Chapter 1

132 19 0
                                    

Trouble

Pearl's Pov

"Ashley nabalitaan mo na ba yung bagong bukas ng bar" sabi ko sa kanya.

"Yeah yung bar malapit sa school balita ko marami daw dong pumupunta" sabi niya habang abala pa rin sa pag ce cellphone.

"Do you want to go there? Parang treat na natin sa sarili natin tutal katatapos lang ng exam natin." excited na tanong ko sa kaniya.

"Gusto, kaso si kuya panigurado hindi na naman ako papayagan" sabi niya sa akin na kina irap ko.

Tsk... napaka kj kasi ng kuya nya akala mo tatay ni Ash kung umakto samantalang ahead lang sya sa amin ng two years.

"Duh I know kaya nga tatakas tayo" sabi ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

"At paano naman ako makakatakas eh bantay sarado nga ako lagi ni kuya" sabi niya sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya.

"Akong bahala trust me" sabi ko sa kanya.Makakaganti na rin ako sayo ngayon Achilles, akala mo kung sinong good boy huh.. .

~~~~~~

"Sigurado ka bang hindi mapapansin ni kuya na wala ako sa bahay?" kinakabahan niyang sabi sa akin.

"Relax akong bahala sayo tsaka isa pa nandon naman sa kwarto mo si Elysse so sure na hindi na mapapansin ng kuya mo na wala ka "sabi ko sa kanya.

Kanina kasi pumunta ako sa kanila at nag paalam ako na may gagawin kaming project ni Ash. Ang kaso as expected hindi na naman siya pinayagan ni Achi. Kaya no choice dun na lang kami kunyari kina Ash mag gagawa. Naisipan ko na lang na lagyan ng pampatulog yung inumin ni Achilles para makatakas kami mamayang gabi ni Ash. Eh sakto naman nung lumabas ako ng kwarto ni Ash, nakita ko syang painom na ng juice na nilagyan ko kanina ng pam patulog,then nag antay lang kami ng ilang oras bago tuluyang umalis. Mabuti na nga lang at napaki usapan namin si Elysse na doon na muna tutal ayaw nya namang sumama sa amin dahil inaantok na daw siya, ilang araw na daw siyang walang tulog dahil abala ito sa kaka review. Buti nga natapos na namin yung exam.

"Fine, pero sigurado ka ba talaga na ayos lang tong suot natin, hindi ba tayo mababastos nito." Sabi niya sa akin at hinahatak pa yung paldang suot nya.

"Duh mababastos lang naman tayo kung magpapabastos ka." Sabi ko sa kanya tsaka pinalo yung kamay nya kaya natigil siya sa paghatak ng palda nya.

Nandito kami ngayon sa bahay namin nagdumali na kasi kami kanina sa pag takas, kaya hindi na nakapagdala ng damit si Ash.

"Tara na inaantay na tayo ni kuya Rodel" Sabi ko sa kanya tsaka sya hinatak pababa.

"Tsk.. Matapang kalang kasi wala sila tita ngayon" Asar nga sa akin kaya inirapan ko sya.

"Kuya Rodel tara na po " Yaya ko sa driver namin / body guard ko rin.

"Maam sigurado po ba kayo na sa bar tayo pupunta?" Tanong niya sa akin. Si Ash naman ay tahimik lang dito sa tabi ko. Kinakabahan pa rin sigurp siya.

"Yes kuya ngayon lang naman po tsaka isa pa po treat namin to sa sarili namin, katatapos lang po kasi ng exam namin." mahabang sabi ko sa kanya.

"Sige po maam hindi ko na lang po ipapaalam sa daddy nyo" nanahimik na lang ako, hindi naman ako kinaka usap ni Ash kaya naisipan ko na lang na mag sound trip na lang.

~~~~~~

Mabilis kaming bumaba ni Ash.

"Kuya dito ka na lang po,kung gusto po ninyo uminom na rin po kayo" sabi ko sa kanya tsaka sya inabutan ng pera.

"Naku maam ako naman ang malalagot pag nag inom ako, mabuti pa po ay antayin ko kayo rito" Sabi niya kaya pumasok na kami ni Ash.

"Hey Ash bat ang tahimik mo?"tanong ko sa kanya paano naman kasi kanina pa sya tahimik.

