04 Chances

32 5 17
                                    

Yivette Kessler

Man, I hate this.

I don't usually cry this much. I broke up with him because I know it will be better for the both of us.

I'm glad. I am happy kasi finally mangyayari na rin ang hinihintay ni Mike. I know how important his dream is. Alam ko ang hirap na pinagdadaanan niya habang pinagsasabay ang banda at ang pagtatrabaho dahil siya lang ang inaasahan ng pamilya niya. Kaya hindi ko kayang papiliin siya dahil mabigat na nga ang dinadala niya, mas magpapabigat pa ba ako?

But why does it hurt so much? Maybe because I know him very well- na kung papipiliin ko siya, alam kong mas pipiliin niya ang pangarap niya.

'Geez, crying at a café? She's ruining the ambiance.' rinig ko ang bulungan ng mga costumer na malapit sa table ko.

Dang, dapat sa bahay nalang ako dumiretso.

I wiped the tears flooding on my face at tinaggal ang pagkakatakip ng libro sa mukha ko. I was about to go nang mapansin ko ang Latte at supot na hindi ko alam kung ano ang laman.

Hmm?

Latte? Pero hindi naman ako umorder. Lumapit ako sa cashier at tinawag si Dyen. Isa siya sa mga malalapit na kaibigan ko sa café na ito.

"Dyen, nagkamali ka yata ng serve. Hindi kasi ako umorder." sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at siniko ako.

"May nanliligaw ba sa'yo? Kape mo yung nasa table. Binayaran ng gwapong lalake kanina. Humingi rin siya ng papel at ballpen at mukhang siya rin ang nagbigay ng pagkain na iyon." sabay turo sa supot na nakapatong sa table ko.

Tinignan ko ang loob ng supot. Blueberry cheese cake? Kung sino man ang nag-iwan nito malamang ay nakita niya akong umiiyak. This is so...

'You might have had a bad day, but it's not the end of the world. Cheer up. :)'

....embarrassing.

Just who the heck left this here? I can feel my cheeks burning up.

This is super embarrassing!

"Dyen, kilala mo ba ang nag-iwan nito dito?" lapit ko ulit sa kaniya nang matapos kong inumin ang Latte. Balak ko sanang kainin sa bahay ang cheese cake.

"Hmm, tanungin mo si Iza. Siya ang full-time worker dito. Pero minsan nakikita ko siya tuwing umaga. Not sure though." Aniya at ngumiti saka tinawag si Iza na ngayon ay pinupunasan ang mga cup.

"Iza, kilala mo ba 'yung nagbigay ng Latte kay Yivie?" si Dyen nang lingunin kami nito. She shrugged, "Ang alam ko lang ay isa siyang regular costumer dito. Ask Mikaela. For sure she has additional information." Mga kaibigan ko ba talaga ito? But somehow, they made me feel better.

"Mikaela, spill it." She looked at us at ngumiti na parang may balita siyang dala. Mas lumapit pa siya sa amin at tila bumubulong. "Regular customer siya dito. But that was before. I heard something happened to him then after that, hindi ko na siya nakita ulit dito. But I guess tama yung mga usap-usapan kasi ngayon, bumalik na siya sa café. I wonder what happened to him though." Ani Mikaela. This girl. Dinaig pa ang mga journalist.

"Bakit niyo nga pala naitanong?" dagdag pa nito. Pasok na pasok talaga maging journalist. "Ah, wala. Manliligaw ni Yivie." parang wala lang na sagot ni Dyen.

Hindi ko na iyon pinansin at nagpaalam nalang na uuwi na.

Napabuntong hininga ako habang naglalakad sa gilid ng eskinita.

What a day. But at least, I have a Blueberry cheese cake to enjoy pag-uwi. I should definitely repay him for this.

Hindi pa ako nakakalayo nang may biglang humalbot ng kamay ko. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang mukha niya.

"Mike." Wala akong masabi. Sinaktan ko siya at ayoko na siyang saktan pa. But then he looks so desperate right now. Tell me, what should I do?

"Love, I can't - no. I won't let you go." Now what? Kakasabi ko lang na ayoko na siyang saktan ulit. Bakit niya pa ito ginagawa?

"Mike, I'm sorry, I can't." Napatungo nalang ako nang sabihin ko ang mga katagang ito. I can't bear to see him struggling. I felt him tighting his grip. He took my other hand and held it close to him.

"Love, I know you don't want a long distance relationship. But can't we at least try?"

Again, what can I do if he's this desperate? I smiled half-heartedly.

"Okay. We'll try."

Is it a sin to keep wanting to see you smile once again?

Finding Me In YouWhere stories live. Discover now