25 Visitation (1)

4 1 0
                                    

Kiran Lin

Hindi kami nakapag usap ng maayos ni Hanna dahil tinawag na ako ni Mikaela na nagpapatulong sa pagkarga ng bagong dating na mga ingredients.

"Guys! Let's eat!" tawag ni Kyer nang matapos ang trabaho. Nagtipon kami sa isang mahaba na table.

"I'm Hanna Castañeda, the owner of this cafe. You can just call me 'Hanna'. You probably don't know me by name since I'm not frequent here." ani Hanna. Nagpakilala naman kami ng mga kasamahan ko.

"Ah, Kiran, this seems to be a good time to explain about the cafe." ani Iza. Tumango naman ako at ininom ang kape habang nakikinig.

"So, As you already know, Hanna is the owner. Kyer and Dyen are the baristas pero si Kyer palang ang graduate. Ako ang Pastry chef, of course graduate na ako ng patisserie. Si Mikaela naman ang part-timer na nag-aaral pa kaya minsan ay hindi siya nakakapasok. Then, kilala mo na naman si Manager Bliss, diba? " Of course, how can I forget the wierdest manager.

Tumango ulit ako." And about the late comers. They help with the cleaning at the end of the day. " oh, so that explains why Mikaela asked that during my first day.

Nagpatuloy na sila sa pag-uusap. Mostly tungkol sa trabaho. Napag-alaman kong may sariling restaurant si Hanna sa US at ang cafe na ito ay nakapangalan lang sa kaniya pero nakalaan talaga ito para kay Kyer.

"Bye guys!" Namaalam na kami sa isa't isa. Ako naman ay dumiretso na ng uwi dahil lumalalim na ang gabi.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Dad sa sala. Nakaupo ulit siya sa rocking chair ni Mom.

"Dad, matutulog na po ako pagkatapos kong maglinis ng katawan. Goodnight." ako. Hindi siya sumagot at tingin ko ay nakatulog na sa upuan.

Nang matapos ako sa gawain ay tinignan ko muna si Dad at tama nga ang hinala ko. Nakatulog nga siya sa rocking chair.

Kinuha ko ang kumot sa kuwarto niya. Habang kinukuha iyon ay napatingin ako sa pintuan na hindi ko nabuksan noong nakaraan. Parang may nagtutulak sa akin na buksan ang pintuang iyon ngunit mas naunahan ako ng pagod kaya pinili kong ipagliban na muna.

Tinignan ko muna ang mapayapang mukha ni Dad at saka siya kinumutan.

Nagising ako kinaumagahan dahil sa ingay.

"Hello sir Henri!" rinig ko ang boses ng babae. Teka, babae?

Napamulagat ako at saka dire-diretsong tumayo at binuksan ang pinto. Shit, akala ko si Mom.

Pero tangina, sa lahat ng pwedeng makita ako na bagong gising, bakit si Yivie pa?

Nang mapansin ko siya ay napagtanto kong akma niya sanang bubuksan ang pintuan ng kwarto ko. Agaran ko itong sinara at tumalikod mula rito.

Bakit siya nandito?!

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now