Chapter 17

61 13 0
                                    

Finding Clues

Pearl's Pov

"Bakit?" tanong sa akin ni Achilles nang makita nya ako sa harapan nya. Kasalukuyan itong may ginagawa at natigil lang ng lumapit ako sa kanya.

Hindi ko siya sinagot at inabot na lang ang dalawang notebook na hawak ko.

"What's this?" tanong nya uli sakin kaya binuklat ko ito para mabasa nya ang mga naka sulat dito.

Binasa nya naman at pagkatapos ay tumingin sya sa akin.

"Where did you find it? And I don't get it, Bakit parang may mga kulang na pahina?" nag tatakang tanong nya. Tinignan ko lang sya tsaka tumabi sa kanya.

"Kaya nga ako nandito para humingi ng tulong sa iyo, kailangan kong mahanap yung ibang pahina nan o di kaya naman ay iba pang clue para malaman kung ano bang nangyari noon bakit kailangan pa nila tayong ipakasal" seryosong sabi ko sa kanya at sandali ko pang nakita ang pag daan ng lungkot sa mga mata nya.

"Ayaw mo talagang makasal sakin ano?" bulong nya na hindi ko narinig. Tumingin naman ako sa kanya.

"Huh?" takang tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya at inaya ako sa bodega. Tinawag nya si manong Erny upang ipa tuloy rito ang ginagawa nya.

"Anong ginagawa natin dito?" nag tatakang tanong ko sa kaniya. Ka muntikan pa akong mabahing ng maamoy ko ang loob nitong bodega.

"Pina move ko na dito yung mga gamit ni Lolo, plano kasi naming ipa renovate ang kwarto niya at gawin itong room for his memories." sabi nito sa akin habang inaalis yung ibang mga kahon.

"Bakit naman? Hindi ba dapat hindi nyo na guguluhin yon para remembrance nyo na rin sa lolo nyo?" tanong ko sa kanya tsaka nag umpisang mag hanap, baka kasi may mahanap rin kami dito.

"Si lolo na rin ang nag wish non bago sya mamatay gusto daw nya na itabi namin yung mga gamit nya. Gusto pa nga ni lolo sunugin pero tumanggi na kami dahil alam namin na mahahalaga sa kanya ang mga gamit nya." sabi nya at inabot sakin ang isang lumang photo album. Hinawakan ko naman ito. Maya maya ay may nahanap uli siya.

"Here baka may makita tayo rito" inabot nya naman sakin ang isang painting. Pinagpagan ko muna ito tsaka ako kumuha ng supot na pag lalagyan nito .Nilagay ko yung photo album at painting sa supot tsaka ako uli nag hanap ng iba pang gamit na merong connection kay lola.

Abala ako sa pag hahanap kaya hindi ko napansin ang nakakalat ng sapatos. Mabuti na lang ay naka pag balance ako agad.

Iisod ko na sana yung mga sapatos para hindi na maka abala pa sa amin nang mapansin ko ang isang bote ng gamot. Binasa ko ang naka sulat dito.

Cariprazine

Huh? Para saan naman to?

"Achilles tignan mo nga itong gamot na nakita ko?" tanong ko sa kanya tsaka pinakita yung bote ng gamot na nakita ko.

"Cariprazine?" basa rin niya sa nakasulat dito.

"Wait, I think Ialready saw this kind of medicine" sabi niya at parang may pilit inaalala sa isip nya.

"Sh*t this is a medicine for bipolar disorder" sabi niya kaya nagitla ako. What Bipolar disorder?

"Huh? May bipolar disorder ba ang lolo mo?" nag tatakang tanong ko sa kaniya.

"No that's too impossible" sabi niya sa akin na tinanguan ko. Nilagay namin yung bote ng gamot sa supot na hawak ko.

"I think okay na muna tong mga nahanap natin" sabi niya at binalik ang mga kahon na kinuha niya kanina.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now