23 His Way

10 1 0
                                    

Yivette Kessler

"Nana, paabot ng tubig." tawag ko kay Nana habang nagbabasa siya sa tablet niya. Bigla akong nakaramdam ng guilt. She seemed so busy at dumagdag pa ako.

"Thank you." mahina kong tugon at tinapik niya lang ang ulo ko. I smiled, what am I thinking? She never let me feel those things and made me feel secured instead.

"Nana, kailan ka babalik sa US?" tanong ko. Tinignan niya ako ng nakangiti at sumagot, "Don't worry, matagal pa bago ako bumalik. I need to monitor the café at bibisitahin ko rin ang mentor ko noong nasa cooking school pa ako," she paused. "Besides, you need me right now. Siya nga pala, I have a gift for you dahil pwede ka nang lumabas mamaya. The doctor said that you fainted due to your trauma and since alam naman nila na ako ang psychologist mo, they told me that you can go home now." may nilabas siyang tupperware.

Tinignan ko ang loob nito at halos kuminang ang mga mata ko sa nakita.
"Taho!" I almost screamed. Masaya kong binugsan ang takip nito ngunit pinigilan ako ni Tita.

Sumimangot ako dahil kinuha niya ang tupperware saka binalik ang takip.

"Mamaya na. May gamot ka pa sa katawan. At may last ka pang gamot maya-maya. Pag-uwi mo nalang kainin." aniya. Ngumuso nalang ako at tumango saka nagbasa ng libro.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro ni Harper Lee ngunit halos matapos ko na iyon. Sinipat ko ang bed table at nakita na may tatlo pang librong nakapatong rito. Kung sino man ang naghatid ng mga librong ito ay sobra ang pasasalamat ko dahil mamamatay ako sa pagkabagot.

"Sino ang naghatid ng mga libro ko, Nana?" tanong ko habang nagbabasa parin. Tulog kasi ako kanina at nang magising ay nakapatong na ang mga libro.

Napahinto si Nana sa pags-scroll sa tablet niya at singkit-matang tinignan ako. "May jowa ka ba?" pabagsak kong binaba ang librong hawak, "Wala!" at kumalma.

"Lalaki ang naghatid niyan. Sabi niya ay nagt-trabaho raw siya sa cafe." Si kiran?

I sinked myself and slowly covered my face with the book. "Siya lang naman pala. Bakit mo nasabing boyfriend ko siya?" I hid my face more because I felt my face burn up.

"Sabi niya kasi na magpagaling ka raw." muli kong binaba ang libro. "Geez. Kapag ba sinabihan ng ganyan ay jowa na agad?" namumula parin ako nang bumalik ako sa pagbabasa. Tumawa lang si Nana hanggang sa maya-maya ay dumating ang nurse na tuturukan ako ng huling gamot.

Teka, para saan ang gamot? Akala ko ay dahil lang sa trauma kaya ako naospital?

Tinanong ko si Nana pag-alis ng nurse at sabi niya ay gamot raw iyon para iwas sa mas malalang seizure. I just shrugged it off at tinulungan si Nana sa pagaayos ng mga gamit.

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now