Chapter 27

50 8 0
                                    

Questions

Pearl's Pov

"Baby are you okay?" nag aalalang tanong sa akin ni mommy nang makarating kami dito sa bahay. Kasama nito si daddy na bakas din ang pag aalala sa akin.

"I'm okay natakot lang ho ako dahil parang baliw na si Señora Amalia" sabi ko kay mommy.

"Achilles mag usap tayo" seryosong sabi ni daddy kaya napatingin ako dito,kinabahan ako para kay Achi. Alam ko na galit ngayon si daddy dahil sa nangyari.

"Dad ayos lang naman po talaga ako eh" sabi ko dito.

"Yes you are" sabi nito na parang sarcastic ang dating.

Umalis na si daddy at sumunod naman dito si Achilles sasabihan ko pa nga sana ito na wag ng sumunod pero wag na baka mas magalit pa si daddy. Bumaling naman ako kay mommy.

"Mom! Bakit ganon si dad" sumbong ko dito pero tumawa lang ito at niyakap ako.

"Ganun talaga ang daddy mo dahil nag aalala sya sayo, miski ako nag aalala sayo, ano ba ang nangyari at nakidnap ka ng lola ni Achi" sabi sakin ni mommy kaya napasimangot ako, naalala ko na naman yung nangyari.

"Nung dumating kasi kami don, nalaman ko na wala na pala yung dati dong mayordoma, then may bago daw sabi sakin ni ate Rosie tas ayun sya pala yung kasabwat ni señora Amalia, ang natatandaan ko nagdala sya ng meryenda sakin tas ilang minuto lang nung may nainom ako yun na nahilo na ako" sabi ko kay mommy at nakatingin lang siya sa akin.

"Okay! Kunyari na lang may naintindihan ako" asar ni mommy kaya kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

"Mommy!" sigaw ko dito na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin.

"Okay, okay I'm sorry, hindi ko kasi naintindihan yung kwento mo, basta anak hah sa susunod mag iingat ka, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may mangyaring masama sayo" seryoso ng sabi ni mommy.

~~~💍💍💍~~~

'Ding Dong'

"Ay maam kayo po pala, pasok kayo" sabi sa akin ng katulong dito kaya pumasok na ako kasama si Ash.

"Sure ka ba dito?" tanong sa akin ni Ash, niyaya ko lang kasi sya dito. Hindi na kasi ako mapakali, at alam kong si lola lang ang makakasagot sa mga tanong ko.

Hindi ko na lang siya sinagot at dumiretso na ng pag pasok.

"Iha" salubong sa amin ni lola ng makapasok kami. Nag mano naman ako sa kanya at ganun din ang ginawa ni Ash.

"Naparito kayo, teka sandali mag meryenda muna kayo" sabi ni lola at nag pahanda ito ng meryenda.

"Lola alam ko po na alam nyo na nakidnap ako ni Señora Amalia" panimula ko pero pansin ko ang pagiging balisa ni lola.

"Oh ayan na pala yung meryenda tara kumain na muna kayo" alam kong gusto ni lola na ibahin ang usapan kaya hindi na ako umimik at kumain na lang din muna.

Matapos naming mag meryenda ay inaya kami ni lola sa veranda upang mag pahangin.

Nang makarating kami sa veranda ay nag buntong hininga si lola.

"Hindi ako nag taksil kay Leonardo" panimula ni lola, napatingin ako kay Ash at pansin ko na sumeryoso ang mukha nya ng narinig ang pangalan ng lolo nya.

"Nang dumating ako sa probinsya noon, nag karoon agad akong maraming kaibigan, isa na nga dyan ang mga lolo nyo, pero hindi ko alam kung bakit ngunit napansin ko na parang may kakaiba sa kanilang dalawa" huminto saglit si lola. Siguro ay naalala nya ang nakaraan nya,habang kami ni Ash ay seryoso paring nakatingin sa kanya.

My Fiancé is not a Good Boy [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon