong ng tindera nang abutin ko ang bayad. Nagtataka man ay sinagot ko siya, "Opo, bakit po?" ako. Ngumiti lang siya at binigay na ang kwek-kwek. "Akala ko ay may kasama kang babae. Yung kasama mo nung nakaraan." Hindi ko inakalang matatandaan niya kami.

Nginitian ko ang ale. "Hindi po kami magjowa." pag-linaw ko. Tumawa naman ang huli. "Aba'y wala naman akong sinabi, iho. Kumain ka na." aniya at napatunganga naman ako. Takte.

Mag-isa kong kinain ang kwek-kwek pagkatapos kong bumili ng buko juice sa kabilang stall.

Nagulat ako nang may biglang umupo sa tapat ng upuan ko. Yivie?

Napakasimple lang ng damit na suot niyang kulay black.

"Your treat." aniya. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. "My birthday treat. Can I have it now?" Seryoso niyang sabi. Nagtaka ako kung bakit siya- oh right. Death anniversary nga pala ng mga magulang niya.

I acted like I know nothing at nilibrehan siya ng streetfoods.

Kung kanina ay napakaseryoso niya, ngayon naman ay napakasaya niya. Ang lapad ng ngiti niya habang kumakain ng tokneneng.

"May drugs ba ang tokneneng na iyan?" hindi ko maiwasang itanong. Sinubukan ko ang isang piraso pero wala naman akong maramdamang kakaiba.

Wait. I know this feeling. I've felt this before.

Para akong nag deja vu nang makita ko ang killer stare niya and I realized why. It's because I ate her last piece of tokneneng.

Tatalikod na sana siya nang hablutin ko ang braso niya saka hinila sa stall ng tokneneng. Bumili ako ng tatlo.

Syempre isa para sa akin, dalawa para sa kaniya. Kaso kinuha niya ang tatlo. Putangina.

"Hoi, akin yang isa." tawag ko sa kaniya. Hindi siya kumibo at tinalikuran lang ako. Aba't.

Pinabayaan ko nalang para hindi na lumaki ang galit niya saka bumili ulit ng tokneneng.

Umupo ako sa tapat ng upuan niya habang tinitignan siya ng masama. Naglaban kami ng sama ng tingin at nang mapansin kong para na siyang maiiyak, nagpatalo na ako.

Putek talaga.

"Bakit ka naiiyak? Dahil ba sa tokneneng?" balisa kong tanong. Hindi siya sumagot. This time, tears were running down her cheeks. She was crying while biting her food.

I looked away and minded my own food.

Naalala kong ayaw niyang may nakakakita sa kaniyang umiiyak kaya tumabi ako at tinalikuran siya.

"Bakit ka umupo diyan?" tanong niya nang medyo kumalma na siya. Patuloy parin ako sa pagkain ng tokneneng.

"Bakit? Gusto mo bang makita ko ang panget mong mukha kapag umiiyak?" pabiro kong sagot. Susubo na sana ako nang bigla niyang hambalusin ang likod ko. Puta, ang pagkain ko.

I stared at my food which is now peacefully lying on the ground and faced her.

"Anong gagawin mo sa pagkain ko? It won't be revived unless you buy me one." ngumiti siya at tumayo na.

Palihim rin akong ngumiti dahil sa pagbabago ng mood niya.

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now