39 Unsure

2 0 0
                                    

Kiran Lin

Nakauwi na ako sa bahay at agad na nagbihis. Kinuha ko ang gitara at sinimulan iyong kaskasin.

Nope, but I am willing to date someone.

Putek.

Marahas akong tumayo at binalik ang gitara sa stand.

Napagdesisyunan kong lumabas muna para makapag-isip. Maybe I just need some fresh air.

I went to the streedfood village ngunit agad rin akong napahinto nang makita ko sina Yivie at Mike.

I suddenly felt uneasy and I don't know what to do. Blanko ang isipan at hindi alam ang gagawin.

Bakit sila magkasama?

Bakit sila tumatawa?

I could feel my hands form into a fist but I held it in. Malakas akong bumuga ng hangin dahil biglang sumikip ang dibdib ko at sumakit rin ang sintido ko. I realized that many things happened to me at wala akong pahinga.

Siguro ay dahil lang ito sa pagod.

But when I looked at them again, I felt my heart tighten. Lalo na nang magkalapit ang mukha nilang dalawa. If it was seen in another angle, they'd look like they're kissing pero may binubulong lang si Mike sa kaniya.

I tried calming myself down. She's her boyfriend, Kiran.

Pero sabi ni Yivie kanina ay wala itong boyfriend.

Paulit-ulit ko iyong sinabi sa isipan at lakas loob na tumungo sa table nila.

"Hey." I tried to sound so natural. They looked at me at halata ang pagkagulat sa mukha ni Yivie samantalang si Mike naman ay tila aliw na aliw sa nakikita.

"Hi. I'm Mike. If you don't remember. I'm the guy who came with Yivie the other day when I saw you with Nicci." Parang tanga, alam na alam ko kung sino siya at kung ano ang titulo niya sa buhay ni Yivie.

"Yeah, I figured out." peke akong ngumiti at nilagpasan ang table nila. Babayaran ko na sana ang kwek-kwek nang may biglang nag-abot ng barya.

I looked at the owner of the hand and saw Yivie standing beside me.

"Nasaan na si Mike?" taka kong tanong at lumingon sa paligid. Inabot naman ni ale ang kwek-kwek kaya kinuha ko ito.

Bumili rin si Yivie at umupo kami sa table na nasa gilid ng stall na iyon.

"Mauuna na raw siya." aniya. Nagsimula na siyang kumain kaya hindi na ako nagsalita.

Medyo lumalalim na ang gabi kaya inaya ko siyang maglakad na pauwi. As usual, ihahatid ko siya sa bahay nila.

Habang naglalakad ay may nakatagpo kaming aso. Yivie immidiately kneeled down to pet the dog. Nagpaumanhin naman ako sa may-ari.

"Ano po ang pangalan niya?" may ngiti sa mukha ni Yivie nang tanungin niya ito. The owner smiled back and replied, "Aishi."

"Ang cute! Katunog niya yung japanese ng 'i love you'." saad niya. Napatawa naman ang may-ari ng aso who introduced herself as Venice. "Alam mo po ang Japanese ng 'i love you'?" tanong niya at nakayukong tinignan si Yivie.

Patuloy parin ang pakikipag-laro ni Yivie sa aso at tinignan si Venice na may ngiti sa mukha. "Oo.." she paused and looked at me. "Aishiteru." Her stare was long and I almost thought na may kahulugan iyon but I stopped myself from unecessary thoughts at nag-iwas ng tingin.

"Mauuna na po kami. Thank you po!" magalang na paalam niya kay Venice at kumaway naman kay Aishi.

We continued walking until we reached her front gate. "Kiran." tawag niya sa akin. lumingon naman ako at pinabayaan siyang magsalita.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya. Hindi ako kumibo at tumingin lang sa kaniya.

She showed me the smile that I saw when I first saw her. The bright smile that she had when she was talking to Mike.

I was dumbfounded for a while ngunit nang makabawi ako ay hindi naman ako makapag-salita.

"If you are, please stop. Hindi ko alam kung bakit, but I don't like it when you don't talk to me or when you give me the cold shoulder." she answered her own question. Nang hindi parin ako nagsalita ay huminga siya ng malalim at pumasok na sa loob.

The gate infront of me closed right at my face. I honestly don't know what to say to her dahil pati ako ay nalilito kung bakit hindi ko siya pinapansin.

Everything is new. the feeling and emotion is new.

"I'm sorry." bulong ko sa hangin at nagsimula nang maglakad pauwi.

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now