Chapter 25

56 8 0
                                    

Problem

Pearl's Pov

"Tsk... Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip na magagawa ni kuya yon" narinig kong sabi ni Ash kaya napalingon ako sa kanya.

"Yeah like Achilles, yung lagi mong sinasabihan na kj noon nag proposed sayo" kinikilig na sabi rin ni Elysse. Halos ilang linggo na rin yong nakakaraan nung iaanounce na engaged na kami at nag proposed sya sa akin.

Buti pa nga sila kinikilig, ako kasi naiinis na may halong konting kilig. Tsk.. Sige na nga kinikilig na ako kahit naiinis ako nung ang bilis nya akong iniwan. Pero bumawi rin naman sya nitong mga nakaraang linggo dahil sobrang sweet nya sa akin.

"Tsk... Kunyari ka pang hindi kinikilig pero deep inside gusto na nang tumili" asar sakin ni Ash. Hindi ko naman sya pinansin

Nandito kami ngayon sa bahay namin nagitla na nga lang ako nung biglang dumating tong dalawa.

"Eh ikaw bakit napapansin ko sobrang lapit nyo ni kuya Dale tas nung engagement party sya pa nag hatid sayo" asar ko rito dahilan na sa kanya mabaling ang atensyon namin ni Elysse.

"Tsk... Wag ka nga iniiba mo yung usapan eh" kinikilig na sabi niya kaya kiniliti namin sya ni Elysse.

"Mukha mo kung di ko pa nakita si kuya na ngiting ngiti habang naka tingin sa cellphone nya mabuti na lang at sinilip ko yung cellphone nya tas makikita ko yung convo nyo" dagdag ko pa dahilan na lalo syang mamula. Haha akal mo huh.. Natigil naman kami ng mapansin namin na natahimik si Elysse.

"Oh anong problema?" tanong ko rito. Tahimik lang ito at maya maya ay ngumiti ito sa amin. I feel that she have a problem pero ayaw nya lang sabihin samin.

"Wala pansin ko lang kasi kayo masasaya na may mga nag kakagusto na sa inyo tas pakiramdam ko sakin wala" madramang sabi nya na kinatawa namin ni Ash. Hinila namin sya ni Ash at sya naman ang kiniliti naming dalawa.

Gusto ko tong pakiramdam na ganito yung parang walang problema masaya lang.

~~~💍💍💍~~~

"Yes I know sige na ibaba ko na muna to" narinig kong sabi ni Achi ng palapit sana ako sa kanya.

"Who's that?" tanong ko ng tuluyan na nga akong naka lapit.

"Ahm..  Si Michael nangungulit sakin" sabi niya na kina irap ko dahil kilala ko naman ang mga kaibigan nya noon pa nung nag aaral pa sila at talagang makukulit sila. One time nga habang nasa kanila ako kasama si Ash nung pinilit nila kami na sumama sa kanilang mag bar, mabuti na lang at dumating si Achi para tulungan kami.

"Tsk bakit ganyan yang mga kaibigan mo ang kukulit kagaya noon" inis na sabi ko at sandali ko pang nakita ang lihim nyang pag ngiti.

Nagitla ako nung bigla nya akong hatakin at yakapin.

"Huy anong ginagawa mo" sabi ko sa kanya dahil dinig na dinig ko yung malakas na kabog ng dibdib nya.

"Just a moment" seryosong sabi niya. Maya maya ay kumalas na siya sa yakap gusto ko pa sanang yakapin sya kaso wag na lang.

"Oo nga pala pumunta ako dito kasi may pinapabigay si mommy na cupcakes ng bake kasi sya kanina" sabi ko rito at inaya sya sa kusina.

"Sana all sweet" asar sa akin ni Ash. Nag belat na lang ako sa kanya.

"Wag mong ubusin yan di pa nga nakakain kuya mo eh" sabi ko rito na kinatawa ni Achi.

"Anong nakakatawa" inis na sabi ko rito na inilingan nya lang.

"Ay oo nga pala tinawagan ako ni Jackie pinapapunta daw si kuya sa probinsya" biglang sabi ni Ash kaya napatingin ako dito.

"Bakit daw?" tanong ko rito.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon