30 This Time

3 0 0
                                    

Yivette Kessler

Hindi ako mapanatag nang makita kong namutla si Kiran kanina.

Baka dahil lang sa init.

Sinubukan kong tawagan ang phone niya kaso hindi ko nga pala alam ang number niya.

Tinext ko si Iza para hingin ang number niya at binigay niya naman ito.

Mas tumindi ang kaba ko nang sinubukan kong tawagan ang number pero walang sumasagot.

"Baka hindi niya lang napansin." bulong ko sa sarili. I calmed myself down at paulit-ulit na sinabi sa sariling nasa bahay naman ang Dad niya.

Pabalik-balik akong naglakad habang kinakagat ang kuko ko. Paulit-ulit rin akong tumitingin sa phone.

Ilang oras na ang lumipas ngunit wala parin akong balita kay Kiran.

Hindi na talaga ako mapakali kaya nilakad ko ang bahay nila at nang makitang wala ang sasakyan ng Dad niya ay nadagdagan ang kaba ko.

I bit my lips and tried calling his number again. Pero ganoon parin. Imposibleng hindi niya mapansin ang tawag dahil naririnig ko ang ringtone niya mula sa labas.

Sinubukan kong buksan ang pintuan. Buti at hindi ito naka-lock.

"Kiran?" tawag ko ngunit walang sumagot. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nangingibabaw.

Nakita ko ang phone niya na nakapatong sa kitchen counter.

Binuksan ko ang kuwarto niya pero wala siya roon kaya dumiretso ako sa kuwarto ng Dad niya.

Nang makapasok ako ay nakita kong may pintuan pa sa loob at nakabukas iyon.

Naramdaman ko ulit at naramdaman ko noong mangyari ang sunog. But this time, I know, I can do something.

Sinubukan kong gisingin si Kiran na nakahandusay sa sahig. Pinakiramdaman ko ang paghinga niya and to my relief, he's still breathing.

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at naramdaman ko naman ang pulso niya.

Napahinga ako ng maluwag. Pero hindi parin maayos ang sitwasyon.

Tinext ko si Nana dahil wala akong number ni tito Henri.

Nang makuha ko ito ay agad ko iyong dinial at sinagot naman ito ni tito.

Kinalma ko ang sarili ko habang nakahawak parin sa pulso ni Kiran para mabantayan ito.

Pinaliwanag ko ang nangyari at sinabihan siyang sa hospital nalang kami magkita dahil tinawagan ko na ang ambulansya.

Wala naman akong makitang dugo o kahit ano. Nakita ko ang camera sa gilid ng kamay niya at tinignan iyon.

Matapos kong tignan ang laman ng camera ay napaisip ako. Ano ba ang nangyari at umabot ka sa ganito, Kiran?

Dumating na ang ambulansya at sumabay na rin ako papunta sa hospital.

"Tito!" tawag ko sa kaniya nang makarating kami. Agad niyang dinaluhan ang anak at siya na ang sumama papasok sa loob.

Naghintay nalang ako sa malapit na bench at tinext si tito na sabihan ako kapag stable na ang lagay ni Kiran.

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now