Chapter 10

67 15 0
                                    

Province Life

Pearl's Pov

Nagising ako na puro mabeberdeng puno ang nakikita ko, may mga palayan rin akong nakikita.

"Wow!" Manghang sabi ko ng matanaw ko ang malawak na lupain. May mga hayop akong nakita gaya ng kabayo, kalabaw tsaka baka.

"Beautiful" narinig kong sabi ni Jake kaya napatingin ako sa harap.

"Yeah" pag sang ayon ko sa kaniya. Nakita ko na natutulog si Jackie kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtitingin tingin sa paligid.

Makalipas ang ilang minuto ay narito na kami sa harap ng mansyon ng mga Santiago.

"Wow!Ang ganda ng mansyon nila" manghang sabi ko. Hindi ako matitigil sa pag mangha sa mga nakikita ko. Minsan na akong nakapunta noon sa probinsya pero bata pa ako kaya konti na lang ang naaalala ko.

"Sige Pearl mauna ka nang pumasok bibisitahin lang muna namin sila tiyang Merly" sabi sakin ni Jake matapos nilang ibaba yung mga maleta ko.

Tinulungan ako nung babaeng nakita ko. Nag pakilala itp at sinabing matagal na siyang katulong dito.Masasabi kong maganda din siya actually halos lahat pati yung mga kasama nya kanina na mga babae magaganda rin.

"Anong kalimitan nyong ginagawa dito?" tanong ko sa kaniya habang bitbit namin yung mga maleta ko. Nahihiya nga ako but since nakita nya kanina na nahihirapan ako ay tinulungan nya nako. See generous din yung mga tao rito.

Nang makarating kami sa loob ng mansyon at iniwan nya na ako at may gagawin pa daw sya. Nag pasalamat ako sa kaniya.

Hinila ko na yung mga maleta ko na maramdaman kong naiihi na ako. Nakita ko naman agad yung Cr kaya dali dali ako dong pumasok.

"Oh my God!" inis na sabi ko.

Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko at lumabas ng cr. Anong ginagawa dito ng lalaking to. Akala ko ba nasa ibang bansa ito ngayon.

"Tsk.." sabi nito sa akin. At mabilis na isinarado ang pinto.

Maya maya ay lumabas na rin ito mabuti naman at may suot na siyang damit .

"What are you doing here Pearl?" tanong nya sa akin.

"I should be the one asking that anong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa ibang bansa ka ngayon?" sabi ko sa kanya. Mabuti pa umalis na ako rito. Bakit ba kasi nandito tong lalaking to. Akala ko pa naman nasa New York ito upang bisitahin ang tita nya.

"As far as I know pamamahay namin ito. Wait where are you going?" tanong nya sa akin nang mapansin nya siguro na paalis na ako habang hila ang mga maleta ko kaya humarap ako sa kanya. I should know na nandito sya,I know Ashley do this on purpose. Inirapan ko na lang siya, hindi naman nya iyon napansin dahil naka tingin sya sa dalawang maletang dala ko.

"Duh! Obvious ba nandito ka so aalis na ako nakakainis kaya pa naman ako pumunta dito dahil alam kong hindi ako matutunton nila daddy dito tapos nandito ka pala. My god lumayas pa naman ako dahil nalaman kong ipapakasal raw ako sayo. Nababaliw na ba sila?" nakakainis naman kasi naglayas nga ako para makatakas tapos nandito pala itong lalaking to.

"Para namang ginusto ko ring makasal sayo" sabi niya sa akin kaya tinignan ko siya na matalim. Wow huh! Para siya pa yung lugi.

"Alam mo wala nang patutunguhan tong usapan na to mabuti pa umalis na ako" Pikon nang sabi ko sa kanya at umalis na.

"Wait kung babalik ka sa inyo hindi ba mas malalagot ka. Mas may posibilidad na madaliin nila ang kasal." sabi niya na nakapagpatigil sakin. What hindi ko naisip yon ah.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon