29 Him

3 0 0
                                    

Kiran Lin

Bumalik ako at hinarap si Yivie.

Pilit kong kinalimutan ang nangyari at namaalam na. Aalis na sana ako nang bigla niya akong tawagin.

"Hindi ko na sana itatanong pero, tinapon mo ba ang mga gitara mo?" tanong niya. Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Gitara? Ano naman ang gagawin ko sa gitara- Shit.

I winced in pain when my head throbbed.

"Hey, okay ka lang?" tanong niya. Tumango lang ako at pilit tinatago ang sakit. Ngumiti ako at saka hindi na pinansin ang tanong na iyon.

Mabilis kong nilakad ang daan pauwi. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil sa tanong na iyon.

Pagkauwi ko ay hindi ko nakita si Dad. Napansin ko lang ang sticky note na nakadikit sa kitchen counter.

Nakasaad rito na may guest teaching raw siya. Napatingin ako sa sticky note.

Dumiretso ako sa kuwarto ni Dad. Tinignan ko ang pintuan at pinihit ang doorknob saka binuksan iyon ng walang anu-ano.

Lumantad sa akin ang maalikabok na kuwartong puno ng gitara, mga camera, computers at mga stands.

Naramdaman ko ulit ang pagsakit ng ulo ko. Gayunpaman, pinasok ko parin ang kuwartong iyon.

Mabilis kong kinalkal ang mga kagamitan at nahanap ang isang box na puno ng mga memory card. Napagtanto kong para iyon sa camera kaya kumuha ako ng isa at sinaksak ang memory card. Tinignan ko ang loob noon.

Napatunganga ako sa nakita.

This is me.

I'm playing a guitar.

What the heck happened?

Sinaksak ko ang iba pang memory card ngunit pare-pareha lang ang laman- mga guitar covers.

I used to play guitars. But what happened?

Huling memory card. Kabado ko itong sinaksak sa camera.

I was strumming the guitar but I suddenly stopped. I heard a caller ringtone on the backround.

Nakita ko kung paano ko binalewala ang tawag na iyon at bumalik sa paggigitara.

But the caller didn't stop. I answered it.

Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa nakita. Mas tumindi naman ang sakit ng ulo ko. Pero tiniis ko iyon at tinapos ang clip.

Few minutes of silence and I saw myself rush outside.

Hindi ko na kinaya ang sakit at napahawak na ako sa ulo. Nakaramdam ako ng pagkahilo at hindi ko na alam ang nangyari dahil bigla nalang nagdilim ang paligid.

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now