Chapter 35

44 7 0
                                    

Warning: Sabaw na chapter 😄😄

Closure

Pearl's Pov

"Ash... " mahinang tawag ko sa kanya.

"Bakit? Anong nangyari?" tanong nya sa akin.

"Si Alex.. " kinakabahang sabi ko sa kanya.

"Anong nangyari kay Alex?" kinakabahan rin na tanong nya. Pinilit ko namang kumalma bago sumagot sa kanya.

"Nawawala ang anak ko" naiiyak na sabi ko.

Mabilis akong tumakbo palabas. Naka salubong ko pa si engineer Capistrano pero hindi ko na siya pinansin.

Mabuti na lang at naandon pa rin si manong Rodel.

Mukhang paalis na ito kaya mabilis akong sumakay sa kotse.

"Manong Rodel paki hatid po ako sa bahay, pakibilisan ho" hanggang ngayon ay kinakabahan ako.

Lord wag naman ho sanang may mangyaring masama sa anak ko.

Ilang oras din ay nakararing kami sa bahay. Gabi na at madilim. Natatakot ako para sa anak ko. Malamang ay mag isa sya at natatakot... My son.

"Pearl... " nang makita ko si Jackie sa labas ay mabilis akong lumapit sa kanya.

"Ano bang nangyari Jackie?" tanong ko sa kanya. Umiiyak rin siya kagaya ko.

"Bigla na lang siyang nawala, Im sorry tinawagan kasi ako ni kuya, hindi ko napansin na wala na pala siya" umiiyak na paliwanag nya. Niyakap ko na lang siya. Naniniwala ako mahahanap ko din ang anak ko. Sana lang talaga ay walang nangyaring masama sa anak ko.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Pag pasok namin sa loob ay sumalubong ang pamilya ko na abala sa telepono, I sighed ..... Bakit ganito ang sumalubong agad sa amin sa Pilipinas. Una nakita ko agad si Achilles tapos ngayon naman ay nawawala ang anak ko.

Sana ay mabilis na naming mahanap ang anak ko.

"Alex!" sigaw ni Jackie. Mabilis akong tumingin sa pintuan at ganon na lang ang pasasalamat ko ng makita ko ang anak ko.

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Mommy batit po kayo umiiyat?" tanong niya sa akin.

"Masaya lang si mommy dahil nakita kita" sabi ko. Tumingin ako sa tabi niya at nagulat na lang ako ng makita ko si Achilles.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin.

"Mommy sya po ti Untle Atilles, binili nya po atong ice tream" masayang sabi ng anak ko. Bumaling ako sa kanya.

"Ikaw ba ang kasama niya kanina pa?" inis na tanong ko rito.

"Yes, nagulat nga ako na mag isa lang siya at umiiyak sa tabi ng kalsada, mukhang hinahanap ka niya mabuti na lang at nakita ko siya kung hindi ay napahamak na siya" parang pinapagalitan niya pa ako. Inirapan ko na lang siya.

"Baby punta ka muna kina mommy okay" sabi ko at sumunod naman ang anak ko. Bumaling ako kina mommy - na mukhang nakahinga na ng maluwag ng makita ang apo nila- at tumingin na nag papaalam na kakausapin ko muna si Achilles.

Niyaya ko naman si Achi na sumunod sa akin.

Mabuti na lang at naintindihan nya ang ibig kong sabihin. Sumunod din siya sa akin, dinala ko siya sa garden.

"Ahm... Bakit mo nga pala ako pinasunod?" tanong nya sa akin. Tumingin lang ako sa kaniya. Bumuntong hininga muna ako bago mag salita. Bumaling ako sa kaniya.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon