46 Opportunity

4 0 0
                                    

Kiran Lin

After a few days of being together, I discovered many things about Yivie which only made me love her more.

Ilang araw na rin mula nang magsimula akong tumugtog ng solo acoustic guitar sa cafe. I decided to give it a try since Iza suggested it at hindi naman masama. It's a win-win situation.

"Kiran, may tumatawag sa'yo." ani Mikaela na nakadungaw mula sa locker room. Break time niya kaya siya nandoon.

Kinuha ko ang phone mula sa locker at tinignan kung sino ang caller. It was an unknown number pero sinagot ko parin.

"Yes?" ako. Namayani ang katahimikan sa kabilang linya. Ibababa ko na sana ang tawag ngunit ilang minuto pa ay nagsalita na rin ito.

"Is this Kiran Lin?" tanong ng caller na may mababang boses. I confirmed my identity and he continued. "I'm Jules Gordon from **** company, I wanted to ask if you are willing to be scouted by us?" hindi ko inaasahan ang narinig. But isn't this a scam? Besides, kung talagang gusto nila akong i-scout, hindi ba't dapat ay personal nila akong alukin?

"Ah, sorry. I should've mentioned this first. I'm on my way to your work place. Inuunahan ko lang ang ibang kompanya. You're a big catch, you know?" he said which gave me reassurance. I'm still not sure kung tatanggapin ko ang offer niya kaya nagpaalam muna ako at mamaya ko nalang siya kakausapin kapag nakarating na siya.

Sumangayon naman ang huli kaya lumabas na ako at bumalik sa trabaho.

While working, hindi ko maitago ang malalim na pag iisip dahil napakalaki ng oportunidad na ito para sa akin.

"Hey, anong iniisip mo?" ani Yivie nang maihatid ko na ang Latte sa table niya. Umupo ako sa tabi niya at sumenyas kay Iza na magb-break muna ako.

Pinaliwanag ko kay Yivie ang tungkol sa scouting at naintindihan niya naman ang pinupunto ko. "It's okay, as long as you're happy with it." aniya. Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya.

I'm so lucky to have her.

"I'll need Dad's opinion though." ako at bumaling sa kararating lang na si Mikaela na may kasamang lalaki.

"Hinahanap ka, Kiran. Jules Gordon raw ang pangalan." ani Mikaela at nanghihinalang tinignan ang katabi.

Pina-upo namin si Jules sa bakanteng upuan ng table ni Yivie. Umalis na si Mikaela at nagpatuloy sa ginagawa.

"So, Kiran Lin? Yes." nagkatinginan kami ni Yivie dahil sa pagsagot niya sa sariling tanong. This guy is wierd.

"You probably know me by now dahil tinawagan na kita kanina. So, what do you think about my offer?" aniya. Maingat akong tumingin sa kaniya at ngumiti. "I need to think about it first." ako.

May kinuha siya sa bulsa niya at binigay ang isang business card.

"Contact me kapag nakapag-desisyon ka na." Aniya at tumayo. Tumayo na rin ako at hinatid siya palabas ng cafe.

Nakita ko siyang kumaway sa isang babae na naka shades at may dalang envelope. Sumimangot naman ito at pabalik-balik ang tingin sa akin at sa dinaanan ni Jules.

" So he got here first." aniya nang makalapit. Taka naman akong tumingin sa kaniya nang may iniabot siyang business card. Katulad ito ng business card ni Jules ngunit ibang kompanya ang nakalagay.

"If you change your mind, just call me." aniya at tatalikod na sana ngunit tinawag ko siya.

"Won't you at least push me to sign with your company?" ako. Binigyan niya ako ng maliit na ngiti at nagsalita. "Artists shouldn't be forced. Besides, I know you'll be fine whatever company you'll choose. You're a big catch, you know?" I tilted my head when I heard the last part. Sinabi rin iyon ni Jules.

"I don't understand why you're saying that I'm a big catch." Lumapit siya sa akin at tinapik ang likod ko. "You are a talent that deserves to be known. Besides, marami kang fans kahit hindi ka nakapirma sa isang kompanya. That alone makes you a different artist. You're already shinning and our company's job is to guide you to stay sane while helping you reach the top. " mahaba niyang sabi ngunit lahat ng iyon ay tumatak sa isipan ko.

Muli ay sumilay ang ngiti sa mukha niya at tuluyan nang umalis.

Napatingin ako sa hawak kong business card na mula sa babae at nakita roon ang pangalan niya." Thalia Gordon. " bulong ko at muling napatingin sa card.

Gordon? Magkapatid ba sila ni Jules?

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now