35 Event

5 1 0
                                    

Kiran Lin

Pagkatapos naming kumain ay nagsi-uwian na kami. I offered to walk Yivie home pero sabi niya ay ihahatid na raw siya ni Mike.

Kahit saang angulo tignan, mali talaga ang nakita ko kanina.

"Hey. Are you playing with her?" tanong ko kay Mike nang magtagpo kami. Umangat ang gilid ng labi niya at tinignan ako na parang naaaliw.

"Dude. Chill. I'm not playing with her." aniya at umalis na.

Pumasok na ako sa bahay at naglinis ng katawan. Hindi ko namalayan ang oras at nang tinignan ko ay malapit na palang magalas-diyes.

Umalis kami kanina sa village dahil magsasara na ang mga stall pero inimbitahan ako ng tatlo na magtagal muna. Now I regret, naglakad-lakad lang naman kami pauwi.

"Geez. Ang wierd ng araw ko." bulong ko sa sarili at natulog na.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil babalik na ako sa cafe.

Nang dumating ako ay wala akong nadatnan na staff, siguro ay nasa kitchen sila. Besides, maaga pa rin naman.

"Welcome back!" napaatras ako sa gulat dahil bigla silang nagsilabasan nang pumasok ako sa kitchen.

May hawak silang mga balloon at may mini cake rin. Wait- is that Blueberry cheescake?

Geez, what's with this cheesiness?

"Anong pakulo ito?" blankong mukha ang iniharap ko sa kanila. Nawala naman ang mga ngiti sa labi nila at nagsitalikuran at aalis na sana.

Umubo ako at agad silang lumapit. Napalitan ng pag-aalala ang mga mukha nila.

Napangiti ako dahil sa inakto ng mga kasamahan ko. "Joke." I said and laughed out loud dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon nila.

"Akin na yung cake!" sabi ko bago pa sila magsilayas.

Nilapag iyon ni Kyer sa kitchen counter at umalis ng pabiro pero agad rin siyang bumalik kasama ang iba pang staffs kanina.

Nagsitawanan kaming lahat at binati nila ako ulit. They stayed for a while para magtanong tungkol sa lagay ko and a few minutes later, bumalik na kami sa trabaho dahil magbubukas pa kami.

Now that I'm back, hindi na masyadong nakaka-stress dahil kahit papaano ay nakakalimutan ko ang mga problema ko.

As usual, pabalik-balik ako sa kusina at sa tables. Napa-isip ako saglit nang mapagtanto ko na hindi ko nakita si Yivie.

Kanina rin sa surprise ng staffs, wala siya.

Nilapitan ko si Dyen na siyang pinakamalapit, at nagtanong. "Nasa publishing company raw siya, sinusundo si Ann. May meeting rin sila dahil sa book signing event ni Yivie." aniya. Tumango lang ako at bumalik na sa trabaho.

Hindi masyadong marami ang mga customers ngayon dahil walang schedule ang banda kaya madali ko lang napansin ang pagdating nina Yivie at Ann.

Hinatid ni Kyer ang kape nila. Nagtagal roon si Kyer kaya nag-aalala kong tinignan ang customers pero wala namang bagong dumating.

Pumunta ako sa locker room at doon nagpahinga.

Habang sinasandal ang ulo ko sa head rest ay sumulpot si Mikaela at sinabing, "Huwag ka nang mag-break magsasara na rin naman." aniya. Napatingin ako sa orasan at nakitang magsasara na nga ang cafe.

Bumalik ako sa labas at nadatnan ang mga staff na nasa kitchen counter at kumakain ng treats. Pati rin sina Yivie at Ann.

"Since first time nating mag-hold ng event dito sa cafe, we need help from your company, Ann." ani Iza. Mataman lang akong nakikinig sa usapan nila. Ganoon rin naman sina Mikaela, Dyen, at Kyer. Although paminsan-minsan ay sumasali si Kyer.

"Oh, Kami na ang bahala sa program, limited lang rin ang mga tao na pwedeng dumalo. You can take care of the foods, and for the event, we can ask for the band's guitarist to play. Is that okay? Don't worry, ang company ang magbabayad sa lahat." ngiti ni Ann. Hindi na humaba pa ang usapan at agad silang nagplano.

The event will be held on the next two weeks kaya medyo mahaba-haba pa ang oras namin.

We then talked about the decorations, the foods we can serve, so on and so forth.

Matapos ang pag-uusap ay namaalam na kami sa isa't isa.

Finding Me In YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz