26 Visitation (2)

5 1 0
                                    

Yivette Kessler

"Hanna! Tuloy kayo. Yivie, right?" pagbungad sa amin ng tatay ni Kiran. Tumango ako sa kaniya ang nag-hello.

"Just call me tito Henri." aniya at ngumiti saka giniya kami sa sala.

Nilibot ko ang tingin sa buong sala at napansin ang pintuan ng isang kuwarto. Hula ko ay kuwarto iyon ni Kiran dahil may whiteboard na nakasabit rito.

'Don' t disturb. - Kiran- '

Nakasulat doon. Imbes na sundin iyon ay nilapitan ko ito. Sinabihan ako ni tito Henri na malaya raw akong makakapag-libot dahil hindi naman daw ganoon kalaki ang bahay.

Pipihitin ko sana ang pintuan pero napahinto ako dahil baka madistorbo ko ang tulog niya. Sakto namang bumukas kaya napaatras ako sa gulat.

Napatulala ako sa mukha ni Kiran. Halata na bago siyang gising. Magulo ang buhok niya, puffy eyes, at naka pajamas.

Yep, definitely a 'just-woke-up' look.

Bigla niyang sinara ang pinto. I looked behind me and saw Nana and tito Henri na naka tingin rin sa akin.

"Gising na ba si Kiran?" I nodded while feeling dumbfounded. Hindi ko alam kung nasa diwa ba siya nang bigla niyang binuksan ang pinto kanina.

Hanggang tingin ko nalang na nilibot ang paningin ko. I'm looking for something in particular.

Nakakapagtaka na wala ang gamit na iyon gayong mahal na mahal iyon ni Kiran.

I definitely know him even before he knew me.

After what I heard from him during those times that I felt lost, I came to know that he's in the internet.

So I searched him up, and after that, I found myself constantly waiting for his updates.

But now, there are no traces of the Kiran that I know.

Tumayo si Nana at pumunta sa kitchen nila tito Henri. Ganoon ba sila ka-close?

Sabi ni Nana ay gagawa raw siya ng makakain. Hindi na raw siya mahihiya dahil gusto niya raw maipakita sa mentor niya ang mga natutunan niya sa US. Ayos lang naman kay tito.

"Kamusta ka na, Yivie?" tanong ni tito nang maiwan kami sa sala. Tinugon ko siya ng ngiti. "Ok lang naman po, tito." ininom niya ang kape na nasa table at nakadekwatrong umupo.

"I heard about what happened, are you really fine?" nabigla ako sa tanong niya. Did Nana tell him? If she did, then he's a trusted person. So it should be just fine.

"Actually, I'm not po. But Nana is taking care of my mental health." napatango lang siya. Bumuntong hininga siya at tinignan ako sa mata na puno ng pag-aalala.

Hindi ko maintindihan pero nararamdaman ko ang sinseridad niya.

"You know, nawalan na rin ako. Just like you, I couldn't do anything. It wasn't a situation that I could handle." yumuko siya ng kaunti at hinimas ang cup na hawak bago niya ininom ang kape.

I just listened quietly.

"I know the feeling when you're reminded of the past. But trust me, it's not your fault. May mga panahon talaga na hindi mo kayang panghawakan ang mga pangyayari." his words somehow hit me right on the spot. Naramdaman ko ang pagtutubig ng mga mata ko. I clenched my fist and stopped myself from crying.

"Forgive yourself. It's not your fault. Free yourself, Yivie. That's the only way to survive. And I tell you, your parents want you to survive." nanumbalik ang alaalang sinabihan ako ni Mom na umalis na at iwan sila.

I felt a tear escape from my eye at agad ko iyong pinunasan. I smiled sincerely and spoke up.

"Thank you po tito." ako at nilapitan niya naman ako saka niyakap.

Hindi ko maiwasan na tahimik na mapaiyak dahil muli ay naramdaman ko ang yakap na matagal ko nang hindi naramdaman.

I miss you Dad, Mom...

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now