Chapter 4

83 18 0
                                    

Suspicious

Pearl's Pov

"Baby.. " Narinig kong may tumawag sakin kaya lumingon ako sa labas.

"Mom?" Wah.. Sila mommy nga. Agad akong lumabas ng bahay para salubungin sila mommy at daddy.

"Sana po sinabi nyo na darating kayo para nakapag handa kami nila yaya tsaka yung kwarto nyo po para naayos na rin po nila manang" sabi ko kina mommy.

"Actually alam nila manang na ngayon ang dating namin at sinabihan ko na rin sila na wag nang mag handa at baka malaman mo pa na parating na kami,alam mo na gusto ka naming sopresahin ng daddy mo" masayang sabi sakin ni mommy tsaka hinila para yakapin.

"Ih... Mommy naman eh pano yan wala pa atang luto sila yaya" sabi ko sa kanya, si daddy naman ay naka ngiti lang habang nakatingin samin.

"Actually nakapag pa reserved nako sa restaurant nila tito Mike." pag entrada sa amin ni kuya, naka ngiti si kuya na parang sinasabi na may deal kami. Tsk.. Mukhang dun nya sasabihin kila mommy yung balak ko na sa company na lang namin mag trabaho pagka graduate ko.

"Bihis lang ako mommy tas sabay sabay na po tayo mag punta don" excited na sabi ko tsaka umakyat sa taas para mag bihis.

~~~~~~

"Pearl what your plan on your Debut?" tanong sa akin ni daddy, kasalukuyan na kaming kumakain.

"Ahm.. Simpleng dinner na lang dad wala rin naman akong gaanong friend sa school." sabi ko kay daddy tsaka napatingin kay kuya. Well si kuya alam naman na niya yung mga pinag gagawa ko sa school so no problem. Sigurado naman ako na hindi niya ako isusumbong kila dad tutal ay may kasunduan kami eh.

"Pearl naisip namin ng mommy mo na mag handa ka na ng bongga tutal Its your 18th birthday minsan lang naman sa buhay mo ikaw mag de debut." paliwanag sakin ni daddy.

"Pag iisipan ko po pero hindi po ba parang kukulangin tayo sa oras pag nagkataon, next month na yun" paliwanag ko kina daddy.

"Its okay basta para sa prinsesa namin" masayang sabi sakin ni mommy so pumayag na ako tutal pangarap ko rin naman noon na mag birthday ng bongga.

"Dad may good news sa inyo si Pearl" biglang salita ni kuya kaya napatingin ako sa kanya. Huh? Ako daw? Wait sinasabi ko na nga ba eh gusto nya sabihin ko na ngayon kila daddy yung tungkol sa deal namin eh.

"Ahm.. Napag isip isip ko po kasi na maganda nga po kung sa company natin ako mag apply pagka graduate ko po" pag i-imform ko kay daddy.

"Wow well that realy a good news matagal ka na rin namin pinipilit ng daddy mo na satin na lang mag apply." masayang sabi sakin ni dad habang si mom naman nangiti lang sakin. Well ayos na rin to kesa galit na mukha ni daddy ang makita ko kapag sinabi ni kuya ang mga kalokohan ko.

"You know what matutuwa ang mga lolo mo nito knowing na matagal silang nag antay na mapapayag ka" isa pa yan sila lolo tiyak over reacting yan sila paano ba naman kasi lagi nila ako pinipilit noon kesyo pinag hirapan daw nilang dalawa yon ni lolo but the sad thing is hindi na nila malalaman yung decision ko. Mag kaibigan kasi ang mga tatay ng mga magulang ko at business partner, kaya nga siguro laking tuwa rin nila ng mag katuluyan sila mom at dad.

"Hehe sure po yun sila lolo pa ba eh sila nga po unang nalungkot nung sinabi ko na ayaw ko sa company natin mag trabaho" sabi ko kay dad. Matapos non ay tahimik na kaming kumain. I miss my two granddad.

Until mom spoke about my 18 th birthday that make as all excited.Natapos kaming kumain na puro plano para sa birthday ko at sa future ko raw sa company namin.

~~~~~~

Isang linggo na simula nung dumating sila mommy at busy sila sa nalalapit na birthday ko. Mas excited pa nga ata sila na mag dalaga ako kesa sa akin eh.

Nandito ako sa school garden namin nag papahinga medyo nakakapagod kasi yung mga requirement namin buti na lang naipasa ko na kanina yung thesis namin i de defense na lang namin.

