43 Book

1 0 0
                                    

Kiran Lin

"So what do we do now?" tanong ni Yivie nang makarating kami sa front gate nila.

I held her hand and smiled as I faced her. "I'll court you." I said. It's a statement, not a question.

Gulat akong tinignan ni Yivie na namumula ang mukha. Smile is visible on her face as she nodded in response.

Binitawan ko siya at kumaway. "Pumasok ka na. I'll see you tomorrow at the cafe." ako at hinintay siyang makapasok sa loob.

When I got home, agad akong naglinis ng katawan at humiga na sa kama. Tila nagkaroon ng screening sa utak ko at bigla na lang nagsulputan ang mga nangyari kanina.

Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang aking braso at pinilit ang sarili kong matulog.

Tangina.

Nag-ingay na ang alarm clock ko at lahat pero hindi man lang ako nakatulog.

Bahala na nga.

Bumangon na ako at parang lantang gulay na gumagawa ng cereal.

"Kiran. Hindi ka ba natulog?" ani Dad na kalalabas lang sa kuwarto niya. Mukhang may lecture siya ngayon dahil bihis na siya.

Tumango lang ako bilang sagot. Pumasok siya sa kitchen at gumawa ng sariling breakfast bago nagtanong. "Narinig kitang pumasok kagabi. It was late pero mukhang may magandang nangyari kagabi kaya hindi na kita inistorbo. Ni hindi mo nga ako napansin sa sala." mataas niyang sabi. Geez, naghintay siya kagabi?

Akala ko ay hindi na siya magtatanong ngunit nagkamali ako." What happened? You were smiling all the time since you entered the house." Hindi ako nainform na magkakaroon ako ng interview ngayon.

I stopped eating my cereals and told Dad what happened. Tahimik lang ang naging tugon niya- or so I thought.

"Malaki na ang binata ko! Nako, siguradong proud sayo ang Mom mo. Pero anak, sino ba ang malas na babae?" kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi pero hindi ko na iyon pinansin at sumagot. "It's Yivie."

He was silent so I looked at him. He stopped pouring his milk on the bowl at malambot akong tinignan. He patted my back saying, "Take good care of her, Kiran." aniya.

Hindi ko siya sinagot. Of course, I would. There's no need to tell him that.

Pagkatapos naming magligpit ay sabay kaming umalis ng bahay. We parted ways and bid our goodbyes.

"Good morning." bati ko sa mga kasamahan ko. Mukhang si Kyer at Dyen pa lang ang nandito.

Binati rin nila ako habang papunta sa locker room. Sinuot ko ang uniform at ang apron saka lumabas.

Nang makalabas ako ay timing naman na pumasok si Yivie sa cafe. I smiled at her and she replied with a wave.

After doing my assignments, I went to the coffee bar and made a Latte for Yivie.

I unconsciously drew a heart for the Latte art but as soon as I realized what I did, I quickly drew a line at the center to make it look like leaves on a branch.

Nilingon ko sina Dyen at Kyer na panay ang ngiti ngunit hindi ko alam kung nakita nila iyon o hindi.

Pinatong ko na sa tray ang Latte at hinatid iyon kay Yivie.

"Hey." tawag ko habang nilalapag ang cup sa table. Gulat niya akong tinignan at mukhang hindi niya napansin na kinuha ko ang notepad niya saka ang ballpen and wrote:

P. S I still love you by Jenny Han, page 143. :)

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now