27 Visitation

4 0 0
                                    

Kiran Lin

Matagal na oras akong nagkulong sa kuwarto dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga bisita.

Lalo na si Yivie.

Tangina, nakakahiya.

Pumasok na ako sa loob ng cr at naligo. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako at nakita si Hanna na nagluluto sa kitchen. Katabi lang ng kitchen ang kuwarto ko habang nasa harap naman ng kuwarto ni Dad ang sala.

Tinanong ko si Hanna kung nasaan si Dad. Siya lang kasi mag-isa ang nagluluto.

Nang sabihin niya na nasa sala sila ay agad ko iyong tinungo. Nagulat ako sa nakita. Yivie was crying while Dad hugged her. Naramdaman kong tumabi si Hanna at tinignan rin sila.

"I'm sorry, I brought her with me. Pinakiusapan ko si tandang Henri na i-comfort si Yivie. I know she's yearning for her parents and I couldn't think of other options." nilingon ko siya at ngumiti.

"It's okay. As long as it's for her good." I said at pumunta sa kitchen. Sumunod naman si Hanna. Pinabayaan muna namin silang dalawa sa sala. I'm kind of proud to say that my Dad is great when it comes to comforting someone.

Nagpatuloy si Hanna sa ginagawa habang nanonood lang ako. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niyang putahe dahil mukhang pagkain sa US ang niluluto niya.

"Hello?" sagot ni Hanna nang may tumawag sa telepono niya. Pinasok niya sa oven ang isa sa mga putahe na ginawa niya.

May birthday ba? Ang dami niya namang ginawa.

I shrugged at the thought. Nah, as long as maraming pagkain.

"Ok I'll be there.... Wait, now? I can't." namomroblemang tugon nito sa kausap. Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila nang bigyan ako ni Hanna ng isang slice ng Chicago-style deep dish pizza.

Abala ako sa kinakain nang matapos ang tawag niya. Pumunta siya sa sala at rinig ko naman ang usapan nila.

"Tanda, kailangan kong pumunta sa cafe.. May kailangan akong ayusin." anito. Pumunta ako sa sala habang dala-dala ang pizza.

Tinignan niya si Yivie, "Gusto mo pa bang magtagal Yivie? Baka magabihan ako eh... Dito ka nalang rin kumain, tapos na naman yung niluto ko." tumango naman si Yivie at napatingin sa sinusubo kong pizza. Napatigil ako at tumungo pabalik sa kusina. Baka agawin niya yung pizza ko. Ugali niya pa naman iyon.

Umalis na si Hanna at ngayon ay sabay kaming tatlo na kumakain ng breakfast. I guess this is not bad at all.

"Tito Henri, siya nga po pala. Sinabi mo po na nawalan ka, sino po ang tinutukoy mo?" biglang tanong ni Yivie. Huminto siya saglit sa pagkuha ng ulam at nagsalita ulit. "Pero kung masyado pong personal, ok lang po kung hindi niyo na sagutin." aniya at bumalik sa ginagawa. Naguguluhan naman akong tumingin kay Dad.

Parents siguro ni Dad ang tinutukoy niya.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Naramdaman kong huminto si Dad at nakita itong ngumiti kay Yivie.

"It's my parents. " Tama nga ako. Ininom ko ang juice na tinimpla ko kanina bago sila pumunta sa kitchen.

"Dad, kailan nga pala uuwi si Mom?" napaismid si Dad. Agad ko siyang inabutan ng tubig.

"Ah, Kiran, ihatid mo pauwi si Yivie mamaya. Matatagalan daw si Hanna." pag-iba nito sa usapan. Pero teka- ako? Ihahatid si Yivie?

Tinignan ko si Yivie at binigyan niya ako ng inosenteng tingin.

"Ok po." Napatango nalang ako kay Dad.

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now