36 Preparation

2 0 0
                                    

Kiran Lin

Days came by at isang week nalang ay gaganapin na ang event sa cafe. It's planned that the first week is for preparation sa program, although it was planned ahead already. Then, ang second week ay para sa pagd-decorate and prepare sa venue.

Napagdesisyunan rin na ang mini stage na para sa banda ang gagamitin para doon pumwesto si Yivie.

Before these two weeks, the company planned to give some freebies, which is Yivette's book. Sold-out ang limited tickets para sa book signing event. And according to them, there'll be 35 fans and 4 medias.

Like what they planned, they hired the band guitarist for the reading part of the program, ito yung part na magbabasa si Yivie ng ilang bahagi ng libro niya.

After that, they will allow limited questions from the media and give limited time frame for the readers to ask.

And since this week ang pagd-decorate, isinara namin ang cafe. Malaki rin kasi ang ibinayad ng publishing company kaya hindi kami malulugi.

"Iza, Nasaan yung mga flower pots para sa backdrop?" tanong ko dahil mabigat-bigat ang bagay na iyon. "Nasa labas. Paki lagay nalang doon Kiran. Thanks." aniya.

Busy sila ni Kyer sa pagsasabit ng tela, habang sina Ann naman ay busy sa pagc-contact sa mga kasama niyang organizers ng event.

Tumutulong lang kami sa man power although may mga organizers naman sila.

Lumabas ako at kinuha na ang flower pot. Marami iyon kaya pabalik-balik ako sa labas at loob.

Dadamputin ko na sana ang isang pot nang mapansin ko ang pigura ng isang tao. Naka-hood siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pasulyap-sulyap siya sa loob na animo'y may hinahanap.

Sinubukan kong sipatin ang mukha niya at kinalabit siya. "Sino po-" putol kong sabi.

Humarap siya at tinanggal ang pagkakasuot ng hood. Geez, si Mike lang naman pala.

"Nasa loob si Yivie kung siya ang hinahanap mo." malamig kong sabi. Tinapik niya ang balikat ko at pumasok na sa loob.

Nagpatuloy nalang ako sa pagbubuhat ng flower pot at inilapag iyon sa puwesto na sinabi ni Iza.

Dahil tapos na naman ako sa gawain ko at wala pa ang mga organizers, pumunta ako sa coffee bar at gumawa ng Latte.

Ginawa ko ang mga tinuro ni Kyer at hindi ko inakalang magiging maayos ang kinalalabasan noon.

Habang iniinom ang Latte ko ay lumibot ang tingin ko sa kabuoan ng cafe. Busy ang ibang staffs dahil sa mga ibinilin ng organizers na ip-prepare.

Dumapo naman ang tingin ko kay Yivie at Mike na pribadong nag-uusap.

Nasa secluded area kasi sila ng cafe.

Bigla kong naalala ang nakita ko sa streetfood village at ang sinabi ni Mike.

Hindi niya raw pinaglalaruan si Yivie, eh ano ang ginagawa niya?

"Hoi. May gusto ka ba kay Yivie?" halos mabilaukan ako sa tanong na iyon. Hinarap ko ang nagmamay-ari ng boses.

"Ang halata mo." tawa ni Dyen. Teka- ano ba ang pinagsasabi nito?

"Sinabi ko ba na may gusto ako sa kaniya?" ako. I leaned on the coffee bar counter and drank my Latte as I raised my eyebrow.

"You just did." aniya na hindi ko maintindihan. Hindi pa ako nakakabawi nang agad siyang magsalita. "Siya nga pala, nagpapatulong si Iza sa likod para sa mga kakargahin." aniya at umalis na.

Habang tumutulong ay hindi maalis sa isipan ko ang tanong ni Dyen.

May gusto ba ako sa kaniya? No. She's a friend. She sees me like that. And it's enough.


Finding Me In YouWhere stories live. Discover now