Chapter 26

53 9 0
                                    

Dedicatedblue_dreamer17

Unveiling the Secrets

Pearl's Pov

Nagising ako na sobrang dilim ng paligid.

"Gising na pala ang prinsesa" narinig kong may nagsalita sa harap ko hindi ko ito makita dahil sobrang dilim pero maya maya ay may biglang nagbukas yung mga ilaw kaya nasilaw ako. Nang naka pag adjust ako ay nilibot ko ang aking paningin at masasabi kong nasa isang kwarto ako tumingin ako sa paligid at puro puti ang kulay pero may halong konting pula ang design. Napansin ko na parang walang bintana sa kwartong ito.

"Manang Salinda" bulong ko ng makita ko ito na masama ang tingin, tatayo na sana ako pero hindi ko kaya dahil nakatali pala ang mga kamay ko at paa na hindi ko napansin kanina.

"Scared?" bulong nito sa akin.

"And why should I" seryosong sabi ko dito.

"Oh Matapang ka pala" sabi nito at kahit matanda na ay bakas pa rin ang tapang ng boses nito.

"Matilda" narinig kong may tumawag dito wait? Matilda Tsk.. Malamang pekeng pangalan nya lang yung Salinda. Nagitla ako ng makita ko kung sino yung tumawag sa kanya.

"Señora Amalia?" bulong ko ng tuluyan na nga itong lumapit sa amin.

"Yes my dear" mapang uyam na sabi nito sa akin at hinawakan pa ang pisngi ko kaya sinubukan kong mag pumiglas kaso sinampal nya lang ako.

"Madam S." sabi ni Manang Sal-Matilda pala sabay yuko dito.

"Pwede ka nang lumabas" seryosong sabi nito dito kaya mabilis itong lumabas. Naiwan kaming dalawa.

"Alam mo kulang pa yang sampal na yan sa lahat ng kasalanan ng mga lolo at lola mo" biglang sabi nito sa akin. Huh?

"Oh wala nga pala kayong alam" galit na sabi nito at mas lumapit pa sa akin at hindi ko maiwasang kabahan dito.

"Let me tell you a story" panimula nito at maya maya ay may mga pumasok na lalaki may mga bitbit ang mga itong mga kahon.

"Oh... Wag kang matakot" nakakatakot ang boses nya habang sinasabi nya iyan.

Lumapit ito sa isang box ang sinenyasan yung mga lalaki na umalis na.

Maya maya ay may nilabas ito pero hindi ko pa ito gaanong makita.

Nang makita ko kung ano yung nilabas nya ay mas nagitla ako. Wait bakit may mga notebook din sya na kagaya nung kay Señor Leonardo?

"Curious?" sabi nito habang nakangisi sa akin.

"Well let's just say pareho kami ni kuya na merong ganito. The last gift we have from our parents before they died" sabi nya at naramdaman ko ang lungkot nung sinabi nya yon.

"Everything was fine.... Really fine, until your grandmother came Demeter. Halos lahat ng atensyon napunta sa kanya" may bahid ng galit na sabi niya.

Lumapit uli sya don sa box at hinila ito malapit sakin. Sunod na nilabas nya ay isang libro. Binuklat nya ito at doon ay tumambad sa amin ang mga pira piraso ng rosas na lanta na at nakaipit sa mga pahina nito.

"Kahit ang kasintahan kong si Antonio nagawa akong lokohin dahil sa kanya" sabi niya kaya nag taka ako. Wala naman syang kwinento noon sa akin na naging mag kasintahan sila ni lolo.

"Nang umalis ang kuya ko papuntang ibang bansa, hinabilin nya ang lola mo. Pinanbantayan lang pero walang sinabing landiin." galit na sabi nya at bigla nya na lang hinagis yung libro kung kaya't natapon yung mga piraso ng rosas.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Onde histórias criam vida. Descubra agora