"Hey tulala ka dyan anong meron?" tanong sa akin ni Ash. Tinignan ko lang sya.

"Wala napagod lang ako sa mga requirements natin" sabi ko sa kanya at inabot yung pagkaing dala nya. Masarap ah.

"San moto nabili?" tanong ko para may ma-i topic naman kami.

"Dyan lang sa labas nagugutom na kasi ako kanina pa " sabi niya. Hm.. Lagi naman gutom tong si Ash.

"Ano pa nga bang bago eh lagi ka namang gutom." asar ko sa kanya.

"Tse ikaw na nga binigyan ikaw pa nanglait" sabi niya, pagkatapos non ay tahimik na lang kami.

"Wala ka bang napapansin sa kuya mo?" pangbasag na tanong nya sa katahimikan ko. Napaisip naman ako dahil wala naman akong napapansin kay kuya bukod sa lagi syang may kausap sa cellphone nya.

"Wala naman pansin ko lang na madalas siyang may kausap sa cellphone nya." sabi ko na kinalaki ng mata nya.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Di mo ba napapansin nung nandun ako para mina- mantyagan nya tayo?" sabi niya na kinataka ko.

"Huh paano mo naman nasabi?" tanong ko tapos ngumiti sya sakin ng nakakaloko kaya binatukan ko na.

"Sinasabi ko sayo Ashley Laine kung ano man yang naiisip mo sa kuya ko di totoo" inis na sabi ko dahil kung ano anong kalokohan ang pumapasok sa ulo nya.

"Aray naman ih kasi ganon yung mga napapanood ko sa movie eh" naka nguso niyang sabi kaya mukha siyang pato.

"Okay hindi na pero sigurado ako may tinatago yang kuya mo" sinamaan ko na siya ng tingin bilang babala.

"What I mean is tungkol sayo. May tinatago sya sayo. Eto naman kung makatingin akala mo sinabihan ko yung kuya nya ng kung ano" inis na sabi niya.

"Hay naku mabuti pa'y maka alis na at ang gawin mo puntahan mo yung kuya mo sa company nyo malay mo kung ano nang plano non, kung maka tingin pa naman yon parang may tinatago." makahulugan niya sabi tsaka tumawa. Inirapan ko na lang siya.

~~~~~~

Paalis na ako ng bahay nang makita ko si kuya na paalis ng bahay namin. Naisip ko na naman yung sinabi sakin ni Ash. Tsk.. Yung babaeng yun talaga kung ano anong pinapasok sa utak ko. Nang maka sakay na sa kotse si kuya ay tinawag ko si kuya Rodel para ilabas yung kotse. Wala namang masama kung susundan ko si kuya eh.

Nakarating kami sa isang restaurant kaya mabilis na akong lumabas para sundan si kuya. Hm.. Ano kayang ginagawa ni kuya rito tsaka vip pa yung pinasukan nya isa pa parang may katagpo sya well meron talaga.

Mukhang business partner lang naman kaya paalis na sana ako ng makita ko si tito Ashton. Wait anong ginagawa dito ni tito.

Naisipan ko na i text si Ash para papuntahin dito.

After ng ilang minuto nakarating na rin si Ash.

"Hey bakit mo ba ako pinapunta dito?" tanong nya kaya hinila ko sya agad pa upo baka mamaya makita pa sya ni tito Ashton. Sinenyasan ko rin sya na tumahimik.

"Ano nga kasi yon tsaka sino bang tini-tignan mo?" tanong nya pa sa akin.

"Shi.. Ikaw kasi eh aalis na sana ako ng bahay nang makita ko si kuya na paalis eh sabi mo may tinatago sya kaya sinundan ko tas akala ko baka may business partner lang na katagpo pero si tito Ashton pala" sabi ko na ikinataka nya.

"Huh si daddy bakit anong ginagawa nya dito?" tanong niya sa akin.

"Malay ko kaya nga aalamin natin diba" sabi ko sa kanya. Hindi naman nya ako pinansin at tumawag na lang ng waiter para umorder.

"Hm.. Wala naman kasing kwine-kwento si daddy na may project sila together with Del Valle eh" sabi niya sa akin.

Nakakapagtaka naman si kuya. Para talagang may tinatago sya dapat malaman ko kung ano bang tinatago ni kuya. Sigurado ako dahil kuya is so Suspicious.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now