22 Her Scar

11 2 0
                                    

Yivette Kessler

Nanginginig ang buo kong katawan nang marinig ko ang pagputok ng oven at agad itong nag-apoy.

Hindi ako makahinga ng maayos at pakiramdam ko ay nasasakal ako.

"Yivette!" kinuyom ko ang mga kamao dahil sa alaalang nanumbalik. Hindi ko na alam ang mga nangyari dahil bigla nalang nagdilim ang paligid.

"Yivette, lumabas ka na!" sigaw ni Mom. But I didn't dare to move. I saw her lying on the floor, and I just can't leave her behind. I grabbed her hand and hugged her. Nabagsakan siya ng mabigat na aparador at hindi siya makagalaw.

"No... No... I won't leave you here. Dad!" tawag ko kay Dad, nagbabakasakaling makahingi ito ng tulong ngunit halos pareho lang rin sila ng sitwasyon ni Mom. Napasigaw ako nang biglang mahulog ang ilang parte ng bubong na natutupok na ng apoy.

"No..." paulit ulit kong sabi habang mas hinigpitan ang hawak kay Mom. She hushed me and smiled. "I'm sorry anak, we should've been better and more attentive to you." hinaplos niya ang mga pisngi kong binabaha na ng luha.

"No, Mom, don't say that." Umiling-iling ako kasabay ng mga hikbi. I looked at Dad na nasa kabilang parte ng kuwarto at natatabunan ng natupok na kahoy ang ibabang bahagi ng katawan niya. I can't bear to see my family die. I shouted for help ngunit ang tanging naririnig ko lang ay ang mga hikbi naming tatlo. I feel so hopeless.

I shouted more and more, but to no avail. Sisigaw pa sana ako nang biglang bumigay ang parte kung saan naiipit si Dad. I screamed.

"NO!"

I opened my eyes as I catch my breath.

"Yivette!" I heared my aunt's voice. Pinakiramdaman ko ang paligid. Naamoy ko ang ethanol at huhulaan kong nasa ospital ako.

Nilibot ko ang paningin at nakita si Tita Nana at sina Iza sa gilid ng kama na hinihigaan ko.

I stared at her and my eyes started to water again. Ayoko nang balikan ang mga alaalang iyon. Humarap ako sa kabilang dulo ng higaan dahil naramdaman kong tutulo nanaman ang mga luha ko.

I heard their footsteps as they left the room ngunit ramdam ko parin ang presensya ni Tita.

I faced her at bumangon. Lumapit siya sa akin at niyakap saka ko binuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

"Nana, spare me please..." pagsumamo ko sa pamamagitan ng mga hikbi.

She hushed me and brushed my hair. She started humming the melody that she always used kapag nagkaka seizure ako. Just like the old times. Ayoko nang bumalik sa nakaraan.

Naramdaman kong humupa na ang mga luha ko at nang mapansin iyon ni Nana ay maingat niyang inalis ang mga luha sa mata ko.

"You'll be fine, I'm here." hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko at pinagpatuloy ang pag huni hanggang sa naramdaman kong unti-unti na akong nakatulog.

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now