50 Flight

6 0 0
                                    

Yivette Kessler

After Kiran's flight....

"Ok na ba? Naka lock na?" tanong ko kay Iza na ngayon ay may hinahalungkat sa shoulder bag niya.

Tumango naman ang huli kaya pumasok na kami sa sasakyan ni Nana. Naghihintay sa loob sina Mikaela, Dyen, Kyer at Ann pati na rin si Nana na nasa driver seat.

Papunta kami ngayon sa mini concert ni Kiran at sinadya namin na hindi sabihin according sa plan. We're going to surprise him on his mini-concert. 

Naguilty nga ako kanina dahil hindi ko siya naihatid. Pakiramdam ko tuloy ang sama kong girlfriend.

"Why the long face?" pagsiko ni Dyen na katabi ko sa backseat. May upuan pa sa likod at doon nakaupo sina Ann, Mikaela at Kyer. Nasa front seat si Iza.

"Nothing, excited lang ako." ako. She gave me a frown before answering. "Utot mo. Hindi ganiyan ang mukha ng jowang excited makita ang kasintahan." aniya. Napatawa nalang ako dahil sa sinabi niya.  

"Promise, excited talaga ako. Nanghihinayang lang ako kasi hindi ko siya naihatid kanina." she gave me a worried look. Kaya ayaw kong sabihin dahil ayaw kong makita ang ganiyang uri ng mukha. I don't want to worry anyone. 

"Pero I know I'll see him when we get there." Her face lightened up with what I said. 

Little did I know about what's about to happen.

Nang makarating kami sa airport ay nagkakagulo ang ilan sa mga airport service workers. Nakasunod lang ako sa mga kasamahan ko ngunit agad ring napahinto nang may narinig ako sa usapan ng mga crew members na dumaan. 

Nagkaroon daw ng aircraft fire ang flight BA2490.

No. Hindi iyan flight number ni Kiran. 

It's not, right? 

Pinipilit ko ang sarili na hindi totoo ang narinig. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko at agad ko iyong inalis. Hindi naman ako sigurado kung flight number iyon ni Kiran, pero paano kung totoo? Paano kung flight niya talaga iyon? Paano kung bumagsak ang aircraft nila? Paano kung napano siya?

Parang may hamog sa utak ko at hindi ko na alam ang ginagawa ko. Napansin ko nalang na tapos na kaming magcheck-in at nakaupo na ako sa isang upuan.

"Yivie? Anong nangyari? Namumutla ka." tanong ni Kyer. Nang tignan ko siya ay bumakas ang labis na pag-aalala sa mukha niya. Sinabi ko ang narinig ko kanina at tinawag niya ang iba saka sinabi ang balita.

"Yivie, Huminga ka muna. Ok?" nilapitan ako ni Nana at hinagod ang likod ko. Hindi ko maramdaman ang katawan ko dahil sa panginginig.

Muli ay nakarinig ako ng mga bulungan. "Bumagsak daw iyong flight kanina na nasunog." 

Nanlamig ako at natutop ang bibig. Lumapit si Kyer sa nagbubulungan sa likod at nagtanong. 

"Anong flight po ang bumagsak?" walang anu-ano niyang tanong. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanila at pinalangin na hindi iyon ang flight na narinig ko kanina. But who am I kidding?

"Flight po papunta sa Cebu." Halata ang gulat sa mukha nila dahil sa biglaang pagsali namin sa usapan ngunit wala na akong pakealam doon. Napahawak ako sa braso ni Nana bilang pangsuporta. It's where he's headed to.

"Tinawagan mo na ba ang number niya?" tanong ni Kyer. Naisip kong tawagan ang number niya pero naduwag ako sa katotohanan na baka hindi siya sumagot. And I swear to everyone that it's the worst thing that I could imagine and the least that I want to happen.

Napansin ni Iza ang hindi ko pagsagot. Naramdaman ko nalang ang yakap niya na sinundan ng iba. 

They encouraged me to call him even though I told them that I'm afraid. "Nandito naman kami, hindi ka nag-iisa. " ani Mikaela. And so I did.

Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ang number niya na nangunguna sa listahan ng calling history ko. I could still remember what he said when he called, "Don't miss me too much, I'll find some time to read the book."  At this point, ok na sa akin ang hindi niya basahin ang libro. Basta malaman ko ang lagay niya ay ok na ako.

I put the call on speaker mode at lahat kami ay kinakabahan. 

Anxiety is creeping in and I'm about to cry it out dahil lumipas na ang labinlimang minuto at hindi parin siya sumasagot kahit naka-ilang tawag na kami. Nakaalis na ang flight namin and we are about to lose hope. Nagsimula nang bumuo ang mga tubig sa mata ko.

This is not happening right? 








Kiran Lin

"Kiran, ready ka na?" tanong ni manager Thalia. Tumango ako at inayos ang pagkakalabit ng gitara. I silently prayed.

Today will be the first mini concert that I'll have and a milestone in my career.

For short, importante ang araw na ito ngunit hindi makadalo si Yivie.

I went up to the stage when they gave me the cue. The voices were loud, the people were crazy cheering for me. I looked around to see everyone. Although hindi ganoon karami ang mga tao, it was enough to make me feel that it was worth the try.

At first, I felt like my throat dried from nervousness, but when I played the first chord, everything seemed to be magic. The voices got louder, almost as if thousands of people went to the mini-concert.

The next happenings were unforgettable. I was supposed to only play the guitar and the crowd sang along to the song that I covered. I couldn't explain what I was feeling at the moment, parang ang worth it ng paghihirap kong matuto ulit ng gitara. I'm glad that I played it again.

Everything was close to perfection. The crowd, the music, the emotion, my Dad's presence, and there's only one person that's missing. Yivie.

One of the things that I hated, songs have endings. When the song ended, so did my mini-concert. I went back to the backstage after I gave a message and said goodbye to those who came.

After a few talks and cleaning, we went to the hotel at pumasok na ako sa room ko.

Speaking of Yivie, my phone rang and- what? Fifty missed calls?

I smiled at the thought. Na-miss niya siguro ako. Takte, hindi ako kinikilig. Putek.

"Hello?"














Finding Me In YouWhere stories live. Discover now