Prologue

170 19 0
                                    


"Oh my God! " inis na sabi ko. Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko at lumabas ng cr. Anong ginagawa dito ng lalaking to. Akala ko ba nasa ibang bansa ito ngayon.

"Tsk..." sabi nito sa akin. At mabilis na isinarado ang pinto. Paano ba naman kasi ihing ihi na ako kaya dumiretso na ako dito sa cr tapos nandito pala tong lalaking to. Maya maya ay lumabas na rin ito mabuti naman at may suot na siyang damit .

"What are you doing here Pearl?" tanong nya sa akin.

"I should be the one asking that anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa ibang bansa ka ngayon?" sabi ko sa kanya. Mabuti pa ay umalis na ako rito. Bakit ba kasi nandito tong lalaking to. Akala ko pa naman nasa New York ito upang bisitahin ang tita nya.

"As far as I know pamamahay namin ito. Wait where are you going?" tanong nya akin,nang mapansin nya siguro na paalis na ako habang hila ang mga maleta ko kaya humarap ako sa kanya. I should know na nandito sya,I know Ashley do this on purpose. Inirapan ko na lang siya, hindi naman nya iyon napansin dahil naka tingin sya sa dalawang maletang dala ko.

"Duh! Obvious ba nandito ka so aalis na ako. Nakaka inis kaya pa naman ako pumunta dito dahil alam kong hindi ako matutunton nila daddy dito tapos nandito ka pala. My god lumayas pa naman ako dahil nalaman kong ipapakasal raw ako sayo. Like.. Nababaliw na ba sila?" nakakainis naman kasi naglayas nga ako para makatakas tapos nandito pala itong lalaking to. Paano ba naman kasi narinig ko sila Daddy na naka plano na raw ang kasal namin ni Achilles eh alam naman nilang kinaiinisan ko tong lalaking to.

"Para namang ginusto ko ring makasal sayo" sabi niya sa akin kaya tinignan ko siya na matalim. Wow huh! Parang siya pa yung lugi. Hiyang hiya naman ako.

"Alam mo wala nang patutunguhan tong usapan na to mabuti pa aalis na ako" Pikon nang sabi ko sa kanya at lalakad na sana ako ng pigilan niya ako.

"Wait kung babalik ka sa inyo hindi ba mas malalagot ka. Mas may posibilidad na madaliin nila ang kasal." sabi niya na nakapagpatigil sakin. What hindi ko naisip yon ah.

"I have a suggestion let's have a deal. Dumito ka muna at mananahimik ako, hindi ako mag sasalita. Pero in one condition tutulong ka sa mga gawain dito okay hindi ka namin guest" seryosong sabi niya kaya napaisip ako. Ayos lang naman sakin dahil nasanay naman ako sa bahay na tumutulong sa mga katulong namin.

"Fine pero madadali lang hah hindi naman kasi naman ako sanay sa mga mabibigat na gawain. You know Im a little bit clumsy" sabi ko sa kanya at tinaas ko pa yung kamay ko para makipag hand shake. Tinanggap naman nya iyon

"Deal you can use Ashley's room" sabi niya sa akin. Alam ko na naman na yung room ni Ashley ang gagamitin ko kaso hindi ko alam kung san ba yung room nya.

"What?" tanong nya ng mapansin na nakatigil lang ako.

"Ahm.. San ba yung room ni Ashley?" Tanong ko sa kaniya.

"Tsk.. Sa taas ang room ni Ashley first room na makikita mo ayun ang room ni nya" sabi niya sa akin tsaka siya tumalikod.

Umakyat na ako sa taas, mabilis ko namang nakita ang room ni Ashley. Nang makapasok ako sa room nya ay namangha ako sa interior design ng room nya simple lang pero may dating. Mabilis kong tinignan ang Walk in closet nya.

"Uhm.. Sakto na to para sa mga damit ko." Binalikan ko yung mga maleta ko, mamaya ko na lang maayos tutal pagod pa ko.

Tinungo ko ang banyo, sobrang laki nito at relaxing kaya naisipan kong mag halfbath na lang muna.

Gusto ko ng ganito, makakapag relax ako at mas maiisipan ko kung paano ba mapipigilan ang kasal namin ng lalaking yon.

Wait.. paano kaya kung i-set up ko siya sa mga babae dito tutal magaganda naman yung mga babae dito lalo na yung tumulong sakin kanina nung papunta pa lang ako rito.

Humanda ka Achilles dahil patutunayan ko sa kanila My Fiance is not a Good Boy. 

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now