Chapter 39

42 6 0
                                    

Missing Ash

Pearl's Pov

"Bakit matamlay ang baby ko" tanong ko sa anak ko na ngayon ay nakasimangot habang naka tingin labas ng bintana.

"Mommy why Daddy Tilles is not coming back?" malungkot na tanong nito sa akin.

Wala naman ako maisagot dahil miski ako ay nag tataka dahil ang huling bisita pa dito ni Achi ay nung nakaraang nangako siyang igagala si Alex.

Almost 5 days na siyang hindi pumupunta dito at nababahala ako dahil miski si Ash ay hindi ko ma contact.

"Baka busy lang siya baby tsaka isa pa nandyan naman si Tito Eliot mo diba araw araw siyang dumadalaw satin" sabi ko rito at tumabi ako sa upuan niya.

"But gusto to po ti daddy Tilles" sabi nito at mukhang iiyak na.

Lumapit ito sa akin at kumalong.

"Gusto mo tawagan natin si Daddy Tilles?" tanong ko sa kaniya na mabilis niyang tinanguan.

Tinawagan ko naman si Achi pero nakaka ilang ring na ako ay hindi pa rin ito sumasagot. Naka ilang tawag pa ako pero hindi talaga ito sumagot.

"Baby hindi pa rin sumasagot si Daddy eh" sabi ko rito. Malungkot itong tumayo mula sa pagkaka kandong ko at tumingin uli sa labas.

"Tiguro mommy di na pi ato love ni Daddy" nag simula na itong umiyak kaya nabahala ako.

Lumapit ako dito.

"Stop crying baby kung gusto mo we can visit him" sabi ko at mukhang na excite siya ng marinig niyang bibisitahin namin ang daddy Tilles nya.

Mabilis siyang tumakbo pa akyat mabuti na lang at nahabol ko siya kung hindi ay baka napano siya.

~~~💍💍💍~~~

"Baby wake up naandito na tayo kina daddy Tilles" gising ko kay Alex dahil naka tulog na siya habang buma byahe kami.

Mabilis naman siyang nagising. Binuhat ko na siya tsaka kami dumiretso papasok sa bahay nila Achi. Humilig ito sa balikat ko at mukhang inaantok pa rin ito hanggang ngayon.

Sinalubong naman kami ng guard pag pasok namin.

"Maam ano hong kailangan ninyo?" tanong nito sa amin. Hmm.. Mukhang wala na dito yung dating guard nila Ash well 7 years had passed and many thing had happen.

"Kaibigan po ako ni Ashley" sabi ko na kina kunot nito. Tumingin ito na parang nag tataka sakin, ngumiti lang ako sa kanya.

"Hindi ho ba ninyo alam na nawawala si Maam Ashley?" sabi nito sakin na kina gitla ko.

"Are you serious kuya? Bakit naman mawawala si Ash?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"Ang sabi ho nag layas ewan nga po eh, mukhang may pag tatalo pang naganap kina sir at maam. Ilang araw na nga ho si sir nag hahanap kay maam" kwento nito na kinabahala ko. Bakit naman mag tatalo sila ni Achi. Eh sa pag kakaalam ko takot siya sa kuya niya.

"Sigurado ho ba kayo kuya" tanong ko sa kaniya. Sasagot na sana ito ng may tumawag sa kanya sa loob. Nang tignan ko ito ay si tita Helga pala, mukha itong balisa at problemado. Ano ba talagang nangyari kina Ash at Achi?

"Domeng dumating na ba si Achilles?" tanong ni Tita kay kuyang guard, mukhang hindi pa ako napapansin ni tita.

" Opo maam nasa loob na ho si sir" sabi nito at tsaka lang ako napansin ni tita.

"Pearl? Naku pasok ka" yaya sakin ni tita at mabilis akong pinapasok sa loob.

"Pasensya na hah. Nag kakagulo kasi dito at ilang araw nang nawawala si Ashley. Hays.. Ewan ko ba sa batang yon." problemadong sabi ni tita na kinabahala ko.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now