Chapter 32

57 8 0
                                    

Prince Alexandrite del Valle

Pearl's Pov

"Wah... Mommy's coming" sabi ko kay Alex at mabilis akong lumapit dito. Tumakbo ito papalayo sa akin pero nahabol ko rin sya kaagad. Binuhat ko ito at dinala sa kama, doon ay kiniliti ko sya ng kiniliti.

"Hihi..." natatawa talaga ako kapag tumatawa ito dahil lumalabas ang magkabilang dimples nito sa pisngi.

"Mommy stop na po" sabi nito kaya huminto na ko at pinangigilang na lang ito. Niyakap ko ito ng sobrang higpit.

"Ih... Mommy I tan't breath" I laugh hard when he pouted.

"Baby diba you want to go to the Philippines?" Tanong ko dito. Bigla itong natigilan, mukhang shocked pa ito sa sinabi ko.

"Really mommy?" Tumango ako bilang sagot.

"When?" I sigh actually nahirapan talaga akong mag desisyon na bumalik sa pilipinas pero naisip ko maybe this is the chance na maaring kong maipakita sa anak ko ang kagandahan ng kultura ng pilipinas.

"Maybe next week, sasabay tayo kina lola, diba gusto mo yun?" Sabi ko rito.

"Yehey.... I'm extited na po mommy" tuwang tuwang sabi nito. Yumakap ito sa akin kaya binuhat ko ito at sinayaw sayaw. Binaba ko ito saglit.

"Mommy mall po tayo" yaya nito kaya natawa ako. One thing na namana nya sa akin ay ang hilig sa pag ma mall, pero kaiba ito dahil collection of mini car ang hilig nyang bilin. Siguro ay nakuha nya kay kuya, hilig din kasi ni kuya na mag collect ng mga kotse. Minsan tuloy naiisip ko 2 years old lang ba talaga ang anak ko.

"Sure baby" sabi ko at niyaya itong paliliguan ko muna. Pag katapos nyang maligo ay binihisan ko na din sya agad.

"Baby maglaro ka muna dyan okay maliligo lang saglit si mommy. Naglagay ako ng mga unan sa gilid nya at tinawag ang yaya ni Alex upang bantayan ito saglit.

Mabilis akong pumunta sa room ko at naligo. Matapos ay nagbihis na rin ako.

Abala ako sa pag blo-blower ng buhok ko ng tumawag sa akin si Eliot.

"Hello" bati ko rito.

(Babe....) Malambing na sabi nito sa akin. Napangiti naman ako ng wala sa oras. Kapag kasi nag lalambing sya ay siguradong may hinahanda ito dinner. Nakasanayan ko na ito sa 1 year namin bilang mag kaibigan.

Naalala ko na naman kung paano kami nag kakilala. His my kuya's business partner. Then one day hindi nakadalo si kuya sa business meeting nila at ako ang pinapunta nya. Dun kami unang nagkakilala then we became friend technically his my Boy-friend.

(Babe.... Still there?) Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita uli ito.

"Ah.. Yes... What it is pasensya na nag hahanda kasi ako may lakad kami ni Alex. Well nakwento ko na naman sayo diba na babalik na kami sa pilipinas, so ayun excited na excited ang bata kaya nag yayang mag shopping" natatawang sabi ko.

(Aw... I'm jealous, gusto ko ring sumama sa inyo. Don't worry susunod ako sa inyo sa pilipinas.) Natawa namab ako dahil kung nadidinig ito ngayon ni Alex, siguradong magagalit na naman ito.

"Mommy!" Oh! Speaking of my Angel. Nag paalam ako kay Eliot na ibaba ko muna ang tawag. Bumaling ako sa anak ko.

"Baby... Where's yaya?" Tanong ko ng hindi ko mapansin ang yaya nya. Kabilin bilinan ko pa naman na wag pababayaang mag isa si Alex.

"Maam... Hays... Tumakas na naman po si Alex, umihi lang ako sandali" sumbong sa akin ng yaya ni Alex kaya tumingin ako dito.

"Baby what did I tell you about leaving alone?" Tanong ko dito.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Where stories live. Discover now