18 Bottled Up

9 2 1
                                    

Yivette Kessler

"Why? Love, sandali lang pag-usapan muna natin to." pagsusumamo niya. Rinig ko ang pamamaalam niya sa mga kasama na lalabas muna siya.

"Mike, I just... I can't do this anymore." unti-unting lumabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang namumuo rito.

Nasa labas na ako ng cafe kaya malaya na akong makakaiyak dahil hindi nila ako maririnig.

"Yivie, kaunting tiis nalang, makaka-uwi na ako diyan." I can hear his voice shake. Kaunti? Eh first phase pa nga lang ng contest.

I bit my lip as I try not to make a sound.
Nanlambot ang tuhod ko dahil sa paglabas ng mga emosyon na matagal ko nang tinatago.

"Mike, I know. Pangarap mo ang hinahabol mo. I know it's important for you. Alam kong sa simula pa lang ay planado na ang buhay mo, pero Mike... Kasali rin ba ako sa mga plano mo? Hindi. " Pakiramdam ko ay binuhos ko na ang lahat ng lakas ko dahil sa mga mabibigat na katagang iyon.

I feel so useless.

"I met you while you were chasing your dreams Mike. But now that you are actually close to reaching it, I feel so..... Invisible." halos dumugo na ang ibabang labi ko dahil sa pagkakagat ko rito para lang hindi lumikha ng ingay. Ngunit kahit anong pigil ay pilit parin na lumabas ang mga hikbing naipon simula nang umiyak ako.

"Yivette, you know that I'm doing this for you, for us. For our future." narinig ko rin ang paghikbi sa kabilang linya. Umiling ako at pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pag labas.

"No, you're doing this for yourself. Please, Mike. Just let me go." hinigpitan ko ang paghawak sa phone ko at patuloy na umiyak habang nakatungo.

"Yivette.. Please.." his voice cracked as he called my name. "I'm sorry." ako at agad na pinatay ang tawag.

My thoughts were lost and all I knew was the pain that I bottled up inside.

Ang pakiramdam na paulit-ulit kong naramdaman na hindi ako importante, yung parang bang extra lang ako sa buhay niya.

All of those things, I just had to let go.

Bumalik na ako sa loob ng cafe nang matapos kong ayusin ang sarili. Niligpit ko ang mga gamit ko at dumungaw sa kitchen. Naroon parin sila at nagpatuloy sa pag-uusap.

"I'm heading out first. Don't worry about me, I'm fine. I just had something to do so I need to go." tinext ko si Iza nang makalabas na ako sa cafe. Tinext ko rin si Ann at sinabing magkikita parin kami bukas.

I composed myself so I could go home without stumbling over a rock dahil sa mga luhang ayaw magpaawat.

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now