21 Latte

18 2 0
                                    

Kiran Lin

Isang magandang araw na naman ang bumungad sa akin. Pero kahit isang katiting ay wala akong napala kahapon sa paghahanap.

"Good morning." bati ko sa kanila nang makapasok ako sa cafe. Sabay-sabay silang lumingon sa akin. Did I say something wrong?

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa locker room.

"Iza, ako na." ako nang makita ko si Iza na pinupunasan ang kitchen counter. She looked at me with a 'what-the-hell' look.

May mali ba akong nasabi?

"Bakit?" tanong ko. Saka ko lang napansin na nakadungaw na silang lahat sa kitchen at nakatingin sa akin. Puta naging artista ba ako?

"You're acting wierd. Please stop." Putek, ano naman ang wierd sa mga sinabi ko?
I shrugged it off at tinapos ang pagpupunas.

Lumipas ang ilang oras ay pumasok na ang mga customers.

Pumasok rin si Ann, yung editor ni Yivie. Binati ko siya at tinugon niya ako ng ngiti.

"Ann! Nasimulan ko na ang first part ng story, kaso kailangan ko pa ng tulong sa part ng antagonist." salubong ni Yivie rito. I slightly shook my head. Libro agad ang ang pinag-uusapan. Nagpatuloy na ako sa trabaho.

Matapos ang ilang oras ay napansin kong ihahatid na sana ni Mikaela ang coffee para sa table nina Yivie. Nilapitan ko siya at nagprisintang ako na ang maghahatid nito. Sumingkit ang mga mata niya habang tumatango saka naglakad paalis.

Hinatid ko na ang coffee sa table nila. Parang may sarili silang mundo dahil hindi nila napansin ang pagdating ko. Hindi na rin ako nag salita dahil ayaw kong makadistorbo.

Ilang minuto nalang ay magsasara na ang cafe kaya nagsimula na akong maglinis sa ilang tables.

"Kyer, paano ba gumawa ng Latte?" tanong ko sa kaniya nang marating ko ang coffee bar. Nagsisimula na rin siyang maglinis.

"Bakit? Gusto mo bang magpaturo?" aniya. Ngumiti ako saka tumango. Sinenyasan niya naman ako para lumapit.

Sakto naman at magsasara na ang café kaya tinuruan na ako ni Kyer. Pinakita niya sa akin ang proseso ng pagprepara ng milk at espresso.

She told me to try it so I did. First, I pulled the shaft to steam the milk then brewed the coffee beans. After brewing and tampering, pinatong ko ang cup na may tamang measurement para dito bumuhos ang espresso.

Habang ginagawa ito ay namaalam na si Ann. Si Yivie naman ay nag unat saka lumapit sa amin.

"You're making coffee?" anito. Si kyer ang sumagot. "Mhm, gusto niya daw magpaturo. Ikaw ang mag taste test." Shoot. Bakit si Yivie? Ngayon lang ako nagtangkang gumawa ng Latte.

"Goodluck, I guess?" ako. Tumawa naman sila at pumasok na si Yivie papasok sa kitchen. Siguro ay pinapanood niya nanaman si Iza sa paggawa niya ng treats. Sa ilang araw kong pagt-trabaho ay napansin kong mahilig siyang manood kina Iza at Kyer kapag gumagawa ito ng kape at baked goods.

Tinuon ko na ang pansin ko sa paggawa ng Latte dahil mahirap na at baka hindi maipinta ang mukha ni Yivie mamaya.

"Try to tilt the cup. Kapag walang bula sa kabilang side, it means na maayos ang pagkakagawa." I followed what she said and to my surprise, wala nga itong bula.

I was about to get the milk and start doing the Latte art when we heard a loud noise from the kitchen.

Binitawan ko ang hawak kong cup at frothing pitcher. Halos tinakbo namin ni Kyer ang kitchen at nakita na nasusunog ang isa sa mga oven.

"Shit! Si Yivie!" sigaw ni Iza at tinakpan ang mga mata ni Yivie saka ito hinila palabas. Hinanap ko ang fire extinguisher at pagkatapos kong hablutin ang pin ay agad ko itong iwinasiwas.

Hindi ganoon kalaki ang apoy na tipong matutupok ang buong cafe. Ngunit may posibilidad na kumalat ito sa mga katabing kagamitan. Napahinga ako ng maluwag dahil hindi na lumala ang sitwasyon sa loob ng kitchen.

Nang lumabas ako ay nakita ko silang nakapaligid kay Yivie habang nakatulala ito at nanginginig. Namumutla rin ito at tila mag binubulong.

Panay ang tawag nilang apat sa pangalan ni Yivie ngunit bigla nalang itong nahimatay.

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now