Chapter 46

45 7 1
                                    

Forgiveness

Pearl's Pov

Ilang minuto lang ang byinahe namin bago kami tumigil.

Tumingin tingin ako sa paligid at parang gusto kong bumalik na lang sa mansyon ng mapag tanto ko kung nasan kami.

"Achi.... Sigurado ka bang nandito si Alex?" kinakabahang tanong ko rito. Hindi ko alam ang gagawin ko kung nandito nga ang anak ko.

"Yes, nandito si Alex sabi ng lead natin" sabi nito na kinakaba ko.

Minsan nang naging bangungot ang lugar na to para sakin, at ayokong mangyari sa anak ko ang nangyari sakin noon sa lugar nato.

"Shi... Nandito ako Pearl, walang mangyayaring masama okay" pag papakalma sakin ni Achi ng hindi ko mapansing umiiyak na pala ako.

Tama sya Pearl walang maaaring mangyaring masama sayo.

Lumabas na kami ng kotse. Papasok pa lang kami sa loob ay parang nag babalik na sa alaala ko lahat ng nangyari.

Kumalma lang ako ng hawakan ni Achi ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya.

"It's okay" bulong niya kaya tumango ako.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob. Sumalubong samin ang ingay na nang gagaling sa living room.

"Really this is for me lola?" narinig ko si Alex na nag salita kaya mabilis akong tumakbo papunta doon. Hindi ko na nga nahintay pa si Achi at nauna na ako.

Nang makarating ako sa living room ay nakita ko si Alex na may hawak na maraming laruan, habang sa tabi nito ay ang babaeng minsan ko nang naging bangungot.

Lumapit ako kay Alex,mukhang hindi nya pa ako napapansin.

"Mommy?" sambit niya ng makita ako kaya napalingon din si lola Amalia.

Kahit kinakabahan ay lumapit ako kay Alex.

"Mommy look oh, lola brought me a lot of toys" masayang sabi nito at ngumiti lang ako. Tumingin ako kay lola Amalia at batid ko ang saya niya habang naka tingin kay Alex.

"Lola" bati ni Achi rito nang maka lapit ito sa amin. Nag tataka pa ako kung bakit parang walang alinlangan sa kanila, animo'y walang nangyari noon.

Hindi ko na lang iyon pinansin dahil mas mahalaga na nahanap ko na ang anak ko.

"Iho, buti ay nakarating ka na" sabi nito at tsaka ito tumayo. Bumaling naman sakin si lola Amalia.

"Iha.. Alam ko nag tataka ka pero pwede bang maka usap kita?" tanong nito sa akin. Nag aalangan pa sana ako pero sa huli ay pumayag na rin ako.

Nag paalam muna ito kay Alex na aalis lang saglit, ganun din ang ginawa ko at tumango na lang ako kay Achilles.

Niyaya ako nito sa veranda. Sumunod lang ako dito.

Nang makarating kami sa veranda ay inaya niya akong umupo.

Tumingin tingin ako sa paligid upang mabawasan ang kaba ko.

"Iha.. " tawag nito sa akin kaya bumaling ako dito.

"Alam ko nag tataka ka kung bakit kasama ko si Alex" panimula nito at tumango lang ako kahit na hindi ko alam kung paano napunta dito si Alex ng hindi ko alam.

"Ang totoo nyan ay nahihiya ako sa iyo, sobrang laki ng kasalanan ko sayo.. Sa inyo" mataman lang akong nakikinig dito. Sa palagay ko ay ito na rin ang tamang oras upang maka pag usap kami sa mga nangyari noon.

"Actually may sakit ako noon pa lang bata ako. Siguro mas lumala lang nung nakilala ko ang lolo mo, masyado kasi akong nabaliw sa paniniwalang mahal ako ni Antonio, kaya nga siguro kung ano ano nang nagawa ko eh" sabi nito at naiintindihan ko siya.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now