"Kinakabahan lang kasi ako baka pagalitan ako ni kuya kapag nalaman nyang tumakas ako." kinakabahang sabi niya sa akin.

"Wag kang mag alala tulog na tulog na yung kuya mo nang iwan natin kanina tiyak bukas na magigising yon, at nasa inyo ka na bago pa sya magising." pampalubag loob ko sa kanya.

"Hum.... Sige na nga pero hindi ako iinom ng marami baka mahalata ni kuya" oorder pa lang sana ako ay may nag abot na sa amin ng alak. Inisang lagot ko lang ito kaya nagulat si Ash.

"Huy dahan dahan ka naman sa pag inom mo baka mamaya ng mapasama ka" tsaka nya inagaw ang isang baso na kakaabot lang sa amin ng waiter.

"Tsk.. Minsan lang naman kaya kung ako sayo in-enjoy na lang muna natin tsaka isa pa ladies drink lang naman yan" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Alam mo mabuti pa sumayaw na lang tayo tutal ayaw mong uminom, napaka kj ,mo mana ka sa kuya mo" sabi ko tsaka sya hinila sa dance floor.

Hating gabi na kaya wild na yung mga nasayaw. Ayos lang naman na sumayaw kami dahil hindi kami lasing nasa tamang pag iisip pa kami kung sakaling mang may mambabastos sa amin.

May lumapit sa amin ni Ash na dalawang lalaki. Guwapo ang mga ito at matitikas.

Agad na tumabi sa akin ang isang lalaki,nagitla naman ako ng bigla nito akong hinila kaya napalayo kami kina Ash. Patuloy naman kaming nag sayaw, kita ko pa naman sila Ash kaya ayos lang. Napatingin naman ako sa kasama ko ng hawakan ako nito sa bewang.

"Hey wanna have some fun" mayabang na sabi nito ramdam kong lasing na ito dahil amoy na amoy ko ang alak na ininom nito.

"Excuse me lasing ka na, mabuti pa puntahan ko na yung kaibigan ko" paalam ko sa kaniya ngunit hinigit niya ako palapit sa kanya.

"Hm.. Palaban. Mas gusto ko ang mga babaeng palaban" sinubukan pa niya akong halikan pero mabilis akong umiwas.

Alam ko na ang ganitong mga istilo at sa totoo lang handa ako sa mga ganitong eksena pero hindi ko aakalain na nakaka mental block pala kapag nasa sitwasyon ka na talaga.

"Kapag ayaw sayong sumama huwag mo ng pilitin" natigilan ako ng marinig ko ang baritonong tinig.Wait boses ni Achilles yon ah.

"Hey dude nauna ako kesa sayo kaya mag hanap ka na lang ng iba" lintik na lalaking to napaka yabang.

Nakatingin lang ako kay Achilles na masamang nakatingin dito sa lalaking katabi ko. Mabuti naman at kasama nya si Ash na mukhang problemado ang mukha. My gosh ! problema nga ito. Akala ko ba tulog na tong lalaking to.

Hinila ako ni Achilles palayo sa lalaki, nakita kong sasapakin pa sana nito si Achilles pero agad na naka alarma sa Achilles at inunahan itong suntukin. Marami ang napatingin sa amin dahil natumba ang lalaki, tinulungan ito ng lalaking kasama nya kanina na lumapit kanina kay Ash.

Hinila na kami ni Achilles palabas ng bar.

Sinalubong kami ni kuya Rodel sa parking lot.

"Kuya Rodel kayo na po ang bahala kay Pearl uuwi na kami ni Ash." napatingin ako sa kanila ni Ash, ang sama pa rin ng tingin niya sa akin habang si Ash ay mukha pa ring pinag sakluban ng langit at lupa.

"Pearl mauna na kami " paalam ni Ash at pumasok sa kotse ng kuya nya. Kaya pumasok na rin ako sa kotse namin.

"Kuya paano po nalaman ni Achilles na narito tayo?" tanong ko sa kaniya habang nag mamaneho ito.

"Ahm.. Pasensya na po maam, tinawagan kasi ako ni sir Achilles kanina kung nasaan raw po kayo" sabi ni kuya kaya napasimangot ako.

"Kuya naman eh lagot ako nito kila daddy kapag nalaman nila." naiinis na sabi ko.

Gosh!.. Sana wag akong isumbong ni Achilles. My god! This is surely a Trouble.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now